Chapter Fifteen

3K 104 5
                                        


Ava

It's been weeks madalang na lang kami magkita ni sugarcake. She's busy at work dahil nga na magisa na lang niyang pinapatakbo ang company nang daddy niya kaya ayon konti na lang ang time niya sa akin. Ako naman ay naging busy din sa pagmomodel ko pero kahit ganon ay naglalaan pa din ako nang oras para sa kaniya, there's a time na I prepared her dinner tapos lagi ko pa siyang pinagsilbihan at minamasahe pagkauwi niya galing trabaho.

Kahit na minsan naglalambing ako at nakakatulugan niya ako ay okay lang kasi naiintidahan ko naman na pagod siya.

" Saan ka galing?" Tanong kay Zai na kabubukas pa lang ng pinto.

" Diyan lang sa labas.." sagot niya.

Lately napapansin ko na napapadalas na iyang paglabas labas niya na iyan. Paminsan nga hindi ko na siya naaabutan sa office niya kahit dito sa condo niya.

" Sino naman ang kasama mo?" Usisa ko.

" Iyong kapatid ni Franco na kaibigan na ikinuwento ko sayo nung nakaraan.." oh, that girl again.

" Napapadalas na ata ang pagkikita niyong dalawa, may dapat na ba akong ikaselos niyan?" I crossed my arm.

" Ano kaba.. syempre wala, halika nga dito." Hinila niya ako at niyakap  ng mahigpit.

" Alam mo namang ipinapasyal ko lang siya sa mga lugar dito sa pinas kasi nga ngayon lang siya nakapunta dito... Ayaw niya kasi na si Jay ang magpasyal sa kaniya eh, siguro nahalata niyang babaero ang isang iyon kaya ayaw hahaha.." tumawa ako nang mahina.

" Ipakilala mo kaya siya sa akin nang makilala ko naman iyang lagi mong kasama nang sa ganon hindi na ako nagiisip ng kung ano ano.." tumingala ako sa kaniya.

" Sige magseset ako nang dinner kasama siya.." Gusto ko din na makita kung anong klaseng babae iyon.

" Sugarcake.." tawag pansin ko sa kaniya.

Nakaupo na kami ngayon sa sofa at magkayakap na nanonood ng tv.

" Hmmm.." Hindi siya tumingin sa akin, focus lang siya sa panonood.

" Magpakasal na kaya tayo.." tumingin siya sa akin.

Ayoko nang patagalin pa ang lahat. Okay naman na lahat eh maayos na ang lahat sa kompanya nila at wala din kaming gaanong problema kaya why not na magpakasal na kami.

" Diba sinabi ko na sayo na hindi pa pwede.." napasimangot naman ako.

" Eh maayos naman na lahat ah? Sa company niyo eh.. bakit hindi pa din pwede? Siguro ayaw mo lang akong pakasalan ano kaya ka ganiyan" tumalikod ako sa kaniya.

" Ano kaba hindi.. syempre gusto kitang pakalasan." Hindi ako nagsalita.

" Ava.." Hindi ko pa din siya pinapansin.

" Honeybunch.." bahala ka diyan.

" Uyy.." hinawakan niya ako sa bewang pero hindi ko pa din siya pinapansin.

" Haist...fine, sige na magpakasal na tayo.." agad akong napalingon sa kaniya.

" Talaga?" Tumango siya.

Tsk. Parang hindi naman niya gusto, mukhang napipilitan lang siya.

" Napipilitan ka lang yata eh.." hinaplos niya ang pisnge ko.

" Dito ka lang may kukunin ako.." nagtaka naman ako sa kaniya.

Tumayo siya at nagtungo sa kwarto at pumasok siya don may isang minuto din siya doon nang lumabas siya. Parang may nakatago sa likod niya kasi iyong dalawang kamay niya ay nasa likod niya.

Possessive Women Series: Ava Louise SaavedraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon