Vena's POV
1 month, 2 months, 3 months had passed. Hindi parin kami nagkikita, nagpa-pasinang dalawa ni Skie. Minsan nakikita ko siyang kasama si Amber, masayang-masaya sila sa isat-isa habang ako naman ay durog na durog but instead feeling sad about it? Pilit na lamang akong ngumingiti. Sa tatlong buwan na iyon? Maraming nangyari, baka nitong next month? Babalik na kaming France dahil sa trabaho kong naiwan. Wala na akong gagawin pa sa bansang 'to, hindi na ako kailangan sa hospital ni Skie. Mas lalo nga siyang sumikat ngayon sa social media, nalaman ko ring Doctor din pala ang trabaho ni Amber. They're suitable for each other.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nilingon ko si Sky na ngayong kalaro sina Vandish, Peyton at Frost. Habang si Rain naman, kalaro niya sina Sandra, Ezra at Sander. May kani-kaniyang mundo ang mga batang ito. 'Yung mga nanay at tatay naman nila? May kani-kaniya ring kausap. Ngumiti ako ng palihim sa kanila, nakikita ko na ang future ng mga batang ito. Susunod 'to sa mga yapak ng ama at ina nila.
Nandito nga pala kami ngayon sa mansyon nina Riley, birthday kasi ni Peyton. Ang daming mga tao, may mga bata din na kaedad nina Sky pero hindi nila kinakausap dahil hindi daw nila kilala. Marami ding handa si Peyton of course, hindi lang bisita ang madami. Peyton turning 6 this night. Kamukhang-kamukha niya ang ama niyang si Kiefer Montefalco. Ang gwa-gwapo ng mga lahi ng mga ama nila, lalo na ang ama ni Sky, medyo magka-mukha nga sila ni Vandish, minsan pinagkakalaman nilang anak ko din ang anak ni Almika dahil medyo magka-mukha daw sila ng anak kong si Sky. Sabagay magkapatid ang tatay nilang dalawa. They're actually cousins too.
Nilapitan ko si Rain dahil napapansin kong inaantok na ito, pumipikit-pikit na ang mga mata niya, nilalabanan niya pa nga. Itong batang 'to talaga, saan na naman kaya nag susuok ang gagong Wren na 'yun? This days kasi masyado na siyang busy, sobrang seryoso niya na rin. Minsan wala na siyang oras kay Rain, ewan ko ba sa lalaking 'yon kung saan niya nilalaan ang oras niya. Siguro may malaking project na naman siya, mayaman din kasi si Wren, pag dating din sa negosyo? Wala rin siyang sinasanto. Business is business ika nga niya. Pero hindi naman yata tama kung pati anak niya ay hindi niya na papansinin. Ililibing ko talaga siya ng buhay.
"Are you sleepy?" tanong ko kay Rain nang makalapit na ako. Tumango ako sa mga kalaro niya bago ko siyang kinalong.
Kinusot niya ang mga mata. Nilalabanan niya talaga ang antok niya. "Mommy, I don't want to sleep yet, gusto ko pang mag talk sa mga friends ko,"
"You can talk to them tomorrow, baby, sleep ka na lang muna 'kay? Babalik tayo rito bukas."
"Are you sure, Mommy?" Dahan-dahan akong tumango. "Yes, baby." Tumango din naman siya sa sinabi ko. Nagpasya ako na umuwi na, gabing-gabi na rin kasi, hindi ko pa nakikita si Wren. Mukhang wala nang pakialam ang lokong 'yon sa anak niya. Kukutusan ko talaga ang singit niya!
"Uuwi na kayo, Vena?" Nilingon ko si Riley na nasa likuran namin. Ngumiti ako sa kanya sabay tango, ang ganda-ganda niya talaga. Well, wala namang panget sa squad nila, lahat sila magaganda. Hindi pa kami close sa isa't-isa but I'm trying my best to be close to them. Friendly din naman sila, lalo na si Almika. Naalala ko pa kung paano awayin ng anak ko si Almika noon, humingi nga ako ng tawad sa kanya. Akala ko talaga masama siya pero hindi naman pala.
"Oo eh, mukhang inaantok na itong baby girl k—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla na lamang humilik si Rain. Sabay kaming natawa ni Riley sa isa't-isa. Tinapik niya ang likuran ko ng mahina bago niya haplusin ang mahabang buhok ni Rain.
"Take care then. Salamat sa pag punta, Vena, kita-kits!"
"Thank you din. Good night, have a great night."
Nang makalabas na kami ng mansyon. Tinungo ko ang kotse ko, hiniga ko si Rain sa backseat habang si Sky naman ay nasa harapan. Mukhang inaantok nadin ang anak ko, pumipikit na din kasi ang mga mata niya. Nilock ko muna ang seatbelt ni Rain bago sa anak ko. Mukhang napagod ang dalawa kong anak ngayong gabi ah.
Nasaan na kaya si Wren? Kanina pa iyon nawawala, wala ba talaga siyang balak na magpakita ngayon? Kapag talaga nahuli ko 'yung may ibang babae, naku uupakan ko talaga mukha niya. Kukutusan, sasabunutan, sasapakin, papatayin. Para hindi na makapang babae pa!
**
"Buongiorno mamma!"
"Bonjour maman!"
Mabilis akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang cute na boses ng dalawa kong anak. Naka pantulog pa ang dalawa, gulong-gulo pa ang buhok ni Rain habang si Sky naman ay kinukusot pa ang mata.
"How's your sleep babies? Did you both sleep well?" tanong ko sa dalawa at pinantayan ko ang height nila. Naka apron ako ngayon, nagluluto kasi ako ng agahan namin. Kakain muna kami bago pumunta sa mansyon nina Riley. Nangako kasi ako kay Rain, so gagawin ko.
"Je dors bien maman, et toi maman"?" tanong ni Sky. Ang aga-aga, dudugo pa yata ilong ko sa isang 'to.
"I did too." sagot ko sa tanong ni Sky. Hinalikan niya ako sa pisnge bago umupo sa sarili niyang upuan. Nilingon ko naman si Rain, nakanguso pa siya. Ang ganda-ganda talaga ng batang 'to, habang tumatagal nagiging kamukha niya ang Mommy niya. Celestia
"How's yours, baby Rain?"
"Anche io ho dormito bene, mamma! Ho un bel sogno pa nga mamma! È stato divertente!"
Ngumiti ako ng malaki sa kanya. "Really? Care to share it to me?" isa rin 'to, ang aga-aga nagsasalita na naman ng Italian. Naku 'tong dalawang batang 'to, Kapag talaga usapang French at Italian na? Masyado silang competitive sa isa't-isa.
"I was in a castle, Mommy, I was locked in a big room. But someone saved me, he was very brave, Mommy,"
"I also want to be brave, Mommy, so that I can help you, so that I can also fight your enemies, Mommy." magiliw na lintanya niya. Unti-unti akong tumango sa sinabi niya, kinurot ko ng mahina ang pisnge niya dahilan ng pamumula nito.
"For me? You're brave Rain, Don't force things you can't do okay? You might just get hurt,"
"I don't want you to get hurt, baby, I don't want anything bad to happen to you and Sky, I love you so much. Don't leave, Mommy okay?" nararamdaman ko na, malapit nang bumalik si Celestia. Nalulungkot ako pero umaapaw ang saya ko, finally makikita na ni Rain ang totoo niyang Mommy.
"I will not leave you, Mommy! You are my Mommy!" imbes na malungkot? Tumawa na lamang ako. Pinaupo ko na siya sa upuan. "Alright let's ea—"
"Hep hep! Good morning babies!" kunot noo akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon, iritado kong tinapunan ng tingin si Wren. Mukhang lasing pa yata ang gago!
"At saan ka naman nanggaling Wren ah! Bakit wala ka kaga— SKIE?!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ang nasa likuran ni Wren. Kasama ni Skie si Amber na pilit na kumaway sa akin, mukhang hindi niya rin inaasahan na magkikita kami ngayon. Tangina! Anong ginagawa nila dito?
"Daddy Wren, where have you been?!" malakas na sigaw ni Sky sanhi nang pag taas ng kilay ni Skie, mukhang hindi niya nagustuhan ang tawag ng anak niya kay Wren. Hindi nakita ni Sky si Skie dahil nasa likuran ito.
"Just wandering around little boy, anong ulam mga anak? And by the way? Your daddy's here!" malumay na saad ni Wren pero sapat na para marinig ni Sky iyon. Agad na binitawan ni Sky ang kutsara niya. "Daddy! Daddy!"
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nagtataka ako, bakit andito silang dalawa sa mansyon ni Kace?
"Feel at home dude," saad ni Wren bago umakyat sa ikalawang palapag kasama niya ang anak niyang si Rain na natutuwa din sa sariling ama. What the effin hell is goin' on here?
"Why are you here?"
"Stealing what's mine, Vena."
***
Translation: Good Morning Mommy!
Translation: I sleep well mom, and you mom?
Translation: I slept well too, mom! I have a nice dream pa nga mom! It was fun!
BINABASA MO ANG
BS04: Hiding The Killer's Son
AksiWalang kinatatakutan si Skie Vernon Santford. Simula noong iniwan siya ni Vena, nag-iba ang kaniyang ugali, hindi na ito ang taong naging parte ng kaniyang buhay. Harap-harapan siyang sinaktan. Muntikan pang mawala ang bata sa kaniyang sinapupunan...