Chapter 9

11.7K 364 4
                                    

Vena's POV

"Naku, Ma'am! Hindi lang po tanawin ang maganda dito sa amin! Kwento-kwento pa nga po daw, kapag pumunta daw kayo sa kwebang 'yon? May makikita daw po kayong hiwaga," Tinuro ni Linda ang isang malaking kwebang hindi kalayuan sa amin, pinalilibutan ito ng tubig dagat, halatang madilim din sa loob at nakakatakot. Kahit na gusto kong pumunta duon? Nagdadalawang isip pa ako. Paano kung may mga ghost pa lang d'on 'diba? At kung ano-ano pa, isa pa kwento-kwento lang naman 'yon.

"Diyan kami minsan tumatambay ni Sunn Hee, iyong kaibigan kong koreanang hilaw." Napangiwi ako sa sinabi niya, koreanang hilaw? Meron ba non?

"May lahi po kasi siyang koreana pero hindi man lang marunong mag salita ng korean,"

Hindi ako sumagot pero tumango ako sa kanya. Baka naman lumaki siya rito at hindi sa ibang bansa. Si Sky nga pure pilipino talaga siya, pero marunong siyang mag salita ng French at Italian, hindi ko alam kung saan niya natutunan ang mga iyon, pero naiintindihan ko naman siya dahil pinag-aralan ko rin ang ibang language para sa trabaho ko. I'm a Doctor but not as good as Skie, magaling siyang Doctor sa akin, minsan nanliliit na ako sa sarili ko, punyeta!

Nilingon ko ang huling tinuro ni Linda, isang hot spring, bumubuga pa ito ng makakapal na usok, may mga petals pang nakapalibot sa hot spring, mukha siyang para sa mga couples. Ang sweet naman kasi, may pa petals-petals pa. Sa gilid naman ay may limang cottage, may malaki ring canteen sa likod ng mga cottages.

"Ang sarap maligo dito Ma'am! Minsan may mga gwapong napapad pad dito!" sarap ngang maligo dahil mga gwapo ang hanap mo. Well, hindi ko inaasahan na ganito pala ka-ganda ang lugar ni Linda, mas relaxing, nakakagaan sa feeling ang hangin at ang mga tanawin. Hindi madumi, malayo rin sa mga usok, buga ng mga sasakyan, sobrang peaceful. Ang lugar na 'to ay pinalilibutan ng mga malalaking puno, kaya't langsap na langsap talaga ang hangin.

Hinila ako ni Linda papasok sa loob ng canteen, tili pa siya ng tili habang nasa harapan ang tingin. Tumaas naman ng bahagya ang kilay ko dahil sa ginawa niyang pag hila sa akin, nakakalimutan niya na bang amo niya ako?

"Sunn Hee! Hoy gaga, bakit andito ka!"

"Gaga mo rin! Andito ka rin naman ah!" Binitawan ako ni Linda para salubungin niya ang kaibigan niyang babae. Napabuntong hininga ako at iniwas ang tingin sa kanila, nag-pasya ako na ilibot na lang muna ang tingin. Napako ang tingin ko sa limang lalaking walang pang itaas na damit at tumutulo pa ang tubig sa katawan nila, papasok sila ngayon sa loob ng canteen habang tumatawa. Mabilis akong tumingin sa harapan para tingnan sina Linda. Nag tama ang mata namin ni Sunn Hee, ang kaibigan ni Linda na koreanang hilaw. Napangiwi muli ako sa term na iyon.

"Sino iyang kasama mo? Naka punta ka lang sa France pinalitan mo na agad ako Linda! Ibang klase kang babae ka!" maktol niya sabay ngusong tumingin kay Linda, inirapan siya ni Linda at hinila palapit sa akin dahilan ng bahagya kong pag atras. Hindi naman ako maarte, hindi lang ako sanay at isa pa may virus ngayon na merong hawaang nangyayari. Baka lang naman.

"Ang arte," rinig kong sambit niya. Palihim ko naman siyang inirapan, pilit akong ngumiti sa kanya. "I'm Vena Denise Okestrial," pakilala ko at unti-unti kong nilahad ang palad, nagda-dalawang isip pa nga ako.

"Amo ko iyan gaga! Nanay 'yan ni Sky, iyong inaalagaan kong gwapong bata," dahil sa sinabi ni Linda, mabilis niyang tinanggap ang kamay ko, kita ko ang awkward na tawa niya pero imbes na pansinin iyon, ngumiti na lang ako.

"Jusko! Mukhang bata pa! May anak ka na po pala,"

"Yeah, and he's turning 6 next month." sagot ko habang naka ngiti. Actually iniwan ko si Sky sa bahay nina Linda, gusto niya raw kasing tumulong sa magulang ni Linda kaya't hinayaan ko na lamang siya, mukhang nagkamabutihan na sila ni tatay eh. May dalawang kapatid si Linda, babae at lalaki, kapwa't binata at dalaga na. May gusto pa nga iyong babaeng kapatid ni Linda sa anak ko eh, ang gwapo-gwapo daw kasi ng anak ko. Ako naman na proud na proud, tuwang-tuwa syempre. Gwapo naman talaga si Skie, walang duda kung gwapo din si Sky, manang-mana kay Skie ang mukha niya eh.

"Saan po kayo naninirahan ngayon? Pwede sa amin! Malaki pa ang space."

"Gaga! Amo ko iyan Sunn Hee, syempre sa amin," pabalang na sagot ni Linda. Tumango ako bilang sagot na rin. Honestly koreanang-koreana nga talaga ang mukha ni Sunn Hee, she's pretty too, wala nga lang taste sa panamit. Ang haba-haba ng palda niya, lumang-luma rin ang damit na suot niya. Wala ba silang pambili ng damit? Mukhang nasa makaluma na kasi ang suot niya.

"Ay! Wait lang ah! Nakita ko na kasi sina Triton eh!" malakas na saad niya at umalis sa harapan namin. Sinundan ko naman siya ng tingin, hanggang sa makalapit na ito sa limang lalaki kanina na nakita kong papasok. Kilala niya pala ang limang 'yon.

"Marami talaga siyang kakilala dito, Ma'am, halos mga gwapo kaya tuwang-tuwa talaga ako hehe."

"Halata naman Linda, 'wag ka nang mahiya." pabalang na sagot ko at akma na sanang iiwas ng tingin ng may panibago na namang pumasok sa canteen. Hindi sila naka topless ngayon pero halatang-halata ang biceps nila, naka cap sila na itim. Tila wala silang pakialam sa mga tao, pasok lang sila ng pasok habang 'yung mga babae, kinukuhanan sila ng litrato. Sikat ba talaga ang tatlong iyan? Mukhang sila din 'yong nakita namin kagabi ah! Saan kaya sila nakatira? Bakit may cap na naman sila? Siguro magnanakaw ang mga 'to! Sinusundan kaya nila kami?

Shit! Baka! Baka sinusundan nga talaga nila kami. Isa rin kaya ito sa mga tauhan ni Skie?

"Linda, umalis na tayo rito," seryosong saad ko kay Linda. Mabilis naman siyang tumango at ginaya na ako palabas kaya lang? May humarang na dalawang lalaki sa amin.

"Oh Linda! Naka uwi ka na pala!" bati ng lalaking walang pang itaas na damit. May hati ang kaliwang kilay niya habang iyong isa niyang kasama ay sobrang seryoso. Mas gwapo 'yong isa pero itong kaharap ni Linda ay hindi, para siyang adik.

Binalingan ko ng tingin si Linda, napansin ko ang panginginig ng kamay niya. Namumutla din ang mukha niya. Anong meron?

"Linda?"

"Magba-bayad ako! Hintayin niyo lang, 'wag niyo muna kami paalisin sa tinutuluyan namin!" Nanginginig na sigaw niya dahilan ng pag tingin ng mga iilan sa amin.

Fvck! Palihim akong nag mura. Taas noo kong tiningnan ang dalawa, mukhang may malaki ngang utang sina Linda sa kanila, pero hindi naman yata makatarungan kung pa aalisin nila sina tatay sa bahay na iyon.

"Umalis ka sa daan." tila nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang malamig na boses na nanggaling sa likuran ko.

Ramdam ko ang hininga ng kung sino sa likuran ko dahilan ng pag tayo ng mga balahibo ko sa katawan. Shit! I know that voice!

"Sino ba kayo?" maangas na tanong ng lalaking may hiwa sa kilay. Dahan-dahan akong gumilid, hinila ko si Linda para takpan ang mukha ko. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon! Andito si Skie! Fvck! Fvck! Fvck!

"Ma'am ang gwapo ng isang iyon, kamukha ni Sky, Ma'am, ang gwapo talaga. Parang forever ko na siya." hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaction, tila nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw. Bumalik na naman ang takot sa katawan ko! Shit!

I want to run!

"Wrong move you'll die," isang matigas na sabi naman ng isa pang lalaki. Pumikit ako ng mariin, hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Linda, minulat ko ang mga mata habang 'di tinitingnan ang gawi nina Skie, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Pinagpawisan na rin ako! Tangina!

"Tatakbo tayo Linda, 'wag kang bumi—-"

"Aren't you tired of running?

I let you runaway from me once but this time baby? I won't let you again."

Sa pagkakataon na ito? Nanlumo ako.

Shit!

Sa tingin ko wala na akong takas pa! Tangina!

***

BS04: Hiding The Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon