Ava
" Is it true? " Tanong ko kay Zai na ngayon ay nakatingin kay Ella.
Bumaling siya sa akin, and she cupped my face.
" Yes, I still love you.." when she said that napaluha na ako.
Napaluha dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay narinig ko na ulit sa kaniya na mahal pa rin niya ako hanggang ngayon.
" No!! You can't do this to me Zai!?! Your mine!?! I'm your girlfriend!?!" Tumingin ako sa babaeng nanggagalaiiting nakatingin sa amin.
" She's not yours to begin with, she's mine! And mine alone! " Naiyakap ako ni Zai.
" Mang-aagaw!!!" I smirked.
Hindi ko inagaw sayo si Zai dahil alam ko na sa una palang na mahal pa rin niya ako.
" Let's go Ava.." hinila na ako ni Zai paalis sa harap ni Ella.
" Magbabayad kang babae ka!?!!" Sigaw ni Ella nang makaalis na kami.
Agad na akong sinakay ni Zai sa kotse niya at ako naman ay nakangiting pinagmamasdan lang siya.
" Tawagan mo ang mga kaibigan mo at sabihin mong uuwi kana.." she said.
" Okay.." I smiled at her.
Tinext ko na lang si Trixie na mauuna na akong umuwi sa kanila, inusisa pa nila ako dahil nakita nila ang gulong nangyari kanina sa loob ang sabi ko na lang next time ko ikukwento sa kanila ang detalye sa nangyari.
" Seatbelt.." napatingin ako kay Zai na siya na mismo ang gumawa.
" Thank you.." ngumiti lang sya sa akin at pinaandar na ang kotse niya.
While she's driving nakatitig lang ako sa kaniya at siya naman ay biglang napatingin sa akin.
" What?" Napailing ako.
" Nothing.." napangiti siya at hinawakan ang kamay ko.
" Sa condo ka na Lang muna matulog.." tumango na lang ako sa kaniya, gusto ko din naman na makasama ko siya sa pagtulog ko.
Niyakap ko ang kanang braso niya at inilig ko ang ulo ko sa balikat niya hinalikan naman niya ako sa ulo ko na ikinangiti ko. Namiss ko na lagi niya akong hinahalikan sa noo, she's like this when were together back then. Bumalik na nga siya sa akin.
Few minutes lang at nakarating na kami sa condo niya, while walking ay hindi ako maalis sa pagkakadikit sa kaniya. Ngayon pa na umamin na siya sa akin, I won't let her go this time hinding hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon nato para maging masaya.
" We're here.." tumigil kami sa tapat nang condo unit niya.
Kumalas ako sa kaniya at pumasok na kami sa loob. Hinubad niya ang coat niya at nilapag sa sofa.
" Maliligo kapa ba?" Tanong niya.
" Ahm, yeah pakiramdam ko ang lagkit ko na matapos akong hawakan ng babaeng iyon kanina..." Tukoy kay Ella. That bruhilda.
" Okay, mauna kana." Lumakad na ako papuntang banyo nang maalala kong wala pala akong dalang damit.
" Zai ahm, Wala nga pala akong dalang damit..can I borrow some shirt?" Tumgango na lang siya.
" Kuha ka na Lang sa closet.." naupo siya sa sofa at isinandal ang sarili.
Pumasok ako sa kwarto niya at kumuha ng white polo shirt at boxers niya pati na din ang undies. Pagkatapos nagshower na ako, refreshing.