Maaga akong gumising dahil sinabi saakin ni Caius bago ako pumasok ng gate namin na magsasabay kami papasok ng school.Monday ngayon, kaya balik na naman kami sa school. Back to stressful life.
Pababa na ko ng tumawag saakin si caius na nasa labas na siya nag aantay, gusto sana niyang pumasok para magpaalam kina mamita at papa pero ang sabi ko malalate na kami. siguro sa weekend na lang.
Bago ako lumabas ng gate sinabihan ako ulit ni papa tungkol sa pag uwi dito sa pilipinas ni mommy, daddy at ng younger sister ko.
Pag labas ko, i saw him leaning on his car. a new other car. Hmm
"Goodmorning." i smiled.
"Goodmorning, lets go?" aya niya at hinatid ako sa kabilang side ng front seat at binuksan niya para saakin ang pintuan.
"Uh thankyou for picking me up."
"Don't mention it. we will go to school together every monday, 'kay?"
"Okay."
--
NASA school na kami ng sinalubong ako ng mga kaibigan ko pa lang sa hallway.
"Hi caius" bati ni hazel.
"Goodmorning caius"
"Hi"
"Mornin'." bati nya din sakanila.
BAGO siya umalis para pumunta sa kabilang building sa room nila, binulongan niya ako.
"We will eat lunch together, wait me here. will you?"
"Ahm, yeah sure."
NAG nod lang siya at umalis ng nakalagay ang dalawang kamay sa pocket ng uniform niya.
"Naku ha! May pa bulong bulong pa ha. Ano yun ha?" Nakapamewang naman na tanong ni Nieva pagkaalis ni caius.
"Sana all may taga sundo" dagdag ni Zoey.
"Sabihin niyo naol may nanghihilang gwapo sa party para mag solo" papaala ni feliz
"Ganda ko diba?" i flip my hair and go inside to our room.
"I'm pretty too pero bakit walang nanghihila saking gwapo at wala ding nagsusundo, ugh!" hazel dabog niyang sunod saakin
"Kaya muna daw sarili mo!" bulong ni nieva.
NANG nag umpisa ang klase na puro review lang ang ginagawa namin sa lahat ng subject dahil exam na bukas at intramurals naman na sa wednesday.
NATAPOS ang tatlong subject puro reklamo naririnig ko sa loob ng room dahil nga sa dami ng irereview.
"Ano ba naman yan, ang sakit pa nga ng ulo ko dahil sa hang over kagabi sumakit na naman lalo dahil sa review na 'to. Parang mabibiyak na tong ulo ko. Nag rereklamo na din ang utak ko." reklamo ni zoey.
"Tanong ko lang may utak ka pala zo?" Seryoso pang tanong sakanya ni Nieva.
"Nagrereklamo na yang utak mo kasi wala na daw laman" Sali naman ni Feliz.
Tinignan lang sila ng masama ni zoey.
"After naman ng exam tomorrow, makakapagpahinga din naman tayo. intrams naman na sa wednesday." motivate saamin ni Hanna.
"Ano bang kinakain mo lately hanns?"
"Ha? Bakit?"
"Gusto ko ding kumain nun, para namang maging masipag din ako."
Napailing si hanna sa sinabi niya.
"Si zoey di nyo tatanongin anong kinakain niya lately?" tawa ni Nieva.

BINABASA MO ANG
Captured By Heart
RomanceLuana Alaia San Jose. Sanay sa attention and love. pero papaano kaya nya makukuha ang pansin ng lalaking ayaw naman syang pansinin? papaano nga ba nya makukuha ang pansin ng isang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa ex nya? is...