Chapter 15

13.5K 329 13
                                    

Flashback

***

Amber's POV

"Dad! Nababaliw ka na ba? Ayoko pang magpakasal! May boyfriend ako at mahal na mahal ko si Brandon!" malakas na sigaw ko kay Daddy dahilan nang pag dapo ng palad niya sa pisnge ko. Great! Ang saya naman! Tangina!

"You'll marry him whenever you like it or not!" galit na sigaw ni Daddy 'saka siya umalis sa harapan ko. Iritado kong pinunasan ang luha ko. Bakit humantong sa ganito ang lahat? Ayoko pang magpakasal. Gusto kong maging independent sa buhay, ayaw ko pang matali. Hindi ba talaga naiintindihan iyon ni Daddy? Palibhasa kasi pera lang ang gusto niya, gusto niyang pabagsakin ang mga Santford kaya niya ako ipapakasal kay Skie. Crush ko si Skie pero ayoko pang magpakasal, may boyfriend ako ngayon at mahal na mahal ko 'yon.

Kilala ko ang mga Santford, pag dating sa business? Mas masahol pa sila sa mga hayop. Sana naman hindi papayag si Skie, kahit na crush na crush ko iyon.

Ginawa ko na ang lahat, tumakas ako sa mansyon namin para makawala sa kasal namin ni Skie pero pinahanap ako ni Daddy, sinaktan niya pa nga ako dahil bakit daw ako tumakas, ayoko nga kasi magpakasal, ayoko, ayoko.

"Permahan niyo na lamang ito para officially married na kayo sa isat-isa," May nilahad na papel si Daddy kay Skie, gusto kong umirap, gusto ko siyang pigilan kaya lang? Wala sa sarili niyang pinermahan ang papel na hawak 'saka ito lumabas ng bahay namin. Yes! He's so cold! Walang emosyon lagi ang mukha, minsan niya lang ako kinakausap.

Silang tatlong magkakapatid talaga parang pinaglihi sa sama ng loob.

Matagal ko nang kilala si Skie, may malaki lang talaga siyang pinagdaanan ngayon dahil sa pagkamatay ng magulang niya at ang pagkawala ni Vena. Mahal na mahal niya ang babeng iyon, kaya niyang gawin ang lahat para kay Vena, kaya lang bakit siya iniwan ni Vena? Para na ngang nanalo sa loto si Vena eh, pero bakit niya pinakawalan si Skie? Hindi ba talaga siya nag-iisip?

Dahil sa malaking trahedya nagawa akong pakasalan ni Skie, sapilitan. Hindi niya ako mahal, hindi ko rin siya mahal pero crush ko siya. Hanggang sa dumating na nga ang kinatatakutan ko, bumagsak ang kompanya ni Skie, mas pinagtuunan niya ang pagiging Doctor niya, galit na galit si Dad dahil sa ginawa ni Skie. Ayoko na sa set up namin ni Skie kaya't pinili ko si Brandon, lumuwas ako ng ibang bansa para magpakasal na naman sa ibang lalaki, plano na naman ni Dad iyon, sa mga oras na 'yon? Mahal ko na si Skie.

"Babalik ako Skie, aagawin kita."

Oo babalik ako kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin.

***

Vena's POV

"Iiwan ko muna sa'yo ang anak ko, Vena, kailangan kong lumayo-layo muna sa poder ng mga Velasquez's, take care of my daughter, please,"

"Alam na ba ni Wren 'to?" tanong ko habang hawak ko ang anak niyang babae. Mahimbing itong natutulog sa braso ko habang si Sky naman ay naka higa sa kama ko, hawak-hawak pa nito ang laruang mga sasakyan.

"Alam niyang manganganak na ako, aalis na ako." Paalam niya, saglit niya lamang tinapunan ng tingin ang anak bago ito lumisan. Malakas akong napabuntong hininga, binalingan ko ng tingin ang anak niyang babae. Sobrang ganda niya, manang-mana sa Daddy niyang si Wren. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Wren kapag nalaman niyang iniwan ang anak niya rito?

Saan ba pupunta ang babaeng iyon? Mabait naman sina Kace ah. Bakit pa siya aalis? Kawawa naman itong bagong silang niyang anak, maagang nawalan ng nanay. Pambihira naman oh.

"Mommy, what's her name?" tanong ni Sky sa cute na boses, lumilitaw ang malalim niyang dimples habang nagsasalita ito, hindi ko tuloy maiwasan na tadyakan si Wren sa paa.

"What the effin hell, Vena!"

"'Yang bibig mo! Nasa harapan ang dalawang bata oh!" inis na bulyaw ko sa kanya, ngumuso naman siya na parang bata, ang gago talaga. Akala niya naman ang cute-cute niya.

"Name her, Rain, Mommy," Suhesyon ni Sky. Tumango naman ako sa anak ko, nginitian ko si Rain bago banggitin ang kanyang buong pangalan.

"Rain Celeste Velasquez."

"And, she's your daughter, Vena, our daughter."

"And you're my Daddy too! Tito Wren!" malakas na sigaw ni Sky dahilan nang pag iyak ni Rain.

"Of course, baby, I am your daddy."

Nginitian ko silang dalawa. Manang-mana sa abnormal niyang tito.

"Kailan mo siya hahanapin, Wren?" tanong ko.

"Hindi ko na siya hahanapin pa, Vena, tama na. Ayoko na."

Sana ganu'n lang kadaling umayaw, Wren. Para kasi sa akin ang hirap-hirap, GAWIN.

End of flashback

**

Vena's POV

"Sigurado ka bang nakita mo sina Skie, kahapon?" tanong ko kay Wren. Ilang beses ko na itong tinanong sa kanya, hindi parin ako nakukuntento. Baka naman kasi niloloko niya lang ako? At isa pang putanginang Skie na iyon! Ano na naman kaya ang plano niya? Anong gagawin nila sa anak ko! Bwesit.

"Yeah, gusto mo bang samahan ka namin ni Rain sa loob? Baka kasi may gagawin ang tarantadong 'yon sa'yo,"

"Hindi na kailangan, kayang-kaya ko na 'to Wren. Ayokong madamay pa kayong dalawa sa away namin ni Skie." saad ko dahilan ng pag ikot niya ng mata, halatang galit na naman sa sinabi ko.

Imbes na pag tuunan ko siya ng pansin. Nilingon ko na lamang ang cute kong baby princess na si Rain. Hawak niya ang phone ko, tinitingnan niya ang pictures namin noon ni Sky sa France at mga picture din namin noon ni Wren kasama siya.

"Are you good there sweetie?" tanong ko kay Rain. Inangat niya ang tingin niya, nanlaki ang mata ko ng makitang namumugto ang mata niya dahil sa iyak.

"Stop the car, Wren!"

"What's wrong?!"

Nilapitan ko si Rain, kinuha ko siya sa backseat 'saka ko siya kinalong. Namumula na ang mukha niya dahil sa iyak, jusko naman 'tong batang 'to! Ang dali-daling umiiyak.

"Why are you crying, baby?"

"I missed my brother, Mommy, I badly want to see kuya Sky." natigilan ako sa sinabi niya, nilingon ko si Wren sabay lunok.

"You'll see him later baby, don't worry."

Kasi kukunin ko na ang kuya mo. Pursegedo na akong lumaban ngayon. Lalabanan ko na talaga siya kahit na mag sama-sama sila ng babeng 'yon. Mga punyeta.

Asawa niya pala ang Amber na 'yon? Bakit hindi ko alam? May hindi pa ba ako alam sa buhay mo Skie? Niloloko mo ba ako?

"Sa labas na lang muna kami ni Rain, hihintayin ka namin. Kapag tumagal ka ng ilang minuto sa loob? Papasok kami, wala akong pakialam kung magagalit ang gagong 'yon sa akin, papatulan ko 'yon, Vena. Hindi ako natatakot kahit na magkamatayan man kami."

"Wren..." mahinang sambit ko.

"You are always there for my daughter, you take care of her like your real child, not like her mother who left her."

"I'm so thankful because you were there, Vena. You never left us as what her mother does. Let me pay you, let me help you this time, I owed you a lot."

***
Hanggang chapter 20 na lang siguro 'to ayoko ng patagalin pa. Happy reading!

BS04: Hiding The Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon