Zai
" Pre hindi ko akalain na magtotwo time ka hahaha.." napailing ako dahil sa sinabi ni Jay.
" Tsk." Nandito na naman itong mokong nato.
" What? Hahaha.." binato ko siya ng tiniklop na papel.
" Manahimik ka nga diyan!" Panira talaga ng araw.
" Bakit nakascore kaba kay Ava? Oh kaya kay Ella?" Ngisi pa niya sa akin.
" Tarantado!" Ang manyakis talaga nitong lalaki nato.
" Hahaha..." Nakuha pa niya akong tawanan. Tsk.
Ilang araw na din ang lumipas nang makauwi kami ni Ava galing Isla at nito ngang nakaraan ay madalas kaming magkita dahil lagi niya rin akong ayain at minsan pa ay pumupunta ito sa condo ko oh sa bahay nina mama kung nandoon ako.
Hindi ko na siya mapigilan pa na umeksena sa buhay ko dahil simula nang payagan kong halikan niya ako at may mangyari sa amin ay nagkaroon na siya nang pagkakataon para bumalik ulit sa buhay ko.
" Hindi pa nga ako maka-getover sa nangyari sa inyong tatlo nung nakaraan eh, hahaha muntik ka nang mahuli ni Ella na may ginagawa kayong dalawa ni Ava ng kababalaghan dito sa mismong office mo eh.." dapat pala hindi ko na lang kinukwento sa kaniya ang insidenteng iyon, aasarin lang pala niya ako.
" Ang ibig sabihin ba na hinahayaan mo si Ava sa gusto niya ay okay na kayo? Oh gumaganti ka lang?" Sinamaan ko siya ng tingin.
" Hindi ko siya ginagantihan Jay.." napataas naman siya nang kilay.
" So okay na kayo?" Sumandal ako sa swivel chair ko.
" Hindi ko alam ang nararamdaman ko pre... nalilito na ako sa dapat kong maramdaman para kay Ava.." litong lito talaga.
" Naku pre! Huwag mong sabihing bibigay kana?" Hindi ko alam.
" Payong kaibigan lang pre ha? Kung may nararamdaman kapa sa kaniya hangang ngayon eh di maging kayo? Tapos hiwalayan mo na si Ella para naman hindi na masaktan pa iyong tao." Ani niya.
" Ayokong saktan si Ella.." mabait siyang babae.
" Kaya nga! Dapat sa una palang magsabi kana sa kaniya nang sa ganon makamove on na iyong tao pre.." walang ibang ginawa si Ella kundi mahalin ako.
Pero sa tuwing nakikita ko naman si Ava bumabalik na naman ako sa dating ako na sunod sunuran na lang sa takbo ng puso ko. Iyong Zai na gagawin ang lahat para sa taong mahal niya, kahit wala nang matira para sa sarili ko.
" Pre, kailangan mong mamili sa kanilang dalawa hindi pwedeng dalawa sila sa puso mo...mayroon at mayroong hihigit sa kanilang dalawa." Tama siya.
Kailangan kong mamili.
" Pero bago ka mamili....inom naman tayo oh? Matagal na kasi nung huli tayong nagbar eh." Lokong Ito talaga.
" Sige na mamayang gabi..." Nangiti naman siya.
" Yun oh!" Laklakero talaga itong lalaki na ito.
---------------
* Tugs! Tugs! Tugs! *
Namiss ko ang tunog at amoy nang bar ah? Matagal na rin nung huli.
" Whoo! Party! Party!" Sumugod na si Jay sa crowd panigurado may balak siyang maguwi ngayon hahaha.
Ako naman ay naupo lang sa tabi ng bartender at pinapanood lang ang mga taong magsaya at magliwaliw ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Possessive Women Series: Ava Louise Saavedra
Ficción GeneralAva Louise Saavedra Story
