Chapter 13

14.2K 377 7
                                    

Someone's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan ang katangahan ni Vena, imbes na umalis sa loob ng mansyon ni Skie mas pinili niya pang manatili. Hindi ba talaga siya nauumay sa ugali ni Skie? Kilalang-kilala ko ang lalaking 'yon, wala 'yong sinasanto kahit kanino, siguro medyo kay Vandeon lang siya takot, sa kapatid niyang mas demonyo pa sa demonyo. Kilala ko silang tatlong magkakapatid, naging magkaibigan kaming apat, kaso lang? Lumuwas ako ng ibang bansa noon dahil ipapakasal ako sa ibang lalaki, punyeta!

Gusto kong manatili dahil gustong-gusto ko talaga si Skie kahit na mas masahol pa sa hayop ang ugali niya, kaya ko naman siyang pakisamahan. Hindi naman ako pabebe na magpapansin sa isang crush 'noh. He's my childhood crush, para kasi sa akin mas gwapo pa siya kay Vandeon, siya lang din ang matinong kausap kesa sa kuya niyang tila pinag lihi sa sama ng loob. Well, Vandeon isn't talkative, he only speaks kapag tungkol sa business ang pinag-uusapan or di kaya'y tungkol sa mga bagay na importante para sa kanya. For me? He's a monster businessman. Kilala ko din ang nag-iisa nilang kapatid na babae. She's Freena Lohr Santford, hindi kami magkakasundo non, but friends namin kami. She's pretty too, wala namang panget na lahi ang mga Santford, pero nasa dugo talaga nila ang pagiging heartless.

Malakas na bumuntong hininga si Vena, hinakbang niya ang mga paa niya palabas ng mansyon, sa kabilang dako naman, nakita ko si Skie na kausap si Sky, ang anak niya na tinago ni Vena anim na taon. Hindi ko alam ang tagpo ng buhay nila, andito ako para kunin ang akin. Aagawin ko ang totoong akin.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan, pairap akong tumango kay Alex ngunit sinamaan niya naman ako ng tingin. Kasama niya ang tatlong anak niya na sina Sander, Sandra at Seros. Sobrang suplado ni Seros, hindi talaga kami magkakasundo ng bunso niyang anak. Manang-mana sa nanay at tatay eh.

"Kung ako sa'yo? Hindi muna ako magpapakita," pabalang na paalala niya sa akin. Inayos ko ang damit ko sa halip na harapin siya at sagutin. Ayoko nang mag tago pa, tama na ang sampung taon, gusto ko nang kunin ang asawa ko.

"He's my husband, Alex, may karapatan akong magpakita sa asawa ko."

"Pinili mo si Brandon 'diba? You refused to marry him in the first place."

Inikot ko ang mata ko, malamang! Hindi pa ako handa sa mga araw na 'yon, I want to be independent that time! Ayoko pang matali, and Brandon is my first boyfriend 'noh! Syempre I chose him because I love him before Skie. I suffered many times before coming here, ayoko nang bumalik sa madilim, tamang pagkakataon na 'to para sa akin. They're not in a good terms, its my chance to move now.

"I don't care, Alexandra, you can go now. Ako na ang bahala rito."

"You don't know, Vena yet bitch, may malaki siyang koneksyon kay Velasquez," saad niya dahilan ng pag lingon ko sa kanya.

"Ayaw mo naman sigurong kalabanin si Velasquez 'diba? Parte siya ng society ni Montefalco, isang pagkakamali mo lang sa isa sa kanila you'll be dead, big time."

"What are you trying to say?" Taas kilay kong tanong. She smiled at me na mas lalo kong kinairita sa kanya, minsan talaga napapaisip ako kung kakampi ko ba talaga silang dalawa ni Riley or kaaway, pero sa kanilang dalawa? Si Riley lang ang mas masahol pumatol sa akin.

"I'm warning you, hindi madaling banggain ang dalawang myembro ng society. Santford? Velasquez?"

"W-What?" hindi kaya'y myembro din si Skie? How come? Sabi niya noon hindi siya mahilig sumali sa mga kung ano-ano, ayaw niyang mag trabaho sa kompanya, gusto niyang maging Doctor, paanong?

"May bagong myembro ang society, he's Arkanghel Donovan. Matagal ng kasapi si Skie, hindi niya lang pinag-tuusan ng pansin. By the way? Goodluck to your acting skills, bitch, we're going." ngising paalam niya. Sasagot pa nga sana ako kaso lang humaharotrot na palayo ang kotse. Iritado kong hinarap muli ang mansyon, it's kinda old now but still? Elegant. Mahigpit kong hinawakan ang maleta sa kamay ko, humakbang ako para lumapit na kaya lang? Bigla akong napahinto nang makitang lumabas si Vena, mugto ang kanyang mga mata, gulong-gulo ang buhok niya at may benda pa ito sa sariling wrist.

Napahinto siya ng makita niya akong nakatayo sa harapan niya. Awang-awa na ako sa sarili niya, kaya mas mabuting umalis na lang siya para hindi na siya saktan ni Sv, gusto kong ngumisi sa kalagayan niya pero pinipigilan ko lang lalo na't walang emosyon ang mukha niya.

"Hi! Andiyan ba sa loob si Skie?" nakangiti kong tanong sa kanya. Sa halip na sagutin niya ako? Iniwasan niya lamang ako ng tingin, mabilis siyang umalis sa harapan ko at sumenyas ng taxi.

"Hey! May problema ba?" tanong ko rito. Hinarap niya ako, may nakita akong luhang nagbabadya sa mukha niya. Natigilan ako roon, kitang-kita ko ang sakit mula sa mga mata niya. Gusto kong mag diwang dahil sa wakas mawawala na siya sa landas ni Skie pero bakit ganito? I feel pity for her. She doesn't deserve this.

"Girlfriend ka ba niya? Asawa ka ba niya? Kung oo! Tangina niya! Kapag hindi niya binalik sa akin ang anak ko magkamatayan kami!"

"What did he do to you?" Binitawan ko ang maletang hawak ko. Akma ko na sanang hahawakan ang likod niya nang may lumitaw na Lamborghini sa harapan namin.

Nanlaki ang mata ko roon. Niluwa nito ang tatlong nagwa-gwapuhang mga lalaki, nangunguna ang isang lalaking hindi ko kilala, sobrang sama ng tingin niya habang nakatingin sa gawi ni Vena, si Kace naman ay kunot noong bumaling sa akin habang si Triton ay tila walang pakialam, ngumingisi pa ito.

"Kailan ka bumalik?" tanong ni Triton sabay ngisi. Hindi ako sumagot baka si Vena 'yung tinanong niya.

"Fvck it! Denise, what the effin hell did you do to yourself!" Mabilis akong bumaling kay Vena, mas lalong lumakas ang hikbi niya ngayon. Nilapitan siya ng 'di ko kilalang lalaki, but sobrang gwapo niya, may blue eyes siya at mukhang may half.

"Wren..." mahinang tawag niya sa lalaki. Umigting ang panga no'ng Wren, kita ko din ang pag bahid ng galit sa mukha niya.

"That asshole messed my day again."

***

Vena's POV

"Did he what?!" galit na sigaw ni Wren Feston Velasquez. Ang malupit na kuya ni Kace, mas masahol pa ang ugali nito kay Kace. Pinunasan ko ang luha ko, kanina pa ako umiiyak! Kanina pa ako nagtitimpi ng galit, malapit ko na nga sanang singhalan 'yung babae kanina na nasa labas ng mansyon ni Skie, siguro girlfriend 'yon ni Skie or 'di kaya'y asawa, may dalang maleta eh! Bakit hindi na lang iyon ang buntisin niya! I want my baby Sky back! Damn you! Skie! Damn you!

"Dinala niya si Sky sa ibang bansa,"

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'to Kace! Anong kwenta mong hayop ka!" Akma niya na sanang susuntukin si Kace nang pigilan ko siya, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Wala ring sinasanto si Wren, kahit pamilya niya kaya niyang kalabanin.

"Pinagkatiwala ko sa'yo si Denise tapos hinayaan mo siyang makuha ng gagong Santford na 'yun?! Gago! Umalis ka rito! Tangina!"

"Kuya hindi ko naman sina—"

"Isang salita mo pa Kace, papatayin kita." seryosong sabi ni Wren dahilan nang panlalaki ng mata namin ni Kace pareho. Hindi na lamang sumagot si Kace, galit niyang sinara ang pinto, naiwan kaming dalawa ni Wren.

"Nagising na lang ako kinaumagahan na wala na ang anak ko, Wren, sabi ng katulong dinala daw ni Skie si Sky sa ibang bansa, plano niya na talaga na ilayo sa akin ang anak ko."

"Tinaboy ako ng mga kat—"

"And you let them threw you out?! Sana hindi mo sila hinayaan! Kill them! As simple as that, Vena, you're brave! Fight for your own, goddamn it!"

"Kasal—"

Hindi niya muli ako pinatapos magsalita, hinila niya ang braso ko at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam, naiiyak na naman ako.

"Wala talagang kwenta ang mga Santford na 'yun, ang tanging alas na gagamitin nila ay ang mga bata."

"Don't worry, makukuha natin si Sky, ako ang bahala." Hinawakan niya ang balikat ko. "Namimiss nani Rain ang kuya niya."

Natigilan ako sa sinabi niya, mabilis akong umiwas. "She misses you too."

I'm sorry, baby Rain.

***

BS04: Hiding The Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon