Vena's POV
"Pinapakain mo ba ng maayos si Rain? Kapag talaga magkasakit iyon gigitilan kita ng buhay, Wren,"
"Syempre! Takot ko lang sa nanay ng anak ko, silly!" tumawa siya ng malakas, inirapan ko naman siya ng todong-todo. Ang hilig niya talagang mag loko, ang sarap niya tuloy bigwasan.
Andito kami ngayon sa mansyon ni Kace, kakaalis lang ni Kace dahil naiwan niya ang asawa at anak niya sa France, pero sabi niya kanina, dadalhin niya ang anak niya rito at asawa niya. May plano nga rin si Wren na dalhin din dito si Rain para matuwa naman ang bata, pero 'saka na iyon kapag uuwi na siya sa France. Gusto ko na nga ring bumalik kaya lang? Mas gusto kong hanapin muna ang anak ko, hindi ko alam kung nasaan na si Sky pero pinagdadasal ko ang kalagayan niya, anak naman siya ni Skie, imposibleng saktan niya ang sarili niyang anak. Kung sasaktan niya man? Sisiguraduhin kong wala na siyang bukas.
Isang buwan na ang lumipas, wala paring nakakaalam kung saan dinala ni Skie ang anak ko, pati sina Kace hindi nila alam, masyadong tago ngayon si Skie, hindi niya na nga pinupuntahan ang hospital niya, balita-balita pa kanina, may namatay daw na pasyente sa hospital ni Skie, gusto daw kasi nito si Skie, nang sabihin ng Doctor na wala ang gusto niyang Doctor? Bigla itong binawian ng buhay.
Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Inaalala ko ang anak ko, namimiss ko na si Sky, gusto ko na siyang makita. Pero imposible 'yon lalo na't hawak siya ng sarili niyang ama. I know Skie won't harm him, isang tingin pa lang sa mukha ni Sky malalaman agad na may dugong Santford siya. Matalino si Skie, gagawin niya talaga ang lahat hanggang sa makuha niya ang gusto niya. Nag bago na talaga ang gagong 'yon, kapag magkita muli kami? Hindi na ako aatras, tama na. Pagod na akong maging mahina, dahil sa katangahan ko nawala ang anak ko. Hindi na ako aatras sa labang sinimulan ni Skie, gusto niya ng laro? Sige pagbibigyan ko siya.
"Vena! Vena!" Mabilis akong napalingon kay Annie, isa sa mga kasambahay ni Kace. Mas prefer kong tawagin niya akong Vena kesa sa Ma'am.
"What's wrong?" kunot noo kong tanong. Hinawakan niya ang tuhod niya para magpahinga, humihingal pa siya. Ano kayang nangyari sa babaeng 'to? Pawis na pawis pa ang buong mukha niya.
"May batang babae po sa labas, hinahanap po kayo," hingal na saad niya. Mabilis akong humakbang, hindi ko na siya nilingon pa. Tinungo ko ang malaking pinto ng mansyon. Agad ko itong binuksan.
"Mommy! Mommy!" halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ni Rain ang binti ko. Hindi ako gumalaw, gulat na gulat parin ang mukha ko. Nasa likuran ni Rain si Wren na may pasa sa kabilang pisnge. Saan naman nanggaling iyon? Napaaway ba sila ni Rain?
"Mommy, I missed you." Binalingan ko ng tingin ang 5 years old kong anak. Naka ponytail ang buhok niya, sobrang cute na cute niya rin sa suot niyang Barbie na damit. Dahan-dahan ko siyang pinantayan, niyakap ko siya ng mahigpit. Damn! I missed my little princess!
"Bukas ko pa sana siya susunduin kaso lang, sinama pala ni Triton kaya kinuha ko na lang, she wants to see you." Tumango ako sa sinabi ni Wren, tumango din naman siya bilang sagot.
"Talk to our daughter first, maliligo muna ako." Nilapitan niya si Rain, nginuso nito ang labi niya para magpa-halik kay Wren.
"You little witch." tawang saad ni Wren 'saka hinalikan ang pisnge ni Rain bago ito lumisan sa aming harapan.
