TLWCC II- Required

76 6 0
                                    

Kaagad na inalalayan ako ni Mommy na makaupo sa tapat kong upuan. "Are you okay? Sabi ko naman sa'yo ako na lang dahil bawal kang mapagod." Sumbat sa akin ni Mommy, umiling lang ako sa kaniya.

"Nagiging pabigat na ako sa inyo, wala man lang akong ginagawa dito." I said but she just deep a sighed.

"May sakit ka sa puso kaya understood na 'yan ni Mommy, okay?" Anito kaya tumango na lang ako. Now I look like I'm a 5 years old baby na naglaro sa putikan tapos may Tide si Mommy para paputiin pa rin ang tshirt ko. How funny, right? I'm sick and and it' s tiring.

"Sige na, manood ka na lang ng tv o kaya naman i-chat mo na si Jack." Tugon nito sa akin at ngingiti-ngiti pa sa akin, sinimangutan ko tuloy siya. "What?" Natatawang aniya.

"Mommy naman, kaya ayaw kong magkaroon ng boyfriend. Aasarin niyo lang ako palagi." Pagdadabog ko dito at ngumiti lang sa akin si Mommy habang iiling-iling.

Ang awkward kaya! Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. They will probably teased me with Jack specially Ate Jeanne and Kuya Renz.

"Duh, Cheska Mauricé! You're already 17 years old kaya okay lang 'yun sa akin, ako nga humarot na nung 12 years old." Natatawang sambit nito at sakto naman ang pagdating ni Daddy, he's still wearing his white polo with a necktie on it.

"Anong harot-harot ang nariring ko sa'yo, Clarisse?" Kunot-noong tanong ni Daddy at natawa naman ako. Seloso masyado! "Mau, ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin at napakunot-noo tuloy ako.

"Inspired ang anak mo, kaya masyadong happy." Agap naman ni Mommy at tinataas-taas pa ang kilay sa akin.

"Mommy!" Suway ko dito pero tinodo niya pa.

"Sus! I have done that before so you don't have to worry. And alam mo bang nakuha mo ata ang pagkapakipot mo sa Daddy mo?" Tanong nito sa akin saka tumingin kay Daddy. Umiling naman ako. "Ako ang nag-first move sa aming dalawa, pabebe ang Daddy mo." Anito kaya tumawa ako.

"Hindi naman ako pabebe." deny ko dito saka ko inilagay ang buhok ko sa likod. "Maria Clara lang, we have to preserve our being Dalagang Filipina, Mommy." Taas noo kong sabi.

"Sa panahon ngayon, hindi naman 'yan masyadong uso. Mas pabebe na ang mga lalaki, good thing Jack likes you back kaya kayo na ngayon." Anito at napatingin naman sa akin si Daddy na parang bumagsak ako sa isang subject.

"Kayo na?!" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Daddy at nahihiya man ay tumango na lang ako.

What is the essence of being in a relationship with Jack if I'm going to deny it. Well, keep it private but don't deny it.

Akala ko ay papagalitan ako ni Daddy pero niyakap pa ako nito na ikinabigla ko. "You're totally a lady! So happy for the both of you!" Anito sa akin at umiling-iling na lang ako.

"Kayo naman Mommy, kung maka-react akala mo ikakasal na ako." I complained because it looks like they are more than happy knowing that Jack and I are official.

"Bakit? Doon lang din naman 'yun papunta." Sagot naman ni Daddy at sinimangutan ko ito.

I'm just 17 years old for heaven's sake, maygad! Now I know, how does Ate Jeanne feels whenever Daddy and Mommy asking her to date and marry someone.

"Aba malay ko Mommy, baka bukas break na kami?" Natatawang kong sagot at sinamaan naman ako ng tingin ni Mommy.

"Ikaw talaga, Mau. Masamang biro 'yan. Ano 'yun mas matagal po 'yung panliligaw kesa sa maging kayo?" Suway sa akin ni Mommy at natawa na lang ako sa reaction niya.

Para talaga siyang teenager, very supportive sa akin. 'Yun nga lang, hindi ako pinayagan mag-laro noon ng badminton. Hakhak but then, it's for my own sake rin naman kaya okay lang.

The Lady Who Can't Confess (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon