Chapter 3

16.3K 432 6
                                    

Vena's POV

"This isn't a joke, this is a serious matter, Vena, maraming mga pasyenteng namatay ngayong araw, siguro mga sampo, palala ng palala ang mga sintomas nila." lintanya ni Doktora Yeena, kasunod naman niya si Mr. Santford na walang emosyon ang mukha. Kanina pa siya tahimik, sasagot lang kung tatanungin siya ni Yeena pero kapag ako naman ang mag tanong irap lang ang tanging sinsagot niya sa akin. 'Yung totoo may malaki bang galit ang lalaking 'to sa akin? Kung makatingin parang papatayin niya na ako anytime eh. He looks handsome parin naman kahit sobrang maldito niya, minsan nga nakikita ko sa kanya si Sky eh, same expression sila kapag seryoso na. Kamusta naman kaya ang anak ko ngayon? Inalagaan kaya ni Linda ng maayos?

"Paying attention to the patient is the most important thing, Miss Vena." this time ay siya na ang nagsalita, tumikhim ako para bawasan ang kahiyaan na ginawa ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila 'saka binalingan nang atensyon ang isang babaeng sobrang putla, nanginginig pa ang kanyang kamay, at kapansin-pansin din ang malalaking butas sa braso niya, sobrang dami nito, pati mukha niya ay may mga maliliit na butas na rin, Damn! What kind of virus is this? Nakakatakot.

"What is this? May specific name na ba kayo nito?"

"I thought you're a good Doctor?" Irap na tanong ni Santford sa akin, bwesit talaga kausap eh 'noh! Kung may malaki siyang galit sa mundo 'wag niya akong damayin dahil kanina pa ako bwesit na bwesit sa presensya niya.

**

"Ganu'n lang talaga ang ugali ni Skie, Vena, pasensya ka na talaga ah." panimula niya, she's refreshing to that stupid Santford I guess, what is it again? Skie? Pangalan niya Skie?

"Ayos lang, mukhang may malaki nga talagang galit ang lalaking 'yon sa akin, I understand." sagot ko kahit na kating-kati na akong sabunutan ang Santford na 'yon kanina, nakakainsulto kasi siya! Ano akala niya sa akin, porket nag tra-trabaho ako sa maliit na hospital mamaliitin niya na ako? Tangina niya ah! Sarap niya talagang pektusan.

"Ganu'n lang talaga siya, Vena, maalaga kasi siya sa mga paseyente niya, ayaw niyang pumalpak sa trabaho,"

"Hindi pa ba siya pumalpak?" tanong ko. Saglit naman siyang natigilan, malalim din siyang napabuntong hininga na mukhang nahihirapang sumagot.

"Ayos lang kung 'di mo sagutin." sabi ko at pinagmasdan ang mga Nurse na pabalik-balik sa ward, at mga Doctor din na palakad-lakad habang kausap ang mga magulang ng bawat pasyente. Tila may malaking impact sa akin ang Skie na 'yon, no'ng unang kita ko sa kanya, kinabahan agad ako, lalo nat kung paano ito tumingin at ngumisi sa akin na parang demonyo, para bang may masamang binabalak. Kung ano man 'yon? Hindi ko siya hahayaan. May malaking tiwala si Kace sa Santford na iyon, bakit ko siya pagdududahan? Nakakatakot lang talaga ang presensya niya.

"Pumalpak siya. Hindi niya nasagip ang taong mahalaga sa kanya,"

"Kaano-ano mo si Santford?"

"You're too formal, Miss Vena, you can call him Skie or Vernon instead." tawa niya pero halatang pinipigilan niya lang ang sariling emosyon.

Skie Vernon

WHAT DID YOU DO TO HER SKIE VERNON?!

"What?" angil ko na para bang may naalala. Kumunot ang noo niya sa pag iba ko ng mood. Nagsimula na namang manginig ang kamay at paa ko.

"Skie Vernon, you can call him using that. Masyado kasing formal ang Sant—"

Skie Vernon...

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang marealize ko ang pangalan ng lalaking iyon. Naalala ko kung paano banggitin ng isang lalaki ang pangalan niya mismo sa harapan ko, ang taong pumatay sa pamilya ko, at taong bumaboy sa akin, he maybe good looking but inside it? He's a demon! Mamatay tao.

"What's wrong, Vena? May mali ba akong nasabi?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Sa halip ay mabilis akong tumakbo palayo sa loob ng hospital, nagkataon lang ba na may kapareho siyang pangalan? Or siya talaga ang taong iyon?

Kaya ba ako kinakabahan pag andiyan siya dahil siya talaga ang may gawa non? Shit! I need to go home now!

Nanginginig kong nilabas ang phone ko, dinayal ko ang number ni Linda hanggang sa mag ring ito, nakakailang ring pa bago sagutin. Fvck! Kinakabahan na ako ngayon gusto ko nang umuwi baka saktan niya rin ang anak ko!

"Ma'am!" malakas na sigaw ni Linda sa kabilang linya. Sinuot ko ang seatbelt ko 'saka ko pinaandar ang sasakyan kaya lang? Bigla akong napahinto nang may bumaril sa salamin ng kotse ko.

"Ahh!"

"Where's my son, Linda? Is he safe?" Tarantang tanong ko habang pilit na namang pinaandar ang sasakyan. Mas lalo akong kinabahan ngayon, pinagpawisan na din ang noo ko.

"Natutu-"

*Bogsh!"

"Shit!"

Nabitawan ko ang phone ko nang may bumangga ng kotse ko mula sa likuran ko. Napahiyaw pa ako dahil sa takot pero pinatatag ko ang sarili ko, mabilis kong pinaharotrot ang sasakyan ko habang sunod naman ng sunod ang isang kotse sa likuran ko, oh my God!

Nakita ko sa side mirror ko ang pagbukas ng kanyang kaliwang bintana, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang baril na nakatutok mismo sa kotse ko, nag u-turn ako para hindi matamaan ng kanyang baril ang kotse ko pero mali yata ang ginawa ko dahil sa braso ko tumama ang bala.

"Argh!" daing ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak. Damn it! Ang sakit!

Pilit kong inaabala ang sarili sa ibang bagay para hindi maramdaman ang sakit but damn it! Isang putok na naman ang pinakawalan niya, tumama ito sa kanang salamin ko kayat nabasag ito. Hindi ko alam kung sino ang nasa loob ng kotseng iyon dahil tinted pero sigurado akong gusto niya akong patayin.

"Argh!" daing ko na naman nang maramdaman ko ang sakit na natamo ko sa braso, ngunit hindi parin ako tumigil sa pagmamaneho, at hindi rin siya tumigil sa pagpapaputok. Ano bang kailangan niya sa akin? Bakit niya ako gustong patayin? May malaki ba akong atraso sa taong ito? Sino ba siya!

Isang putok na naman ang pinakawalan niya at naramdaman ko ang paghina ng takbo ko. Bigla akong ginapangan ng takot, nanlaki ang mata ko nang tuluyan na ngang huminto ang kotse ko kasabay naman nito ang luhang kanina ko pa pinipigilan, katapusan ko na ba?

Letseng buhay 'to!

"Fvck!"

Naramdaman ko ang yapak niya papunta sa kinaroroonan ko, pinikit ko ng mariin ang mga mata habang impit na humihikbi. Kung katapusan ko na ngayon, paano na ang anak ko? Baka saktan siya ni Skie! Hindi pwede!

Mabilis akong nag mulat 'saka ko sinipa ang pintuan ng kotse ko. Bigla akong natigilan nang tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Skie.

Napaatras ako nang ilang dangkal, may hawak siyang baril. Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari noon, nakakatakot. Ayoko na! Ayoko na!

"Tigilan mo na ako! Ano bang kailangan mo sa akin, Skie! Pinatay mo na sila lahat! Pati ba naman ako idadamay mo? Tigilan mo na ako parang awa mo na!" pakiramdam ko bumalik ako sa dati, hanggang ngayon ay mahina parin ako, hindi man lang ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

I need to hide his son away from him.

You looked handsome outside but you're demon inside. Fvck you! Mamatay kana, Skie!

Humakbang siya patungo sa akin. Marahas niyang hinila ang braso ko 'saka ako nito sinandal sa kotse. Napapikit ako dahil sa sakit na dulot non. Tanging hikbi na lamang ang tangi kong nagawa.

"Kung...Kung ano man 'yung kasalanan ko! Kaya kong pagbayaran ang lahat ng 'yon! Pakawalan mo na ako! May anak pa ako, Skie, maawa ka naman sa akin!" gusto kong lumuhod para magmakaawa, para pakawalan niya na ako. Ayoko na dito! Gusto ko nang bumalik sa France, kung saan kami namumuhay ng payapa ng anak ko.

"I don't need anything from you, except to your child's life." dahil sa sinabi niyang iyon, tila nawalan ako ng dugo sa mukha.

"No! 'Wag mong idamay ang anak ko dito! Hindi kita hahaya—"

"You won't let me? Try me, Vena, try me."

"I won't stop, Vena, until we get even."

**

Hay nako, Skie! Ang abs natin ingatan mo.

BS04: Hiding The Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon