Chapter 08

62 5 0
                                        


"Nag study at reivew ba kayo kagabi? i hope you do" tanong saamin ni miss helga.

Buti naman kahit papaano nakapag focus naman ako mag review kagabi kahit laman lang utak ko ay yung nangyare kahapon at pag text saakin ni Caius.

"Bakit miss?" tanong ng isa sa classmate namin.

Tumingin sa banda n'ya si miss. "Diba sinabi ko sainyo magpapa-pre test ako ngayon. para malaman ko kung nirereview n'yo talaga mga lessons natin."

Nagulat naman ako sa biglang pag lingon saamin ni Zoey nasa harapan kasi namin sya katabi n'ya sina Nieva at Feliz. Masamang tumingin saakin at kina Hanna't Rafaella.

"Hala! bakit wala man lang nagsabi sainyong may magaganap pa lang pre test ngayon?" ang sama ng mukha n'ya. akala mo naman tinraydor s'ya.

Umirap ako sakanya. "Haynako zo. hindi kaba nakikinig kahapon sinabi ng paulot ulit ni miss helga, akala ko naman narinig mo kaya di kana namin sinabihan. kaya nga nag review kami kagabi lahat eh.

"Hindi kaba nag review zo?" tanong sakanya ni Hanna.

"Pano nga ako makakapag review kung wala akong alam na may pa ganito pala." inis na sabi n'ya kay hanna.

"Dapat may exam man or wala dapat nagrereview ka sa lesson nag i study ka zo para prepared ka lagi" sabat saamin ni Rafaella.

Ngumiwi sakan'ya si zoey "Sige dumagdag kapa sa nangsesermon raff. edi kayo na nag review. tss" irap n'ya sabay talikod at tumingin sa harap ni miss helgang nagsasalita.

"Prepare guys we will start after 8minutes." sabi ni miss helga habang may sinusulat sa mesa n'ya.

Lumingon siya sa likod namin. "Huy pakopyahin n'yo ko ha. wag kayong mag dadamot ng sagot!"

"Hindi ka masasanay magsipag ng pag review nyan kung pakokopyahin ka namin palagi zo" sabi sakaniya ni raff.

"Mag rereview na nga next time, 'to naman parang sagot lang eh. Alaia, sige na. Kopya kana lang saakin sa next."

Napangiwi talaga ako sa sinabi niya "Salamat ha. pero wag na. baka ang pag kopya ko pa sayo ang ikabagsak ng grades ko zoey. pero salamat talaga." tawa kung sabi. nakitawa naman sila hanna at raff.

"Ang fefeeling smart student nyong tatlo ha. mabagsak sana kayo." talikod nya at tumingin sa katabi nyang si nieva.

Agad naman siyang binalingan ni nieva ng nakataas ang kilay. "Bawal ang mangopya dito. wala mo ng frienshi-friendship." sabi sakanya ni nieva.

"Wag kang mag alala nievs, wala naman akong balak na mangkopya sayo. baka dalawa pa tayong makaprefect ng maling sagot." sabi sakanya ni zoey.

Napailing na lang ako sakanila. Kukulit!

--

After nung pre test namin parang binagsakan ng lupa si zoey sa itsura niya. natatawa kaming lahat sakanya.

"Anyare sayo?" tanong ko.

"Wow alaia, wow maang maangan sis?" taray nyang tanong.

"Ano pa nga ba. Yan yung mukha ng mga taong sigurado ng kasali ang pangalan sa mga pangalan ng bagsak sa klase. ganyang ganyang itsura" tawa at sabay turo sakanya ni nieva.

Nag tawanan naman kami. Pinkopya naman namin siya pero dun na malapit sa last na sagot kasi puro essay karamihan at strict pa si miss helga kaya di makalusot si zoey.

Papunta kami ngayon sa cafeteria.

"Hindi ba si caius yun?" biglang sabi ni feliz.

Napaangat naman ako ng tingin sakanya at lumingon sa tinuturo niya. Si caius na nasa park malapit. nakaupo may hawak na ballpen, na pinaglalaroan lang nya. mukhang malalim ang iniisip.

Captured By HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon