He's fvcking here! I'm not kidding! He's here! What the actual fvck is he doing here?!
Pilit kong pinapakalma ang sarili habang papasok ako sa loob ng bahay nina Linda. Sa likuran ko naman ay ang tatlong lalaki, kasama na roon si Skie na kausap na ngayon ni Linda, hindi ko sila pinansin, bagkus ay mabilis akong pumasok at hinanap si Sky, hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko kaagad siya kasama niya si tatay.
"Baby, come here, labas muna tayo." sabi ko sa kanya, tumango naman siya kahit na walang maintindihan sa reaction ko. Hindi ko na inabalang punasan ang kamay at mukha niya, agad kaming lumabas sa isang pinto, bumungad sa amin ang malawak na bakuran nina Linda.
"Where are we going, Mom?" Kunot noong tanong ni Sky. "We're leaving, baby," sagot ko at kinalong ko siya. Nilapitan ko ang limang gwardiya at sinabihan na kunin ang mga gamit namin sa loob ng bahay nina Linda. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon, hindi pa gumagalaw ngayon si Skie, natatakot ako para sa pamilya ni Linda, kapag hindi pa kami umalis dito, paniguradong idadamay niya ang pamilya ni Linda. Ayoko non kaya habang may oras pa ay aalis na kami sa lugar na 'to, tangina! Hanggang kailan ko ba gagawin 'to.
Hindi talaga ako titigilan ni Skie, gagawin niya ang lahat para makapag higanti sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, hinaplos ko ang mahabang buhok ni Sky.
Agawin niya lang lahat 'wag lang ang anak ko, kundi lalaban talaga ako ng patayan kahit na natatakot ako sa kanya. Inangat ko ang tingin nang makita ko ang limang gwardiya na papalapit sa amin habang hawak ang mga gamit namin, nasa likuran naman nila si Linda na mukhang nagmamadali pa. Magulo ang kanyang buhok, gusot na gusot pa ang damit.
"Sayang aalis na tayo agad! Dami pa namang gwapo!" asik niya nang makalapit na siya sa amin. Tinaasan ko siya ng kilay sa inasta niya.
"Kung gwapo lang naman pala ang hanap mo? Mas maiging sisantehin na kita," seryoso kong saad sa kanya, sabay talikod, sumunod naman ang limang gwardiya.
"'Wag naman, Ma'am! Pasensya na po, pero kamukha po ni Sky ang isa sa mga lalaking iyon eh, ama po ba ni Sky 'yon?"
"Hindi niya ama 'yon." mabilis na sagot ko at pinagpatuloy muli ang paglalakad. Narinig ko ang malakas na pag buntong hininga niya pero mas pinili niyang 'di na lamang sumagot sa akin. Kahit kailan hindi ko ipakilalang ama ang Skie na iyon sa anak ko, manigas siya! Walang amang mamatay tao si Sky, hindi siya nararapat sa anak ko.
"Tinawagan mo na ba si Kace?" tanong ko kay Aldrin, isa sa mga bodyguards namin. Dahan-dahan siyang tumango sabay lahad sa akin ng phone niya.
"Opo, Ma'am, pag labas po daw natin dito, aabang po daw ang sasakyan ni sir sa daan." magalang na sagot niya. Tumango ako bilang pag sang ayon. Binalingan ko ng tingin ang anak ko, napangiti ako ng makitang pikit na ang mga mata niya, may dumi pa siya sa pisnge niya, ang cute niya tuloy tingnan. Tila walang pakialam sa mundo ang anak ko, napagod siguro kanina sa ginagawa nila ni tatay.
Humihingi din ako ng pasensya dahil hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos dahil sa takot na baka mahuli ni Skie ang anak ko. At baka idamay niya rin ang pamilya ni Linda, ayokong masaksihan 'yon, kayat habang hindi pa huli ang lahat? Lalayo na kami.
Nang mahagip ko na ang sasakyan ni Kace, mabilis akong lumapit roon. Mukhang bagong car wash pa ang sasakyan, sobrang linis kasi.
"Ma'am, muk—"
"Pumasok kana Linda, mamaya ka na dumaldal, kailangan na nating umalis." pinigilan ko siya sa maaari niyang sasabihin, baka tungkol na naman ito kina Skie, ayoko nang marinig ang sasabihin niyang walang kwenta. Kailangan na naming umalis baka masagupa pa namin ang groupo ni Skie.
"Ano ba, Linda!" inis na asik ko nang hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya, pati 'yong limang gwardiya ay napaatras na tila nakakita ng multo. Nagtaka ako sa mga reaction nila, gusto kong bumaba para hilahin si Linda kaya lang hawak ko sa braso si Sky, tangina naman! Ano na naman itong pakulo nila!
