Chapter 07

79 5 0
                                    


Papalabas na kami ngayon sa dorm namin, para pumasok sa classroom. Kaya lang may nakalimotan ako at bumalik ako sa loob.

"Alaia, bakit?" tanong sakin ni Hanna.

Hindi ko siya sinagot. Hinanap kuna lang yung report na ginawa ko kagabi. Asan na ba yun? Dito ko lang nilagay sa side table kagabi yun.

"Anong hinahanap mo?" tanong ni raff saakin.

"Yung ginawa kung report kagabi, hindi kuna mahanap."

Sagot ko habang patuloy pa rin sa paghahanap.

"Eto ba?" sabay pakita nya saakin. "Kinuha kuna para sayo. parang wala ka kasi sa sarili mo kanina, kaya baka makalimotan mo." sabi ni Zoey.

"Sus. baka mangongopya ka lang eh" sabi Nieva kay Zoey.

"Tumigil tigil ka nga Nievs, report yan." inis na sabi ni Zoey sakanya.

"Pano puyat siguro kakaisip kag Caius kagabi." singit ni Feliz.

Umirap na lang ako sa hangin. At lumabas na ng dorm.

"Naku ha, baka masyado kang nag aasume dyan. yun pala wala ka lang pala para sakanya." sabi ni Zoey.

"Broken hearted pa naman daw yun." paalala ni Raff.

Parang ayoko na lang makinig sa sinasabi nila. Ang ooa nila!

"Alam na pag broken hearted ang mga lalaki, nag hahanap yan ng mag cocomfort sakanila." dagdag pa ni Zoey.

Naiingayan na ako sakanila.

"Ang daldal niyo. Yung report ko lang naman ang pinag uusapan natin dito." irap ko sakanila.

Naglalakad na kami papuntang hallway.

"Nireremind ka lang namin sis, baka kasi umasa ka." sali ni Nieva.

Sasagot na sana ako. Nang magulat ako sa tunog ng cellphone ko sa bulsa ng uniform ko. May tumatawag. Huminto ako sa paglalakad at sinagot ang tawag ng personal maid ni mamita. Si ate jessica.

"Hello, Ate?" bungad ko.

"Hello alai. Hala! Ang lolo mo, sinugod namin sa hospital. Nawalan ng malay." alalang sabi ni ate jessica.

Parang bigla akong nanghina sa narinig ko.

"Ano? Bakit?" tanong ko.

"Basta pumunta kana lang sa itetext kung hospital." sabi nya.

"Sige sige ate."

Kinabahan ako ng sobra.

"What happened?" tanong sakin ni Hazel.

"May problema ba?" tanong naman ni Hanna.

Tumingin ako sakanilang lahat. Nakatingin din namang silang lahat saakin.

"Si mamita hinimatay daw nasa hospital." naiiyak na sabi ko.

"What? Why?" gulat na tanong ni Hazel.

"Ano daw nangyare alais?" tanong din ni Feliz.

"Hindi ko pa alam. Pupunta pa lang akong hospital ngayon."

"Sama kami." sabi ni Zoey.

"Yeah, we will join you." si Hazel.

"Hindi pwede may individual report tayo ngayon diba? di rin naman tayo papayagan kung lahat tayo aalis." sabi ko sakanila.

Mukhang narealize naman nilang tama ako. kaya kahit nasa mukha pa rin nilan ang pag alala.  Hinayaan na lang din nila ako.

"Magpapasundo na lang ako kay manong lando." sabi ko

Captured By HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon