TLWCC VII- Ferris Wheel

34 5 0
                                    

He walked away and I was left dumbfounded, it was Michael, he is Kael. Pero bakit nandito si Kael? Ano ba ang gusto niya ring sabihin sa akin?

Na hindi ako tumigil sa pag-suyo kay Jack? At bakit ang weird niya na naman?! I still walked and I don't know where am I going. Maraming tanong ang nasa isip ko sa sinabi sa akin ni Kael at kung bakit siya nandito.

Sa sobrang pag-iisip ko kay Kael ay bigla ko na lang narinig ang pag-tawag sa pangalan ko nila Sharlaine.

"Mauricé!" Sigaw ni Sharlaine kaya umikot ako para tingnan sila.

Hindi ba nila alam na nandito si Kael?

I was about to ask them when Sharlaine suddenly hugged me.

"Maygash! Kanina ka pa namin hinahanap! Nandito ka lang pala sa tapat nitong roller coaster!" Parang naiinis na sabi nito sa akin saka humiwalay ng yakap sa akin.

"At saka sino ba 'yung kausap mo?" Tanong sa akin ni Ruby.

"Ah wala," sambit ko na lang.

They don't really know that Kael went here.

"Nasaan na sila?" I asked.

I can't see Jack, Callix, Erin, Andrew, Geoffrey and Christian. Sila lang na mga babae ang kasama nila Sharlaine.

"Huh? Ayun kinausap na nila Callix si Jack." Sambit sa akin ni Cath na parang naiinis pa kay Jack, base on her facial expression. I just nodded to them.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila Nissa and Adalee. They supposed to be with their boyfriend, not here.

"Malamang hinanap ka naming mga babae." Sambit naman ni Ruby sa akin na nakapamaywang. Siguro halos trenta minutos rin akong nagpalakad-lakad dito sa EK, ng mag-isa.

"We're so worried about you, hindi ka namin ma-contact sa cellphone mo dahil mukhang naka-silent pa." Inis na sabi ni Adalee sa akin kaya nag-peace naman ako sa kanilan lahat. They supposed to be having fun with their boyfriend but they are here, they find me in this big place, Enchanted Kingdom.

"Oh nandiyan na sila," ani Nissa na nginuso pa ang likuran ko. I can't see their faces but I'm sure there they are, walking towards us.

"How about Kailey and her friends?" I asked again, just curious. Iniwan ko sila na kausap ni Jack kanina ang ex niya.

"Tsk! Ayun pinaalis na namin bago ka pa umuwi, napasarap kwentuhan nila ni Jack." Ani Cath sa akin kaya napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Anong pinaalis?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Baka sabihin pa nung Kailey ay ang sama kong girlfriend at mga kaibigan ko.

"Joke lang, hindi na namin alam kung saan planetang pumunta kanina. Hinanap ka na kasi naming mga girls tapos iniwan namin si Jack sa kanila Callix." Sambit ni Ruby kaya nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko pa naman pinaalis talaga nila! Knowing them, minsan ay napaka-maldita nila.

"Nahanap niyo na ba si Mauricé?" Narinig kong tanong ni Callix sa likuran ko kaya umikot ako para makita sila. "Oh, ayan na 'yung girlfriend mo Jack, takte ka." Parang naiinis na sabi pa ni Callix kay Jack. Inasar pa tuloy ni Erin si Jack.

"Sarap makipag-kwentuhan sa ex 'tong boyfriend mo, Mau. Bububugin na sana namin kanina pakaalis noong Kailey." Ani Erin kaya napatawa sila Adalee sa sinabi niya.

I looked at Jack and now he's kinda nervous when our eyes met.

"Anak ng kambing ka Jack, pabebe pa!" Ani Andrew at tinulak pa sa akin si Jack, buti na lang at nahawakan niya ako sa may balikat.

The Lady Who Can't Confess (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon