Rain Celeste Velasquez

9.9K 258 29
                                    

***

Isa lang naman ang hiling ko sa mundo pero bakit ganu'n? Bakit ang unfair? Ganu'n ba talaga? Hindi ko kasi maintindihan ang mundo eh, napaka daya, hindi lumalaban ng patas. By the way I am Rain Celeste Velasquez, and this is my Point of View.

Nasa bahay ako ngayon together with my parents. Kakauwi lang nila galing States, marami silang pasalubong sa akin pero hindi ako natutuwa knowing that both of my parents had always a stupid fight. Oo, hanggang ngayon nag-aaway parin sila dahil sa ginawa ni Mommy noon sa akin, she left me, iniwan niya ako kay Tita Vena noon, at akala ng iba kapatid ako ni Sky dahil lagi kaming magkasama, at akala rin nila anak ako ni Tita Vena and ni Daddy, honestly, I caused trouble to them, I'm really sorry.

Kaya noong bumalik si Mommy? Medyo galit ako no'n kasi naman iniwan niya ako, galit rin si Sky sa akin dahil sumama ako sa Mommy ko. She's my Mom after all, dapat sa kanya ako sasama kahit ayoko, kahit galit ako.

After that, naging cold na sa akin si Sky, masyado na siyang nagmamataas ngayon, and I hate him for being like that, being a jerk. Everyone knows how powerful his parents are kaya walang sinuman ang bumabangga sa kaniya. Silang lahat naman yata na magkakaibigan ay nasa makapangyarihan na pamilya. Montefalco's, Santford, Roswell. Kaya kung sino man ang babangga sa kanila? Talagang wala ng bukas.

I hate him.

"Rain!" malakas na sigaw ni Erza sa malayo. Ngumiti ako ng pilit para hindi halata na kanina pa ako inis na inis kay Sky. Hindi ko parin kasi nakakalimutan 'yung eksena kahapon. He almost choked me to death. Mamamatay tao nga. Hindi ko naman sinasadya na I-involved si Tito Skie eh, I'm just...damn it! I'm mad 'yun lang.

"Oh?" kunot noo kong tanong.

"May bago daw tayong kaklase!" sobrang saya ng ngiti niya na halos magkulay rainbow na ang mata niya. Bagong kaklase? Sino naman kaya iyon? Akala ko ba hindi na tatanggap ang Admin ng students dahil malapit na ang outing?

"Kilala mo? I thought the admins won't accept students anymore because of the upcoming outing?"

"Akala ko nga rin eh, pero sa tingin ko may malaki din 'tong reputasyon sa bansa kaya nakapasok dito sa School natin." that's absorb. Sabagay kung may pera ka easy lang talagang makapasok dito. Akala ko nga noon for riches people 'tong school na 'to dahil marami akong nakakasalamuha na mga mayayaman but meron rin namang mga scholars but the rest talaga mga mayayaman na. Galing rin naman kami sa mayayamang pamilya pero hindi namin binubulgar ang apelyedo namin sa ibang tao dahil ayaw naming katakutan kami. My father is a damn billionaire too, when it comes to money? My Dad won't give a shits to everyone.

"Lalaki nga pala siya and super gwapo pero sa tingin ko suplado din! Ang daming gwapo sa class natin pero halos pinaglihi naman sa sama ng loob. Kakainis eh."

Marami nga kaming kaklase na mga gwapo pero mga suplado naman. Pumasok sa isip ko ang mukha ni Sky, isa na rin iyong gagong 'yon. Ang sarap-sarap niyang kutusan, bwesit siya!

"Halika na baka ma late tayo!" Hindi na ako umangal nang hilahin na ako ni Erza papunta sa room namin. Sobrang aga pa naman, kung makahila 'tong si Erza parang sabik na sabik nang makita ang lalaki naming kaklase. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Makikita ko na naman ang mukha ng demonyo, 'buti na lang lumipat ako ng upuan dahil ang arte-arte niya, Sino naman ang gustong tumabi sa kanya aber? Hindi ko naman ginusto na tumabi sa demonyong 'yon. Sadyang nagkataon lang.

Nang marating na namin ang room namin. Usual sobrang tahimik na naman, hindi tulad sa iba na sobrang ingay. Ayaw kasi ng mga demonyo sa maingay, kaya parang may namatay lagi sa room namin dahil ang tahimik, nakakabingi.

Nagtama ang mata namin ni Sky. Sobrang sama parin ng tingin niya pero inirapan ko lamang siya. Hindi ako papatalo sa'yo Santford, hindi ako natatakot sa'yo.

Magkatabi kami ni Erza sa upuan. Halos mangisay na siya sa kilig nang makita niyang pumasok ang isang lalaki. Matangkad siya, maputi rin siya at may bangs siya na bagay na bagay naman sa kanya, naka mask s'ya na itim pero hindi matatakpan ng mask na iyon ang mala adonis niyang mukha. I think he's one of the bad boys too, cold-hearted, I can smell it in his awra. He's is fvcking rich too, I think?

"I'm Zack Frost Alcazar, nice to meet you all."

A-Alcazar? Is he related to our President Frost Triton Alcazar?

Akma na sana akong tatanong kay Erza nang mapansin kong nakatulala na siya ngayon.

"A...A d-damn A-Alcazar?" Nanginginig na banggit niya.

Napasapo ako sa noo ko. Nilingon ko ang pwesto ni Zack kaya lang natamaan ko ang tingin ni Sky na sobrang sama na talaga ngayon. Anong problema ng isang 'to?

Galit na galit lang?

"Why are you staring at me?" tanong ko.

"Assuming." irap na sagot niya dahilan ng ngisi ko. Rason pa Santford.

Tss ang kupal ng matandang 'to.

***
Published na po ang story nina Sky at Rain❤️(HEARTLESS)

BS04: Hiding The Killer's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon