HIRALY POV
Napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyang ginawa ko, sinisisi ko ang sarili dahil wala naman talagang ibang may kasalanan sa katangahan ko.
"Come on, I'll let you take a picture but make sure just get a good shot."
Umangat ang paningin ko ng makita ang mukha ni Zenvo na handa ng kunan ng litrato kaya naman pinatay ko ang kahihiyan sa utak ko at tsaka ngumiti.
"1, 2, 3 smile!"
Namangha ako dahil kitang kita ang maangas at gwapo niyang mukha lalo na kapag naka ngiti, unang beses ko pa lang tong nakita kaya hindi mo ako masisisi kong nabighani ako sa ganda ng ngiti niya.
'Zircon pa rin! Bahala ka dyan!'
"Eto, pasalamat ka magaling akong photographer!"
Binigay ko sa kanya ang cellphone ko. Tumaas naman ang pang-ibabaw niyang labi ng makita ang litrato sa cellphone ko. syempre as expected, gwapong-gwapo na naman sa sarili.
"It's not about how good you are at taking pictures, it's about how good I am, that's why the quality is also good. Stop Praising yourself." pagpupuri niya sa kanyang sarili.
"Akin na nga yan! Napaka feeling gwapo mo!" inis na hinablot ang cellphone ko mula sa kanya.
"Well, ako lang naman to." nakangisi niyang wika.
Pinaikutan ko siya ng tingin, "sino?! Si Natoy na mahal na mahal ka?! Ew!"
"Hindi, si Zenvo Morales na tatalo kay Reyes. Ano pa ba? Kahit magtanong ka pa kung sinong lamang sa amin, dahil hindi mo pa man naitanong sa kanila, alam kong AKO! hindi naman na dapat pa tinatanong kung anong OBVIOUS na eh." nakangising sagot niya sakin.
"Kilabutan ka nga! Mukhang kulang ka lang sa kain."
Hindi na kami nagkikibuan. Inupload ko sa story ko ang picture ni Knight. Nilagyan ko pa ng caption na, GWAPO PA RAW KAY ZIRCON REYES AMPUTEK! WALANG BINATBAT TONG TUKMOL NA TO SA ISANG GWAPO NA YUN!
Para naman ma bash siya at magising sa katotohanang, mas gwapo si Zircon sa kanila. Ewan ko nga dahil sa pagkakaalam ko tarantado rin si Zircon. Ang pinagkaiba lang nila ay si Zircon madalas jolly habang tong isa na to madalas masungit, nananakit pa!
"Here's your order, enjoy eating mamser!" wika ng bakla.
'Anong mamser?!'
"Uy! Yang soup at pasta lang ang sayo! Ang kapal ng mukha mong makikain sa mga inorder ko!" tinabig ko ang chopsticks niya dahil akmang kukuha siya ng kimchi ko.
Hindi pa rin nagpatinag dahil kumuha talaga siya, "kakain din naman pala hindi nalang nagpadagdag! Patikim nga niyang pasta kung masarap!"
'Kunware galit pero gusto lang talaga makikain! Nako wag ka nga Jade!'
Ginamit niya ang chopsticks niya at pinalibot ang pasta, "open your mouth."
Parang bata kong binuka ang bibig kong natatakam ng kainin ang pasta, walang malisya naman to saakin at mas lalong hindi ako maarte lalo na at alam kong malinis sa katawan ang taong ko, mahahalata kase basi kung paano siya pumorma.
"Yummy! Ang saraaap sarap ng pasta nila! Isa pa nga!"
Parang mata akong nakangiting binuka ang bibig, mabuti nalang at sumunod si Zenvo itinukod ko ang dalawang siko ko sa lamesa habang nag-aantay na subuan niya ako.
BINABASA MO ANG
PATIENTLY WAITING
Teen FictionHiraly Jade Mendoza fell in love with a guy who is rich, famous, genius and talented. All her life, she waited and hoping that he will love her back the way she does. Until one day, someone came and once said, "Don't wait for that person to love yo...