ZaiFive days si papa na confine sa hospital saka siya nadischarge nang doctor, sa awa nang diyos ay nakarecover na si papa. Bilin nang doctor huwag na siyang magtrabaho at magpapagod at magpupuyat para hindi na maulit uli ang nangyari sa kaniya. Kaya I decided na akuin na ang responsibilidad na patakbuhin lahat ng negosyo namin.
Hindi ko na din naman hahayaan na may mangyari pang masama ulit kay papa nang dahil lang doon kung kaya ko naman na ang lahat.
" Sugarcake.." baling ko sa katabi ko ngayon sa kama.
" Hmmm?" Inilig niya ang ulo niya sa balikat ko.
" Kailan tayo magpapakasal?" Hindi pa din niya malimutan ang mga sinabi ko sa hospital at dahil sa sinabi Kong iyon ay lagi na niya akong kinukulit sa pagpapakasal.
" Hindi pa pwede.." nasimangot naman siya sa sinabi ko.
" Why? Stabled naman na tayo ah? At saka hindi na tayo bumabata...pakasal na tayo.." maktol niya.
Natutuwa naman ako at gusto din niya akong pakasalan pero hindi pa talaga pwede ngayon dahil mayroon pa akong responsibilidad sa company ni Papa.
" Siguro after a year, pwede na tayong magpakasal." Nang sa ganon ay mapaghanda namin nang maayos ang lahat ng walang inaalala.
" Eeeeeh..ang tagal naman gusto ko ngayon na." Natawa lang ako sa inaakto niya ngayon.
" Ava alam mo namang kailangan ko munang asikasuhin ang company ni Papa hindi ba?" Humigpit ang yakap niya sa akin.
" I just want to get married to you the soonest.." naantig naman ang puso ko sa sinabi niyang iyon.
" Patay na patay ka talaga sa akin ano?" Asar ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako nang tingin at kinurot sa tagiliran ko.
" Aww.." sadista pa din siya.
" Psh! Magseryoso ka nga!" Pikon din siya hahaha.
" Seryoso naman ako sayo ah?" Gusto ko na siya na ang makasama ko sa pagbuo nang sarili kong pamilya at makasama sa pagtanda.
" Hmmp!" Nagtatampo na siya.
Tumalikod siya sa akin at inalis ang kamay ko sa pagkakayap sa kaniya, mukhang mahabang gabi na naman ito sa akin.
" Ava.." kalabit ko sa braso niya.
" Don't touch me!" Naku naman.
" Sorry na.." Wala pa din siyang imik.
" Huy.." napabuntong hininga na lang ako.
Nagiging isip bata na naman siya sa mga ganitong sitwasyon dapat layuan ko muna siya baka mapuno na siya sa akin. Kaya tumayo ako at akmang lalabas na nang kwarto ko nang,
" Where are you going?" Napalingon siya sa akin.
" Lalabas..." Sumama ang timpla niya.
" At saan ka naman pupunta?" Nakacrossed arm pa siya.
" Ahm, bibili ng ice cream?" Nagtaas siya nang kilay.
" No, walang lalabas." Maotoridad na sabi niya.
" Galit ka pa sa akin?" Umiwas siya nang tingin.
Galit pa siya.
" Aalis na muna ako.." hahawakan ko na sana ang doorknob ng,
" No! Hindi ka aalis dito ka lang!" Tumayo siya at hinila ako papunta sa kama.
Natawa na lang ako sa loob loob ko dahil sa ginawa niya. Nakaupo lang kaming dalawa sa kama ko.