Vena Denise Okestrial's POV
We arrived in Linda's province past eight o'clock ng gabi, masyadong mahaba ang byahe, ginabi talaga kami. Buti na nga lang may extra snacks akong tinabi para sa anak ko.
Marami-rami din pala kaming babalik sa probinsya ngayon, pati nga iyong tatlong lalaki kanina. Pansin ko ngang inip na inip na iyong dalawa sa kakaupo kanina tapos wala pa silang pagkain, iyong isang lalaki naman na naka puting damit, walang imik sa kina-uupuan niya, natutulog pa.
"Where are we, Linda?" tanong ko nang makababa na kami ng bus, kalong ng limang guards ang mga gamit namin habang kalong ko naman ang anak ko na ngayong gising na. Kararating lang talaga namin, 'yung iba pa ngang pasahero humihikab pa habang lumalabas.
"Sa bahay po namin Ma'am, tinawagan ko na po si tatay para sunduin po tayo dito,"
"Malayo-layo pa ba ang sainyo?"
"Opo Ma'am eh, medyo lubak-lubak din po ang daan." medyo napangiwi ako sa sinabi niya, pero dahan-dahan ding tumango. Tinungo namin ang isang maliit na waiting shed 'saka umupo, sumunod naman ang limang gwardiya 'saka si Linda.
Hinarap ko ang anak ko, tinanggal ko ang cap niya 'saka ko inayos ang buhok niyang medyo messy na, ngumuso naman siya habang inaayos ko ang buhok niya.
"Are you hungry?" tanong ko. Pinagpagan ko ang jersey na suot niya, sabay suklay din ng buhok niya.
"Nope, Mommy, how about you po?"
"I'm fine, baby." sagot ko at niyakap ko siya. Binalik ko ang tingin sa bus, nagulat ako ng mag mata ang mata namin ng naka black na lalaki, agad naman siyang umiwas ng tingin. Napa-nganga ako sa magandang mata niya kahit na gabi na, wala ngang duda na mayaman ang tatlong iyon. Bumaba silang tatlo bitbit ang mga bags nila, wala na silang mga shades pero naka cap na naman sila. Tinungo nila ang pwesto namin dahilan ng pag tili ni Linda sa tabi ko, halos sabunutan ko siya dahil tumingin sa kanya ang tatlo. Pahamak talaga eh! Sa halip na abalahin ko ang sarili ko sa kanila, nilingon ko na lamang ang anak ko na ngayong nakahilig na sa dibdib ko ang ulo niya. Mukhang napagod nga talaga siya sa byahe, hindi na siya madaldal eh.
"Are you okay?" tanong ko ulit kasabay nito ang presensya ng tatlo na nasa gilid ko. Hindi ko sila binalingan man lang pero si Linda ay halos itulak na ako para maagaw lang 'yung atensyon ng tatlo. Isa na lang talaga Linda, sesintahin kita!
"Bakit tayo umalis sa mansyon ni tito Kace, Mommy? Nag-away ba kayo?"
"Nope, hindi kami nag-away, baby, bakit mo naman naisip 'yan? Hmm?" Hinalikan ko ang ulo ng anak ko. Dinama ko rin ang malamig na hanging tumatama sa mukha ko ngayon. I want to be in this place, mukhang mananahimik ang buhay ko rito kahit na pansamantala lang.
"Because we immediately left Uncle Kace's house, Mommy. But I hope Daddy's house is the same as my uncle Kace, Mommy." ngiting usisa niya, mukhang ini-imagine niya pa ang malaking mansyon ni Kace. Malaki talaga ang mansyon ni Skie baby, mayaman ang Daddy mo eh, masama nga lang ugali.
"Your Daddy's house is big, baby, do you want to see it?" tanong ko habang ngumingiti. Mabilis naman siyang humarap sa akin dahilan ng pag tawa ko ng mahina. Tinatangay pa ng hangin ang mahaba niyang buhok, mukha tuloy siyang babae.
"Ang gwapo talaga ni Sky! Ma'am! Nako pag laki niyan sigurado akong maraming babae iyan, Ma'am," sambit ni Linda sa tabi ko, nilingon ko siya pero tumama ang tingin ko sa lalaking naka puti. Kita ko ang pag igting ng kanyang panga habang naka yuko at kuyom ang kamao. Anong nangyari don?
Ang dalawa niya namang kasama ay pasimple siyang inaakbayan. Mukhang pinapakalma nila ang kasama nila, ano ba kasing nangyari sa isang iyan?
Ano naman ang pakialam ko?
"Bawal muna ang babae sa anak ko, Linda, ayokong matulad siya sa ama niyang babaero. 'Wag kang gumaya sa Daddy mo baby ah,"
"Si Ma'am naman eh! Pag laki lang naman ni Sv!" malakas na sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin ng marinig ko ang tawag niya sa anak ko. Sv!
"Tigilan—"
"WHAT?!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang bigla na lamang sumigaw ang lalaking naka puting damit. Galit na galit ang kanyang boses na tila gusto ng manakit, dahan-dahan akong umusog para hindi madamay sa awayan nilang magka-kaibigan.
"Kumalma ka nga, dude," tawang sabi ng kaibigan niya pero imbes na kumalma, tinulak niya lang ang kaibigan.
Bumuntong hininga ako, ngumiti ako sa anak ko na ngayong naka kunot na ang noo. "Don't mind them, baby, they're just playing." rason pa nga Vena, imposible namang maniniwala si Sky, matalino ang anak ko, alam niya kung kailan ako nagbibiro or nagsasabi ng totoo.
Naramdaman kong bumaba siya sa bisig ko. Hinayaan ko naman siya pero hawak ko parin ang kamay niya. "Saan ka pupunta, anak?"
"Can I talk to them, Mommy?"
"Baby, 'diba sabi ko sa'yo 'wag kang makikipag-usap sa mga strangers?" hanggang kailan ba mananatili ang tatlong iyan dito? May hinihintay din kaya silang sundo? Ano kaya ang gagawin nila dito? Mukhang hindi naman sila taga rito.
"But, Mommy,"
"Sky Venom." Tinaasan ko siya ng kilay. Nagpakawala naman siya ng malalim na hininga. Akma na sana siyang lalapit sa akin ng mag-salita ang naka itim na lalaki.
"We're not a strangers, Miss, let your so—"
"Excuse me?" tanong ko sabay irap sa kanya, tumawa ng malakas ang isang lalaking naka itim pero iyong isa ay ngumisi lang. umiwas ako ng tingin, binalingan ko si Sky.
"Désolé maman,"
"It's alright, baby, come here, mukhang parating na ang sundo natin." sabi ko. Hindi nga ako nagkamali, dumating na nga ang tatay ni Linda, naka sakay ito sa isang lumang tricycle, mukhang kinakalawang na din pero sa tingin ko ay maayos pa naman.
"'Tay!" Masayang bati ni Linda sa ama 'saka yumakap dito. Sa likod naman ng tatay niya ay may dalawa pang trycicle na sa tingin ko ay para sa limang gwardiya namin.
"Ito na ba ang amo mo, anak?" tanong ng tatay niya. Ngumiti naman ako habang si Sky ay naka yuko, mukhang natatakot.
"Opo 'tay! Ito nga po pala si Ma'am Vena, anak niya na si Sky, ang gwapo ng anak niya 'tay 'noh! Manang-mana sa Mommy!" humalakhak pa si Linda. Nakisali na rin ako sa tawa. "Magandang gabi po,"
"Naku ang ganda naman ng amo mo, anak, ang gwapo din ng bata. Good evening din saiyo iha, sa amin ba kayo tutuloy?"
"Kung pwede po sana, magbabayad po ako ng renta." sagot ko.
"Naku 'wag na iha, tara na."
"Naku ayos lang Ma'am!"
Pilit akong ngumiti sa kanilang dalawa. Kahit na, magbabayad parin ako. Mahirap ang buhay nila ngayon, kailangan nila ng pera kahit hindi nila sabihin. I'm willing to pay din naman.
"Kasama mo ang tatlong iyan iha?"
Nilingon ko ang tinuro ni tatay. Kumunot ang noo ko nang mahuli ko silang sabay-sabay na umiwas. 'Di pa ba sila aalis?
"Hindi po." magalang na sagot ko. Tumango naman siya, hinawakan ko ang kamay ni Sky para pumasok na pero hinila niya ako pabalik.
"Qu'est-ce qui ne va pas?"
"Quelle est cette chose maman? Je ne veux pas monter dans ce truc maman." maktol niya na mukhang takot na takot na sumakay sa tricycle, susme naman.
"Whenever you like it or not, baby, sasakay tayo diyan, hindi naman kita pababayaan eh, come." Kinalong ko siya, pumikit siya ng mariin. Hindi siya sanay na sumakay sa ganito, first time niya pa kasi.
"Let's g—"
"Let's go na daw!"
Nang makaalis na ang tricycle, kita ko kung paano itapon ng naka puting damit ang kanyang cap at shades. Anong problema ng tatlong iyon?
May galit lang?
***
It's a French words, bbies!
BINABASA MO ANG
BS04: Hiding The Killer's Son
AksiWalang kinatatakutan si Skie Vernon Santford. Simula noong iniwan siya ni Vena, nag-iba ang kaniyang ugali, hindi na ito ang taong naging parte ng kaniyang buhay. Harap-harapan siyang sinaktan. Muntikan pang mawala ang bata sa kaniyang sinapupunan...