Hinarap ko siya, namumula ang kanyang pisnge at ilong. Manang-mana talaga siya sa ama niyang suplado, kung naging lalaki lang si Rain? Sigurado akong kamukha niya na talaga si Wren. Hinaplos ko ang mahabang buhok ni Rain, kinalong ko siya papuntang sofa. Ang baby girl ko muna ang kakausapin ko ngayon, wala si Sky eh, punyetang Skie kasi, pero hindi ako titigil. Hihintayin kong lalapag ang hayop na 'yon dito.
"Mommy! Nakakuha ako ng 3 stars sa school namin!" masayang sigaw niya at pinakita sa akin ang tatlong star niya sa palad. Ngumiti ako tapos hinalikan ko ang ulo niya.
"I'm so proud of you, baby."
"Thank you, Mommy! How's my Daddy, Mommy?" tanong niya sabay hikab. Tumawa naman ako ng mahina, sinandal ko siya sa dibdib ko, mukhang inaantok na yata ang prinsesa ko, anong oras kaya dinala ni Triton si Rain dito? Hindi kaya ito nasaktan? Pasa kasi ang pisnge ni Wren eh, mukhang napaaway na naman ang lokong 'yon, lagi na lang. Ang tanda-tanda na eh, may anak na nga, nakipag-basag ulo pa.
"Your Daddy? He's doing fine, baby, how about my little princess?"
"I missed you, Mommy, I want to see you everyday!"
Sana nga andito si Sky kaso mailap talaga ang tadhana. "I want to see you too, ayaw mo pa bang matulog baby?"
"I..." hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang pumikit na ang kanyang mga mata. Dahan-dahan akong tumayo at akmang ihahakbang na sana ang paa papuntang kwarto ko nang tumambad sa harapan ko ang mukha ni Wren, wala siyang pang itaas na damit, nasa basang buhok niya ang puting towel.
"Tulog na ba?" tanong niya habang ang tingin ay nasa akin. Tumikhim ako para iwasan ang awkwardness. Naloko na.
"Yeah."
"Let me, ako na ang maghahatid sa kanya sa kwarto mo," Nilahad niya ang braso niya sa harapan ko, mahinhin ko namang binigay sa kanya si Rain.
Malakas akong napabuntong hininga ng makaalis na siya sa harapan ko. Umupo ako muli ako sa upuan, kinuha ko ang cellphone ko, nakita kong may text mula kay Kace, mukhang kanina pa ito.
Binuksan ko ang inbox ko. Binasa ko ang text niya saakin.
"Baka next week pa ang balik ko diyan sa Pinas, Vena. Andiyan naman ang kuya ko, alam kong hindi ka niya pababayaan. Susubukan kong hanapin si Skie, ako na ang bahala."
Hindi ako nagtipa sa text ni Kace, sobrang dami na nang naitulong niya sa amin. Sobrang kapal na din ng mukha ko. Paano ko ba siya susuklian?
*Ting!*
Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko senyales na may mensahe na naman akong natanggap. Kaya lang? Naka unknown ito, hindi naka register ang number.
"So, you're with him huh? Kailan mo kukunin ang anak mo sa akin? Gusto kong kunin muna siya ngayon sa akin, Vena, ayokong nakikipag-kita ka sa gagong Velasquez na iyon! Or else papatayin ko 'yon."
Nanginginig kong binaba ang phone ko. Napansin kong nasa tabi ko na pala si Wren, madilim ang mukha nito, tila may kalaban na naman.
Ano bang problema ni Skie! Gago ba siya? Paano ko kukunin ang anak ko. Baka patibong niya lang 'to, baka ikukulong niya na naman ako, pisteng Santford! Nakakagigil.
"I saw him earlier, kasama niya ang anak mong si Sky, Vena." natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Wren.
"W-What?"
"Kasama niya rin ang asawa niyang si Amber."
***
BINABASA MO ANG
BS04: Hiding The Killer's Son
AksiWalang kinatatakutan si Skie Vernon Santford. Simula noong iniwan siya ni Vena, nag-iba ang kaniyang ugali, hindi na ito ang taong naging parte ng kaniyang buhay. Harap-harapan siyang sinaktan. Muntikan pang mawala ang bata sa kaniyang sinapupunan...