"Sisantehin na kita!" iritado kong sigaw at mabilis kong sinara ang pinto ng sasakyan. Sumandal ako sa upuan habang pikit ang mga mata, hahanap na lang siguro ako ng bagong nanny ni Sky, makakauwi naman ang limang gwardiya na iyon na sila lang. trained sila eh, isa iyon sa malalakas na gwardiya ni Kace.
Minulat ko ang mata ng dahan-dahan, kasabay naman nito ang pag andar ng sasakyan na kinagulat ko. T-Teka may sariling driver ang kotseng 'to?
Mabilis akong lumingon sa driver seat, halos mahimatay ako nang makita ko si Skie na walang emosyong nagmamaneho.
"What the! Ano 'to Skie! Itigil mo ang sasakyan, hayop ka!" malakas na sigaw ko at akma na sana akong magpumiglas ng may humawak sa magkabila kong braso, kinuha nila si Sky mula sa kamay ko habang natutulog parin ito. Biglang kumulo ang dugo ko.
"Tangina! Ano ba! Bitawan niyo ang anak ko! Piste! Bitawan niyo 'ko! Bitawan niyo 'ko! TANGINA MO SKIE, ITIGIL MO ANG SASAKYAN!" hindi ako makagalaw dahil hawak ako ng dalawang lalaki na sa tingin ko ay ang mga kasama niya.
"Ano ba! Bwesit! Bitawan niyo sabi ako!" pakiramdam ko maiiyak na ako dahil sa kaba at galit. Hindi ko iniwas ang tingin sa anak ko, mahimbing parin ang tulog niya habang hawak ng isang babae?
WAIT, BABAE?
Inangat ko ang tingin sa babae, nagtama ang mata naming dalawa, may silver eyes siya at sobrang ganda ng mga mata niya pero galit ko lamang siyang tinapunan ng tingin. "Kung hindi mo ibibigay sa akin ang anak ko? Hahanapin kitang gaga ka! Papatayin kita!"
"SHUT UP, VENA!" galit na sigaw ni Skie sanhi ng pag mulat ng mga mata ni Sky, at kasabay naman nito ang luhang tumulo galing sa mata ko. Kunot noo akong tiningnan ni Sky, kunot noo rin siyang tumingin sa babae.
"Who are you? Why are you holding me?" matapang na tanong niya dahilan ng kinabigla ng babae. Naramdaman ko din ang pag luwag ng hawak sa akin ng dalawang lalaki. Not my baby, please!
"And, why are you crying, Mommy? Sinaktan ka ba nila Mommy?"
"Baby," umiiyak na ako ngayon habang wala paring pakialam si Skie, patuloy lang siyang nagmamaneho na tila may pupuntahan. Kinakabahan ako, natatakot ako para sa anak ko. Para sa aming dalawa, anong plano ni Skie sa amin? Sino itong tatlong 'to? Anong gagawin nila sa amin! Damn it, damn it.
"Don't touch me bitch!" asik niya sa babae at agad niya itong tinulak kayat bumangga ang likod nito sa bintana.
"Fvck!" malutong na mura ni Skie at nang lalaking nasa likuran ko. Mabilis na lumapit sa akin si Sky at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Are you okay, Almika?"
"Tangina! Patay tayo kay Brix nito!"
"Ayos lang, Skie, ayos lang." mahinhin na sagot ng babae, hinarap niya ako, kita ko ang lungkot sa mga mata niya at pag hingi niya ng tawad. Hindi ako umimik, bagkus hinalikan ko ang ulo ni Sky. Fvck it.
"I'll take care of it, ihatid niyo na si Almika sa mansyon," matigas na utos niya sa dalawa nang huminto na ang sasakyan. Nang makita kong binuksan ng lalaki ang pintuan. Akma na sana akong lalabas din nang hawakan ni Skie ang kamay ko.
"Ano ba Skie! Hindi ka pa ba tapos sa paghihiganti mo! Ano pang gusto mo ah! Patayin mo na ang anak mo ngayong nasa harapan mo na! Tangina mo!" galit na sigaw ko habang tumutulo ang luha. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Shit!
Tila natauhan naman ako sa sinabi ko.
"Hindi mo siya anak, Skie, anak ko siya sa ibang lalaki,"
And I'm so fvcking doomed right now lalo na't bumahid sa mukha niya ang galit.
**
BINABASA MO ANG
BS04: Hiding The Killer's Son
ActionWalang kinatatakutan si Skie Vernon Santford. Simula noong iniwan siya ni Vena, nag-iba ang kaniyang ugali, hindi na ito ang taong naging parte ng kaniyang buhay. Harap-harapan siyang sinaktan. Muntikan pang mawala ang bata sa kaniyang sinapupunan...