TLWCC XXVII- Monthsary

42 4 0
                                    

Sa sinabing 'yon ni Jack ay kaagad na namula ang pisngi ko na kahit hindi ko na tingnan ang sariling repleksyon sa salamin ay ramdam ko' yon. With his simple pick up lines made my cheeks burnt and turned into red.

"Ang haliparot ni Mauricé!" natatawang sabi ni Ruby sa akin kaya natawa kaming lahat. "Kilig na kilig ang babae sa mga banat ni Jack," dagdag pa nito kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi.

Mas lalo lang akong kinikilig at pinamumulahan ng pisngi dahil sa panunukso pa nila. Binaling ko ang tingin ko kay Jack at saktong tumingin rin siya sa akin kaya naman ay panay ang sigawan ng mga kaibigan ko. I shook my head because of them, they just keep on teasing us and I can't help but to tremble.

"Iba pala talaga kapag babaero ang nagmahal, pati asin nilalanggam," wika ngayon ni Erin kaya kaagad kaming napatingin sa kaniya.

"Kailangan mo ng mouth filter, Erin. Masyado ka ng madaldal," suway sa kaniya ni Cath kaya napailing na lang ako.

Wala naman na 'yon sa akin dahil masaya at ayos na kami ngayon ni Jack. I forgave him but I will not forget what he did to me last month. It's hard to forget because I saw it personally.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jack ng bigla akong natahimik pakatapos sabihin ni Erin ang sinabi nito.

I looked at him and assured him that I'm okay by smiling widely, "yes, I'm okay. It's nothing," I told him.

Pakatapos naming magkulitan ay binalik na namin sa box ang cake at saka umalis na ng classroom. Katulad ng dati ay sabay-sabay kaming muli pababa ng building. Jack is beside me and we're the one on the last walking with our friends. He is also the one who's carrying the box of cake. Maliit lang naman 'yon kaya hindi naman sagabal sa kaniyang habang pababa kami.

"Where do you want to celebrate our monthsary?" he asked me when we finally reached the ground floor of the building.

I think of a place where we can go and the place that I thought was the place where Kael brought me last time, "gusto ko sana 'yung nakikita ang city lights," I told him and smiled.

"Hindi ka ba papagalitan ni Tita at Tito kapag gabi ka na umuwi?" he asked me, I shook my head as an answer.

"I can text them that I will be late to go home. Isa pa, alam naman nila na magse-celebrate tayong dalawa ng monthsary natin," tugon ko sa kaniya kaya naalala ko ang kulitan namin kagabi ni Kuya.

He is now inlove and I am praying that the girl she will love will love him back because he deserves it.

"Okay, I'll bring you where you want to go," wika niya kaya tumango na lang ako.

I'm also excited to go where the place he will bring me. Palagi na lang kasi ang mga glow in the dark star na nakalagay sa kisame ang nakikita ko tuwing gabi. I really wanted to watch the city lights alone or with my special someone. 

"Jack!"

Bumaling ang tingin ko sa loob ng basketball court at doon ko nakita ang pinsan ni Jack na si Kenneth. Tumingin rin doon si Jack, sabay noon ang pagbato sa kaniya nito ng bola na kaagad namang nasa ni Jack.

"Hello, Mauricé!" bati nito sa akin kaya tanging pag ngiti lang ang nagawa ko sa kaniya. "Pwede ba kaming maglaro ng boyfriend mo saglit?" paalam niya pero tumingin lang ako kay Jack.

"Pass, Kenneth. Bebe time, monthsary kasi namin ngayon." tugon sa kaniya ni Jack kaya naman ay umawang ang bibig nito. May sasabihin sana siya pero pinili niyang huwag na lang magsalita. "Next time na lang, Kenneth." sambit niya sabay ngiti dito.

"Ah! Oo nga pala, happy monthsary sa inyong dalawa! Akala mo 'yon, Jack, hanggang ngayon ay kayo pa rin?" pagbibiro nito kaya naman ay pilit na ngiti lang ang ginawad ko. "Sige, sige! Sa susunod na lang!" wika nito at naglakad na papunta sa kabilang ring para bumalik na sa paglalaro ng basketball.

The Lady Who Can't Confess (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon