Vena's POV
Kanina pa lumuluha ang mga mata ko. Hindi ko lang talaga mapigilang hindi lumuha ngayong araw. Ikakasal na talaga ako, sa taong mahal ko. Hindi ko maipaliwanag ang totoong nararamdaman, honestly, I'm really happy right now, iyong tipong umaapaw na talaga. I've been waiting for this. Oh my God!
"Hey! Vena!"
Mabilis akong napalingon sa likuran ko. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makitang si Aria pala ito, hawak niya sa kamay ang lalaki niyang anak habang sa likuran niya naman ay si Sedrex Roswell. Para silang isang pamilya, sobrang gwapo ni Sedrex sa suot niya lalo na rin syempre si Aria, pati na rin ang anak niya na si Frost.
"You look fabulous today! I'm so happy for you bitch! Payakap nga!"
"Thank you!" sagot ko 'saka ko siya niyakap nang mahigpit. Sobrang kinakabahan na talaga ako ngayon pero pinatatag ko ang sarili ko at isa pa? Mas umaapaw ang kasiyahan ko.
"My God! I can't believe what just happened today! It's your day, Vena Denise! Come here, Frost, congratulate your tita Vena," ngumiti ako kay Aria, tumango ako kay Sedrex bago ko lingunin ang snoberong anak ni Aria. Kaedad niya lang si Sky pero kakaiba ang ugali nito. Sobrang sungit ng anak ni Aria, minsan lang nagsasalita, ni tapunan ka lang ng isang tingin hindi niya magagawa. Siguro ang kinakausap niya lang, ang Mommy niya. Hindi ko pa kasi siya narinig na magsalita, sobrang tahimik niya eh, gwapong-gwapo din ako sa anak nitong si Aria kaya lang? Suplado. Nag-mana siguro sa ama niyang si Triton Alcazar. Na kaibigan pala nina Wren at Kace, hindi ko lang maisip na masamang tao si Triton. He's nice to me actually, nakakapag taka lang talaga. Or baka may malaking galit lang talaga ito kay Aria? Ayokong mangialam sa mga buhay nila kaya tatahimik muna ako ngayon.
"Frost," tawag muli ni Aria sa anak. Ikatlong beses niya na ito pero hindi parin siya nilingon ng anak sa halip ay? Sinamaan niya ako ng tingin sabay takbo palabas. Mabilis na kumunot ang noo ko sa inasta ng anak ni Aria. Ba't mukhang galit iyon sa akin?
"Anong ginawa ko sa anak mo, Aria? Mukhang may galit 'yon ah." angil ko nang makalabas na si Frost. Wala akong matandaan na nag away kami ng anak niya, sa katunayan nga? Hindi kami nagpapansinan eh.
Kita ko ang pag ngiwi ni Aria. Binalingan niya ng tingin si Sedrex at sinenyasan itong sundan ang bata. Ano kayang meron sa dalawang ito? May loving-loving na bang nagaganap sa pagitan nila?
"Hm...he likes you, Vena, he's mad at you kasi ikakasal kana," walang halong birong sabi ni Sedrex bago ito lumabas na dahilan naman nang pag kunot ng noo kong muli. Ano daw?
"Your son likes me, Aria?" tanong ko sa kanya. He's too young for me, lol. I'm not planning to anyway, nakakagulat na gusto pala ako ng anak niya pero masyado pa siyang bata para sa akin. Kapag lumaki na siya pwede na siyang magkaroon ng mga girlfriends. Chour!
"Hindi ko rin alam, pero hayaan mo na. Pasensya duon sa ugali ni Frost ah! Ganu'n talaga iyon pag sa ibang tao!"
"Nah, its okay, naintindihan ko naman," kahit na naguguluhan.
"Are you ready?" she smiled widely at me. Kinuyom ko ang mga kamao para pigilan ang panginginig. This is it. Magsisimula na talaga ang totoong kasal.
"I think I am?" pabulong na tanong ko habang inaangat ang tingin sa matayog na simbahan. Maraming mga cameraman sa labas ng simbahan, may mga reporters pa ngang pakalat-kalat, mukhang kanina pa naghihintay. Pero bawal silang mag interview dahil iyon ang gusto namin. Gusto talaga nilang makita ang asawa ng sikat nilang Doctor dito sa Pilipinas. He's mine guys! Your famous Doctor is my husband now!
Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"You should." matigas na saad ni Aria 'saka lumabas ng sasakyan. Binuksan niya ang pintuan para sa akin, pilit akong ngumiti dahil mukhang paiyak na naman ang mata ko. Tangina talaga! Ang drama-drama ko! Kahapon pa ito ah! Tapos hanggang ngayon ganu'n parin? Tears of joy.
"Hindi pa nagsisimula. Save your tears first," dahil sa sinabi ni Aria tila umurong ang luha ko. Taas noo kong hinarap ang mga tao sa labas ng simabahan. Nang makita nila ako? Kani-kaniya silang balik sa pwesto, sinimulan na rin nila ang trabaho nila.
Pinikit ko muli ang mata ko. Akala ko umurong na ang mga luha ko, hindi pala. Naramdaman ko ang pag tulo nito kasabay ang malakas na kantang nanggaling sa loob ng simbahan.
"I'm so glad because I met you, Vena. Kahit minsan topakin ako hindi mo parin ako iniwan, in fact you stayed at my side, tinulungan mo ako sa mga bagay na hirap-hirap ako. Tinuruan mo ako kung paano tumayo sa sariling mga paa ulit, binuksan mo ang mga mata ko sa katotohanan," nilingon ako ni Aria, hindi ko na talaga mapigilan ang luha ko.
"Thank you for everything." huling saad niya bago bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Tumambad sa amin ang maraming tao. Sa kaliwa ko nakita ko sina Riley, Almika, at Alex, sa kanan naman ay ang mga asawa at anak nila. Sabay silang kumaway sa akin, palihim naman akong ngumiti.
Unti-unti kong nilingon ang altar. Mas lalong kumabog ang puso ko nang bumungad sa paningin ko si Skie. Ang lalaking pakakasalan ko, ang lalaking kokompleto ng buhay ko. Damn it! Wala na talaga akong mahihiling pa.
Skie's POV
Finally you're here, bakit ang tagal mo naman ata? Gustong-gusto na kitang itali sa buhay ko, Vena, gusto ko nang matapos ang kasal na 'to, gusto kong makasama na kita.
I'm happy because you accepted me again, I've been waiting for this to come, Vena, nagpapasalamat ako dahil sa wakas! Tangina! Ikakasal ka na sa'kin! Akin kana.
Seeing you wearing that white gown? Makes me cry, Vena, Damn it? Why'd you look so beautiful? Para gusto na tuloy kitang angkinin ngayon. Faster baby, walk faster, I can't wait any longer again.
I will never get tired of loving you, Vena. Just let me love you baby, let me shield you, let me protect you. I love you so much! Kahit na isigaw ko pa sa mundo kung gaano kita ka mahal.
Non lasciarmi Vena, potrei non essere più in grado di gestirlo. Sei la mia vita adesso con Sky, quando uno è perso? Penso di essere pazzo Vena, quindi non lasciarmi, qualunque cosa accada. Combatteremo insieme e spero che tu creda davvero in me. Ti amo piccola. Sono così felice ora!
"You may now kiss the— BUHAYA!" hindi natapos ng pare ang kanyang sasabihin nang bigla na lang itong tumili dahilan nang pag tayo ng mga bisita namin. What the holy fvck!
"I think there's..."
Hinapit ko sa bewang si Vena. Tangina! Ang dami talagang istorbo, nakakabwesit.
"Skie?" bulong na tanong niya. Ngumiti ako sa kanya. "You are mine officially now," bulong ko sabay halik sa kanyang mapupulang labi!
Tangina! Hulog na hulog na talaga ako!
***
Translation: 'Wag mo na akong iwan, Vena, baka hindi ko na talaga kakayanin pa. Kayo na ang buhay ko ngayon ni Sky, kapag ang isa mawawala? Mahihibang yata ako, Vena, kaya 'wag mo akong iwan kahit anong mangyari. Lalaban tayo ng sabay, at sana paniwalaan mo na talaga ako. Mahal na mahal kita baby. Sobrang saya ko ngayon!The end.
BINABASA MO ANG
BS04: Hiding The Killer's Son
ActionWalang kinatatakutan si Skie Vernon Santford. Simula noong iniwan siya ni Vena, nag-iba ang kaniyang ugali, hindi na ito ang taong naging parte ng kaniyang buhay. Harap-harapan siyang sinaktan. Muntikan pang mawala ang bata sa kaniyang sinapupunan...