Chapter Six

3.7K 145 1
                                        


Zai

" Ano na naman ba itong ginagawa mo ha?" Hawak ko ang braso ni Ava ngayon.


Hinila ko siya paalis sa sala dinala siya sa kwarto ko dito sa bahay ng mga magulang ko.


" What? Diba I told you the other day na I won't stop until you'll be mine again.." sobrang lapit namin sa isa't isa ngayon.

" Hindi ikaw ang girlfriend ko kundi si Ella .." binitawan ko siya.


" Not anymore...now that our parents knew that you and me have a thing..ako ang kilala nilang girlfriend mo at hindi ang babae mo..." Napasabunot ako sa buhok ko.


" Gusto mo bang magalit sayo ang parents mo kapag nalaman nilang hindi ako ang girlfriend mo? Kita naman sa kanila na gusto nila ako para sayo..." Umakbay siya sa balikat ko.


Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.


" Hindi pa rin kita girlfriend...kahit pa sinabi mo sa magulang ko ang kasinungalingan mo hindi mo pa rin ako pagmamayari..." Sa tingin ba niya na sa ginawa niya mababago na ang lahat?



" Still...for me it's a start to win you back.." napairap na lang ako.


" Anak! Kailangan nang umuwi ng girlfriend mo!" Rinig kong sigaw ni mama sa may labas ng pinto.


" Hahaha..see.." mahinang tawa ni Ava.


Lumapit na ako sa may pinto at binuksan ko ito.



" Ano tapos na ba kayong magusap?" Parang may ibang ibig sabihin ang tono ng pananalita ni mama.


" We're done.... talking tita.." ngisi pa ni Ava sa akin.


" Okay...." Sabay tingin sa akin ni mama ng may pangaasar. Napailing na lang ako, Kung ano ano na siguro ang pumapasok sa isip niya ngayon.



" Sige na hija.. inaantay kana sa baba ng magulang mo.." tumango si Ava at naglakad palabas.


Isasara ko na sana ang pinto ng tiningnan ako ni mama.


" Hindi mo man lang ba ihahatid ang girlfriend mo?" What? Argghh!


" Ma, kaya na niya ang sarili niya.." matamlay kong Sabi.


" Be a gentlewoman naman anak!" Naku naman!

" Huwag na tita baka.. NAPAGOD siya kaya gusto na niyang magpahinga..." Nanlaki ang mga mata ko.


" Ah...kaya pala.." madumi na talaga ang utak ng nanay ko.

" It's not what you think ma..." Tinaasan niya ako ang tingin.

" Talaga ba.." usisa nito.


" Okay fine... ihahatid ko na siya.." bwisit talaga.


Nakita ko namang ngiting tagumpay si Ava sa pagsuko ko.



Lumabas na kami ng bahay at nagpaalaman na pati sa magulang niya at magulang ko.
Naunang umalis ang mga magulang ni Ava bago kami umalis.

Tahimik lang kaming dalawa ngayon habang nasa byahe focus lang ako sa pagdadrive samantalang siya ay panay tingin sa gawi ko na kinailang ko naman. Grabe kasi Kung makatitig eh.

" Itigil mo nga iyan!" Baling ko sa kaniya.

" What? I didn't do anything.." tanggi niya.


Possessive Women Series: Ava Louise SaavedraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon