After Jack introduced me as his girlfriend to his relatives, we ate together. Wala namang programme na hinanda dahil sa bahay lang naman nila ginawa ang selebrasyon ng birthday niya.
I already asked him why he didn't had the grand birthday celebration just like what I used to but he said that he don't want to celebrate his birthday grand. Mapapagastos lang daw sila Tita kapag nag-engrande pa silang handaan. And I agree with it, hindi naman nga niya debut eh, it's his 18th birthday.
"Do you want some drinks?" he asked me when they are preparing the chair and the table for us.
We're done eating when he decided to go outside their house for us to have some fresh air. Hindi naman mainit sa labas ng bahay nila dahil nasisilungan naman kami at saka nandito rin kasi ang mga nag-iinuman na mga kaklase niya at kamag-anak.
"Of course, Jack. Walang sense ang birthday mong 'to kung hindi kami makakatikim ng alak," sambit ni Erin kaya napairap ako sa kaniya.
Ofcourse alcoholic drinks will always be present on the birthday celebrations, especially to the boys!
Binalingan ako ni Erin ng tingin at nag-peace sign sa akin pero inirapan ko na siya. Gustong-gusto talaga ang alak, eh no? Mga lalaki nga naman.
"Mukha mo parang red horse, Erin." Ruby mocked at him that made us laugh.
"Yes, alive and kicking," Erin said and smiled playfully.
Umupo na kami sa sinet-up nila Jack sa harap ng lamesa habang siya naman ay kumuha ng alak sa loob ng bahay nila. I'm not allowed to drink alcoholic drinks because I just got hospitalized weeks ago. Kaya ang ending ay silang mga lalaki lang ang nag-inuman samantalang kami naman na mga babae ang namumulutan.
The invited people are already dancing while someone is singing on the karaoke. I guess, they started drinking earlier than 3PM because if not, they are still not tipsy now!
"Shit!" I stuttered when I remembered the gift I prepared for Jack.
"What's the problem, Mau?" tanong sa akin kaagad ni Jack kaya naman ay pati sila Callix ay napatingin rin sa akin.
Nahihiya akong nag-peace sign sa kanila dahil sa pag-istorbo sa mga usapan nilang tungkol lang naman sa mga girlfriend nila. I looked at Jack shyly and said, "nakalimutan ko 'yung regalo mo sa kotse ni Callix."
Tumingin naman ako ngayon kay Callix at ngumiti ng ng pilit, "can I borrow your car key? Kukunin ko lang 'yung regalo na binili ko sa kaniya," tugon ko kaya naman ay kaagad niyang binigay sa akin ang susi.
Pero bago ko pa muna kunin ang regalo ko para kay Jack ay pumasok na muna ako sa bahay nila dahil nakaramdam ako ng ihi. I silently went inside the house and asked Shakira if there's a person inside. Wala naman daw kaya pumasok na ako.
When I finished, I was shocked and at the same time surprised when I saw the familiar girl in front of me. Lalagpasan ko na sana siya ngunit hinatak niya ang braso ko papuntang likod ng bahay nila Jack. Walang ibang taong nandoon dahil lahat ay busy at nasa harapan lang naman ng bahay.
"Why are you here?" I asked and eyed on her intently.
"I'm her girl bestfriend, do you have a problem with that?" she said and smirked at me.
Napailing ako at aalis na sana pero mahigpit niya ulit na hinawakan ang braso ko. Sa biglang paghatak niya sa akin ay bigla akong nahilo at bumilis rin ang tibok ng puso ko kaya naman ay tiningnan ko siya ng masama.
"Ano bang problema mo, Lalaine?" I said cooly but deep inside, I want to shout at her.
Para siyang walang delekadesa at dito pa talaga siya eeksena. At ang lakas ng loob na pumunta dito sa birthday ni Jack!
BINABASA MO ANG
The Lady Who Can't Confess (Book 2)
Novela JuvenilTHE GIRL WHO CAN'T CONFESS [BOOK 2] She is loved by Jack She love him back. Even though she will take the risk. Will they survive in the love they started? The love that is unconditional and for a lifetime.