Chapter 12

14.1K 366 6
                                    

*Boogsh!*

Mabilis akong bumangon sa higaan ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa buong katawan ko. Winaksi ko ang ulo ko para pigilan ang pag tulo ng tubig galing sa ulo ko. Unti-unti kong inangat ang tingin para singhalan ang taong gumawa nito sa akin.

"Bilin po ni Master Santford, paliliguan po daw muna namin kayo bago bumaba,"

"Paliliguan? Tangina! Natutulog 'yung tao tapos bubuhusan mo ng tubig! Sabihin mo sa gagong Santford na 'yon na ibalik niya na sa akin ang anak ko kundi ipapakulong ko kayong lahat!" galit na sigaw ko 'saka ako gumalaw para kumawala sa mga posas, kaya lang kahit na anong gawin ko, hindi parin ako makakawala, tangina.

"Bilin po ni Master Santford, paliliguan po daw namin kayo, Ma'am, kanina pa po naghihintay si master sa ba—"

"Sinira mo ang tulog ko!, kapag 'di ka pa lumabas dito, babasagin ko 'yang mukha mo!" iritado kong sigaw sabay galaw na naman, pinikit ko ang mga mata nang makaramdam ng panghahapdi pero gumalaw parin ako. Kita ko ang gulat sa mukha ng babae, ang kanyang mukhang malumay kanina, ngayon ay pumutla na. Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa papalapit sa kanya, pa ika-ika pa akong lumakad dahil sa sugat na natamo ko galing sa mga posas, lumalandas pa nga pababa ang dugo galing sa kamay ko. Hindi ko 'yon pinagtuusan ng pansin bagkus ay tinulak ko ang babae sa pinto, napadaing siya dahil tumama ang likod niya sa dingding. Hindi pa ako nakuntento, hinablot ko ang balde na may lamang tubig 'saka ko ito sinaboy sa kanya. "You messed my day, I'll mess yours." seryoso kong saad 'saka ko padabog na tinapon ang balde.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, napahawak ako bigla sa hamba ng pinto nang maramdaman ko ang panghahapdi ng kamay ko, pinikit ko ng mariin ang mga mata. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang daing, ang hapdi! Hindi ako makakalakad ng maayos at mas lalong nanghihina ang kamay ko.

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, napahinto ako ng mamukhaan ko ang buong mansyon. Tila bumalik sa alaala ko ang lahat, noong naging kami pa ni Skie, noong masaya pa kaming nagsasama. Maraming nag bago.

Binalingan ko ng tingin ang kwarto ko noon, naka kadena na ito ngayon, lumang-luma na din ang pinto na tila pinabayaan 'yon. Wala na talaga akong kwenta para kay Skie, wala na siyang pakialam sa akin, at sobrang sakit na isipin 'yon.

Hinakbang ko ang paa papunta sa kwarto ni Skie, mahinhin ko itong binuksan, mabuti na lang hindi naka lock ang pinto kaya't nakapasok ako. Bumungad sa akin ang tahimik na kwarto, sobrang linis na tila hindi man lang nagagalaw. Nasa ayos ang kama, walang gaanong gamit sa loob, wala na 'yung mga frame namin noon.

Marami kaming frame noon at halos lahat ng iyon ay nandito sa loob ng kwarto niya. Ngunit sa nakikita ko ngayon? Tinapon niya na 'yon, kinamumuhian niya talaga ako huh, sabagay sino ba naman ang hindi?

Tinungo ko ang kama, kahit basang-basa ang buong katawan ko. Umupo ako sa kama niya, unti-unti ko ring hiniga ang sarili. Sobrang lambot ng kama niya, hindi tulad no'ng nasa kabilang kwarto, hindi ako komportable, masakit sa likod ang kama.

Ayos lang kaya si Sky? And speaking of? Mabilis akong tumayo mula sa kama pero agad ding napadaing nang maramdaman ang sakit, napaupo muli ako sa kama, nanginginig kong hinawakan ang sugat ko sa paa, mas lalong lumaki ang hiwa nito ngayon, ang sakit! Punyeta naman oh!

"Kailangan kong lumabas, kailangan kong hanapin ang anak ko bago pa man niya masaktan si Sky." hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa anak ko. Lalo na si Skie? Hindi ko siya mapapatawad.

Sinubukan kong tumayo muli, ininda ko ang sakit para makalabas ng kwarto. Kaya lang? Bigla akong napahinto nang makita ko na nasa labas si Skie, nakapamulsa ito habang kausap niya ang babaeng may silver na mga mata. Parang walang pakialam si Skie sa sinasabi ng babae, pasulyap-sulyap siya dito sa loob ng kwarto niya, kayat todo tago ako sa likod ng pinto. May alam na kaya siyang andito ako? Alam niya kaya ang ginawa ko sa katulong niya?

Salita ng salita 'yung babae, mukhang importante 'yon dahil sa mukha niya habang si Skie naman parang walang pakialam sa mundo, kinagat-kagat niya pa ang sariling labi na tila nang-aakit.

"'Wag ka ngang tumingin ng ganiyan, Skie!" tawang sambit ng babae at akmang papaluin niya na sana si Skie nang hawakan nito ang pulso niya, mabilis akong umiwas ng tingin. Binaling ko ang tingin ko sa nag-iisa niyang painting.

"How's my brother, Almika?" malumay na tanong ni Skie, sinabayan niya pa ito ng mahinang tawa. Umiling ako sabay hakbang papunta sa nag-iisa niyang painting, nakita ko pa siyang isang beses na sumulyap dito bago humarap kay Almika.

Hinawakan ko ang painting niya. Isang babaeng walang pang itaas na damit, lantad na lantad ang kanyang didbib, kulot ang kanyang buhok at sobrang ganda niya.

Mahinhin kong inangat ang kamay para abutin ang painting kaya lang tumama ito sa isang maliit na button kasabay nito ang pag bukas ng bintana.

Tumambad sa akin ang sinag ng araw, malawak na harden, may ladder pa ito sa ibaba ng bintana, yumuko ako para mas lalo pang pag masdan ang malawak na harden ni Skie. Ang lakas pa ng hangin.

"Kukuni—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may marahas na humablot ng kamay ko. Sinandal ako nito sa pader sanhi ng panlalaki ng mata ko.

"What the hell?" Inangat ko ang tingin, halos tawagin ko na ang lahat na mga santo dahil sa mukha ni Skie na galit na galit na naman.

"Ano- Saan ang anak ko, Skie! Saan mo siya dinala!" sa pagkakataon na ito tila bumalik na naman ang galit ko sa kanya. Kapag talaga nakikita ko ang mukha niya, kumukulo ang dugo ko.

Marahas niyang hinawakan ang kamay kong dumudugo, tinaas niya ito para mas lalo niya akong makita.

"You want to escape, huh,"

"Anong pinagsasabi mo diyan! Ibalik mo sa akin ang anak ko, Skie! Uuwi na kami sa France, uuwi na kami sa ama niya! Pakawalan mo ako!" inis na sigaw ko sabay pumiglas kaya lang sobrang tikas ng mga braso niya, tinaasan niya lang ako ng kilay na tila tuwang-tuwa pa.

"Ano ba!"

"Wala sa France ang ama ni Sky, Vena, nasa Pilipinas siya bakit pa kayo aalis?" this time matigas na ang pagkakasabi niya. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang wrist ko, kita ko ang pag dilim ng mukha niya na naman. Tumikhim ako para iwasan na kabahan. Shit.

"Nasa France si Alex! Siya ang ama ng anak ko! Siya ang asawa ko!"

"Fvck your lies, Vena! Fvck all of it! You think you can run away from me again huh? Fvck it I won't let you!" galit na sigaw niya at mariin niyang hinalikan ang labi ko dahilan nang panlalaki ng mata ko.

"Alex? His name sounds disgusting, break up with him or else I'll kill him without mercy, Vena." seryoso niyang sabi 'saka niya ako iniwan.

Naramdaman ko na naman ang pag tulo ng luha ko, akala ko aalis na talaga siya pero huminto siya at hinarap ako, umigting ang kanyang panga.

"Hindi ka maliligtas ng mga luha mo, your tears isn't important to me, seeing you miserable? Makes me happy, I'm not done yet, Vena, Nagsisimula pa lang ako, ready yourself."

"Ang...tanga...tanga mo... kung pahihirapan mo man lang din ako? Bakit 'di mo na gawin ngayon! Patayin mo na ako Skie! Pagod na pagod na ako sa mga laro mo! Panalo kana tangina mo!"

Dumadausdos ako. Yumuko ako para iwasan ang mga tingin niyang nakakamatay. "Bakit ikaw pa ang naging ama ni Sky? Ang sama-sama mo."

"Bakit hindi ako, Vena? Bakit siya parin! Tangina, Vena! Minahal mo ba talaga ako! Or ginagamit mo lang ako!"

Gusto kitang saktan Skie, gusto kong nakikita ka ring nahihirapan.

"Wala akong minahal na ma-mamatay tao, Skie."

***

BS04: Hiding The Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon