Chapter 14

52 6 6
                                    

AN:// Mag uupdate po ako ngayon ng three chapters. Yung dalawa po mamayang gabi na lang. Di ko pa po tapos e edit ang mga typos ko. Sorry sa lahat ng nag message saakin sa dito sa wattpad account ko dahil sa di pag update. May mild fever po ako kaya ganon, Siguro after this three chapters di po muna ako makakapag update. Sorry po!

Nasa classroom kami ngayon, lahat ay kinakabahan dahil ngayon ang Quarterly examination day.

Pero confident naman ako dahil kahit papaano, kahit hindi mawala yung usapan namin ni Caius ay nakapag review at study naman ako ng maayos kasama ang mga kaibigan ko kagabi.

Inaantay na lang namin yung Porfessor na magbibigay ng examination papers kay Miss Helga.

"Kinakabahan ako!" Biglang sambi ni Zoey. Kanina pa siya hindi mapakali sa upuan niya.

"You should be!" Sagot sakaniya ni Nieva. At tumawa pa. Ayan na naman sila.

Nang maibigay na ang examination papers, inabot samin isa isa yun.

Tumahimik ang buong classroom dahil nung oras na ng exam. Ganitong time lang talaga tahimik pag exam na pero pag hindi, yung iba daldal ng daldal kahit andyan ang prof. Yung iba naman walang pakialam may sariling mundo at yung iba mas pinipiling magnakaw ng tulog.

After 5 hrs natapos lahat ng examination.

Biglang umingay sa classroom.

Habang inaayos ni Miss Helga yung exam papers sa table niya, Nagsalita siya tungkol sa mangyayare bukas.

Hindi na nila pinakikinggan ang sinasabi ni Miss dahil alam naman nila kung anong magaganap bukas. Intramurals day!

Habang inaayos ni Hazel ang palda ng uniform niya. "Hey guys, starbucks before going to home what do you think?" tanong niya.

Sinabit naman ni Raff yung bag niya sa balikat niya "G ako.

Tumingin naman si Nieva sa screen ng phone niya, para icheck ang mukha niya. " Chill muna bago tayo umuwi."

Pumayag naman kaming lahat.

Nang nasa hallway na kami ng school. Naririnig namin yung usap usapan nilang lahat.

"Maganda daw yung girl, at sobrang classy daw talaga. High profiled din daw ang pamilya."

"Sabi ni Aimee, pinuntahan daw talaga niya si Caius"

"Yes. I saw her at the boys building, pero sabi naman ng iba umalis din daw agad"  sagot nung aimee.

"Pinaalis daw ni Caius eh."

"Ha? Pano mo nasabi" Narinig niyo?"

"Yun ang usap usapan kanina don sa boys building at sa classroom nila Caius. Parang badtrip pa daw si Caius kanina eh."

Napahinto ako sa narinig ko.
I don't know how to react.
Bakit pumunta dito ang ex girlfriend niya?
Bakit niya pinuntahan si Caius?
Totoo kayang pinaalis ni Caius yun?

"Hala. totoo kaya 'yon?" tanong ni zoey. Napahinto din sila sa paglakad.

"Well, di naman yan pag uusapan dito sa campus kung hindi totoo." Nieva said.

Captured By HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon