Magandang umaga, tanghali, hapon o gabi po dyan sa inyo :) nais ko lang po pasalamatan ang mga nagtitiis mag basa sa kwentong ito. Nais ko po sanang humingi ng pabor na paki VOTE at paki COMMENTS naman po sa story na to. Maappreciate ko po kahit anong icocomment ninyo sa bawat chapters dahil sainyo po ako makakakuha ng ideya kung anong i improve sa writing skills ko or para alam ko kung paano ko kayo papasayahin. Isa rin po kayo sa inspirasyon kong tapusin tong kwento. Salamat po :)
______________________________________
HIRALY JADE POIN OF VIEW
Halos mag gagabi na pero sobrang sigla pa rin ng mga kasamahan ko. Kanina pa kami naglalakad at nanunod sa iba na nag lalaro ng kung ano-ano sa gilid ng dagat. Hindi pa rin naman kami nakapag sawsaw sa dagat dahil sabi nila mamaya nalang daw kase hindi sila komportableng maglalakad habang basa.
'Mamaya pa pala pero naka suot na kami ng swim wear!'
Halos wala akong makitang hindi nakasuot ng kanya-kanyang mga swim wear dito dahil talaga namang walang gustong hindi mag pa expose ng mga nag gagandahang mga katawan.
Paulit-ulit kong naalala ang salitang iniwan ni Zircon kanina pero hindi naman ako nag assume na ako ang sinabihan niya ng, HOT. Panay asar ang natamo ko sa mga peste kong kaibagan. Porket kase wala silang crush gaganyanin na nila ako. Ang nakakainis lang talaga, wala akong gamitin pang-asar laban sa kanila tuwing iniinis nila ako.
Hindi ko nakita si Zenvo pati na rin si Denise at wala akong pakialam kung saang lupalop sila pumunta no? As if naman hahanapin ko yung mga ahas na yun? Sila Zircon naman, nakita naming nanuod ng surfing kanina. Kaya ayun hindi kami nakapanuod dahil iniiwasan ko siyang makita. Hindi pa rin ako nakaka move on sa nangyari no? Pagkatapos akong mapahiya sa maraming tao?
Kinausap ako ng isa sa mga barkada niya kanina ngunit, tinarayan ko kaya ayun umalis. Wala akong pakialam kung mababastusan siya sa akin. Sadyang ayaw ko kase makita kung paano niya ako tignan. Parang hinuhubaran ako. Hindi naman sa asuming, sadyang ganun talaga ang dating sa akin.
"Let's come near the stage?" yaya ni Kyla.
Inikot ko ang paningin ko para sana hanapin si yaya April ngunit wala akong makitang abnormal dito.
"Where's yaya?"
"I don't know. She's here with us a while ago. Baka may pinuntahan? You know her. Hindi mapakali sa isang pwesto yun eh haha!" Kyla answered.
"Tara, dun na tayo. Parang may kung anong magaganap doon oh? Nag kukumpulan na ang mga tao." sabat naman ni Paul.
I nodded my head as an answer. We quickly walk towards the stage and it makes my blood boils when someone stepped on my foot.
"Hey! Wait!" she said while following the other girl.
"Hey what's going on?" I ask the girl who's wearing a black bikini.
"They say the dance and singing competition is about to start but before that, there's an exciting dance intermission number." after she answered she quickly run away. I could see the excitement on her face.
Dahil doon, parang may nag udyok sa amin na magmadali. Hindi pa kami nakapunta malapit sa stage ng biglang tumunog na ang speakers at biglang nagsitakbuhan ang mga tao palapit doon pahiwatig na mag uumpisa na talaga. Masyado kaming nagsisikan pero pinilit pa rin namin maglakad hanggang sa nakaabot kami sa gitnang bahagi.
"Good evening ladies and gentlemen, once again I am calling the attention of all people out there to come here because we will about to start our activities for today." ani ng emcee.
BINABASA MO ANG
PATIENTLY WAITING
Teen FictionHiraly Jade Mendoza fell in love with a guy who is rich, famous, genius and talented. All her life, she waited and hoping that he will love her back the way she does. Until one day, someone came and once said, "Don't wait for that person to love yo...