Chapter 17

13.2K 322 15
                                    

Vena's POV

I left Skie in his room. My mind is so confused now, my chest is also hurting. Every words that we're throwing to each other? Makes me hurt more. I cannot accept everything! I did not have the courage to speak again that's why I left him there without saying any words. I'm very sorry, Skie, I know you're hurting too right now but I think we need space to each other, sinasaktan lang natin ang mga sarili natin, Skie. Fix yourself first baby, and I'll do the same too.

Bumaba ako ng hagdan. Taas noo akong tinapunan ng tingin ng asawa ni Skie, habang ang anak ko naman ay nasa sofa at walang emosyon ang mukha. Inangat ng anak ko ang kanyang ulo kasabay naman nito ang huling luhang pumatak galing sa mga mata ko. Sana tama ang naging desisyon ko, ayoko nang masaktan pa. Tama na 'to, ayoko na. Pagod na pagod na ako.

"Mommy!" Mabilis na tumakbo papalapit sa akin si Sky, sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. This is what I want for now, I want my son be with me. I want him stay with me.

"Are you both okay now?" tanong ni Sky, nakikita ko ang pag asa sa mga mata niya dahilan ng pag kirot ng dibdib ko. Weren't in a good terms son, I don't now how to fix this mess, I'm tired.

"Je suis désolé."

***

Flashback

"We can't fix this anymore, Skie, you had a wife now, stay with her. Forget me, forget everything we have. Let's separate our ways now." mahinang saad ko kay Skie. Mahirap bitawan ang mga salitang iyon dahil habang binabanggit ko iyon? Kumikirot ang dibdib ko. I knew how brave he is, he can take this all by himself.

"Ang dali lang para sa'yo, Vena,"

"I did not kill my parents, Vena, is that the reason why you left me Vena? Dahil akala mo pinatay ko ang magulang ko! I know I'm a bad person, Vena, but I can't do that to my family! Hindi ko sila kayang patayin."

Lumunok ako. "Pero kaya mong patayin ang sarili kong mahal sa buhay? Kaya mong pumatay ng ibang tao dahil iyon ang gusto mo 'diba? Ano bang mali sa akin! Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito, Skie!" Hagolgol na sigaw ko. Mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko dahil tila kumikirot na naman ito.

Wala man lang siyang emosyon sa mukha pero ramdam kong nasasaktan din siya. Namumula na ang kanyang mga mata dahil sa iyak, kita ko kung paano niya rin pigilan ang mga luha niya. That's it Skie! Mabuti ka pa! Kayang-kaya mong pigilan ang sariling nararamdaman! Hindi tulad sa akin na paulit-ulit na sinasalo ang sakit. Bakit nga ba tayo humantong sa ganito?

Nagkamali ako ng akala sa pagkatao mo, pero kalaunan? Nang makita ko kung paano mo patayin ang mahal ko sa buhay? Masasabi kong hindi ako nagkamali, Skie. Ma-mamatay tao ka parin sa paningin ko, bakit, Skie?

"Bakit mo sila pinatay! Bakit! Anong kasalanan ko sa 'yo ha! Anong malaki kong kasalanan sa iyo!"

"Oo, iniwan kita dahil akala ko pinatay mo ang magulang mo! At akala ko ring nabuntis ako ng ibang lalaki noon! Hindi ko alam na ikaw ang lalaking iyon, Skie! Hindi ko alam! Kaya wala kang karapatan na husgahan ang pagkatao ko!" malakas na sambit ko sa pagmumukha niya. Ngunit hindi man lang siya nasindak, nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ko habang wala paring emosyon ang mukha. Sino kausap ko dito? Tangina naman. Sumagot ka putangina!

"Tama na Sk—"

"Putangina, Vena! Mahal na mahal kita pero tangina! Hindi mo kayang mag tiwala sa akin! Alam mo ba kung ano iyong mas masakit ha! Alam mo ba! Iyong taong mahal na mahal ko na tipong kaya mong ibuhos ang lahat pati buhay! Hindi man lang ako kayang pagkatiwalaan! Tangina, Vena! Ang gusto ko lang naman ang atensyon mo! Ang pagmamahal mo! Ang tiwala mo! Mahirap gawin ang lahat ng 'yan OO, pero kinaya ko para sa'yo! Pero hindi mo man lang kinaya para sa akin! Minahal mo ba talaga ako, Vena? Kung masakit akong mahalin? Kung mahirap akong mahalin? How about you, Vena? Ang hirap-hirap mong abutin! Tangina naman, Vena! Kung kayong mga babae napapagod, paano naman kaming mga lalaki?!" this time tila nanigas ako sa kinatatayuan ko, nanlumo ang sarili kong mga binti, hikbi lang ako ng hikbi.

"I want everything about you, Vena, I want your trust! Your love! Your attention! Am I hard to trust? Vena? Goddamn it, answer me!" Niyugyog niya ang balikat ko habang mariin kong pinipikit ang mga mata ko, hindi ko kayang mag mulat. Nasasaktan ako lalo sa mga salitang binibitawan niya.

"Am I hard to trust, Vena?"

"How about you Skie? Mahirap din ba akong pagkatiwalaan?"

Hindi ako nagtiwala sa kanya dahil mali ang nakikita ko, hindi niyo ako masisi dahil iyon ang nakita ng mga mata ko, mahirap para sa akin ang lahat ng ito, isang pagkakamali lang? Tila nawawasak na ang dibdib ko sa sakit.

"I believed in you Vena. That's why I let you left me! I didn't look for you even though I had a chance! Because I know you have a reason! And I want to hear all of it from your mouth."

"Why'd you have to leave me? Kayang-kaya ko naman ipaliwanag sa'yo ang lahat. Why, Vena?" imbes na sagutin siya? Dahan-dahan akong tumayo, pinunasan ko ang mga mata ko. Inangat ko ang tingin para mag tama ang mga mata namin, and there? I saw sadness in his eyes. Damn it, Vena! you let this person cry in front of you. Ang tanga-tanga ko talaga.

"Thanks for everything. I'm leaving." Winaksi ko ang kamay niyang hahawak na sana sa kamay ko. Mariin kong kinagat ang labi, mariin ko ring pinigilan ang sarili ko para hindi humarap sa kanya. Tama na. Na hanggang dito na lang talaga kami ni Skie.

"Are you leaving again? Will you leave me again Vena? Don't you love me anymore? Why?"

Mahirap. Masakit.

Humarap ako. Ngumiti ako ng pilit sakaniya. "No one can doubt my love for you, Skie, I'd still love you. But I think we need to fix ourselves first. Je t'aime Skie,"

"Si nous nous revoyons? J'espère que tu n'as pas la douleur que nous ressentons tous les deux, je veux être à nouveau heureuse, Skie."

"Ti amo moltissimo, Skie.
Arrivederci, Sv."

End of flashback.

"Masakit, oo pero kailangan naming ayusin ang mga sarili namin, dahil kapag pipilitin namin? Mas lalo lang kaming masasaktan. Take care of him please, Amber, I'm counting on you." that's the last word came from my mouth before leaving him again.

I'm sorry.

Play a song: Tell me why it hurts
***

Translation: If we meet again? I hope you don't have the pain we both feel, I want to be happy again, Skie.

Translation: Mahal na mahal kita, Skie.
Paalam, Sv.

A/N: Nangangamoy Ending. Char! Happy reading! Naiistress na bangs ko.

BS04: Hiding The Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon