CHAPTER 30: SENT TO STATES

136 3 0
                                    

KYLA POV

Inalalayan ako ni Paul papunta sa ground floor kung saan doon daw ang babaeng nag suicide kanina.

"J-JADE DON'T LEAVE US OKAY? JADEEEE PLEASE HOLD ON!"

Umiiyak parin si kuya, hawak-hawak niya ang kamay ni Jade habang tinatakbo papasok sa emergency room.

Napatakip ako sa bibig nang makita ang nakakaawa niyang katawan. May galos siyang natamo sa may kanang kamay at ang nakabendang ulo niya ay duguan na rin.

Walang kabuhay-buhay ang kanyang mukha na mas nagpaiyak sa aking lahat. Nakapikit ang mga mata. Kung gaano kaganda ang kanyang mukha, mas kaawa-awa na siyang tignan. Nakakalungkot lang dahil kung gaano kasigla at gaano kalapad ang ngiti nya ngayon ay nawala na.

"Sir, hindi na po kayo pweding pumasok sa loob." wika ng nurse kay kuya.

"Please tell the doctors to do everything." nagmamakaawang sabi ni kuya.

"They know what to do Wayne. Stop begging!" saway ni Zenvo dahilan upang umangat ang paningin ni kuya sa kanya.

"Sa oras na malaman kong may kinalaman ka sa pangyayareng ito. Sisiguraduhin kong hindi ka mabibigyan ng lisensya bilang nurse sa susunod!" mahihimigan ang pagbabanta sa boses ni kuya na sabi kanya.

Sandaling natigilan si Zenvo at kumunot ang kanyang noo. Malalim ang kanyang iniisip at wala sa sariling napaupo sa silya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang mga palad.

"This is fucking unreal! I CAN'T ACCEPT THIS!"

Pinagsusuntok na ni Zenvo ang wall. Tuloy-tuloy ang pagsuntok niya at tila hindi niya namalayang dumudugo na pala ang kanyang kanang kamao.

Maramdaman mo talaga ang sobrang galit ng mga taong nakapalibot sa amin. Kapwa kami nasaktan dahil sa nangyare kay Jade. Wala kaming ideya kung anong ginawa niya bakit umabot sa puntong mag-agaw buhay siya ng ganito. Masyadong masakit lalo na sa sitwasyon ni kuya Wayne... Alam namin kung paano magalit ang ama nila.

"Ano ba kase ang nangyare?!" hindi ko na mapigilan ang sarili kong makialam sa kaniya.

Kung kabastusan ang tawag sa ginawa ko edi mas kabastusan din ang hindi nila pag pasin sa akin. Nasa malayo kase si kuya Wayne na umiiyak at si Zenvo naman ay walang balak tigilan ang wall. Balak niya sigurong wasakin.

'As if naman mas matibay pa yang kamao niya sa wall na yan?!'

Nang mapagod kaming lahat, umupo na kami sa silya sa labas ng emergency room. Nag aantay kami ng update mula sa mga doctor.

"Bakit ba kase umabot sa ganito to?! Hindi naman suicidal si Jade ah?!" ani Paul.

"She's a tough person. Pero hindi ko alam na may ganitong side pala siya, p-pakiramdam ko w-wala akong k-kwentang k-kaibigan." naiiyak  na sabi ko.

"It's my fault. Hindi ko sana siya pinabayaan kanina. My emotion controlled me"

Pareho kaming napatingin ni Paul kay Zenvo na sobrang namumugto na ang mata. Tamihik siyang nakatingin sa mga kamay niyang duguan na. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa tono ng pananalita niya.

"I received a call, they told me what happened to Denise. A lot of them are telling me it's Hira's fault. She hit Denise by her car. Ngunit ang mas nakakapagtaka lang ay ang mga sugat na natamo niya kanina... Wala pa akong napagtanungan kung anong nangyare sa kanya dahil mas inuna ko ang galit na nararamdaman nung makita ko ang pag mumukha ni Zircon. Ayaw ko sanang madamay siya kung anong meron sa amin ni  Zircon." pagpapaliwanag niya.

PATIENTLY WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon