Chapter 10

57 7 1
                                    


"Ang gwapo Alaia ha! Look at his biceps, ang sarap sigurong mag lambitin dyan. at mag pa buhat sakaniya sa kama." tatawa-tatawang sabi ni Hazel.

Kanina pa sila ganyan. Pinagpapantasyahan nila ang walang kamalay-malay na si Caius.

Andito kami ngayon sa bleachers ng basketball gym ng school.

Nanonood ng practice nila Caius.
Sumali pala siya para sa intrams na malapit na din.
Balita ko basketball player din naman siya don sa past university na pinasokan niya.

Walang awat ang mga kaibigan ko sa pagsasamba sa kagwapohan at kamachohan daw ni Caius.

Nang maka three points shot si Caius maslalo pa silang naaning. tsk tsk!

"Jusko lord! Ang gwapo na nga ang hot pa ng galawan sa basketball court." isa pa tong si Feliz.

"Magaling din siguro performance niyan sa kama. Hahahaha." dagdag pa ni Nieva.

Mag rereact na sana ako pero nagsalita naman ulit si Hazel.

"Sharpshooter din siguro yan, yung tipong pag may nangyare sainyo, boom! buntis ka agad! Waahhh!" sabi nya.

What the fuck? Ang cringe!

"Hndi na ako nakapagpigil, nahampas kuna siya. Siya kasi ang malapit saakin.

"Mga balahura kayo! tumigil nga kayo nakakahiya kayo! kinikilabutan ako sa mga sinasabi niyo!" inis kong sabi sakanila.

Umarte silang tatlo na kunwaring nasaktan, humawak pa sila sa dibdib.

Nag salita si Feliz "Wow alaia sobrang hiyang hiya kami sa kainosentehan mo!"

"Kinikilabutan din kami. Kinikilabutan kami sa kalinisan ng utak at bibig mo!" dagdag naman ni Nieva.

Inirapan ko sila at tumingin na lang sa harap. "Ewan ko sainyo."

NANG mapunta ulit kay Caius ang bola. Nagulat ako ng bahagya pa siyang lumingon sa banda namin at ngumiti saakin bago pumorma para ipasok ang bola para sa three points shot ulit.

Niyugyog ako ni Hazel. "Oh my god! Sabihin niyong hindi lang ako ang nakakita nun! Oh my god! oh my god! tumingin sayo alaia at nag smile bago ishoot ang bola!"

Ang oa ng reaction niya pero aaminin kung nawala ang inis ko sa ginawang yun ni Caius.

Kahapon lang galit na galit ako sa pang aasar niya saakin pero sa isang sulyap at ngiti lang yon, nawala na yung inis ko.

Nagpipigil ako ng ngiti at kunwaring inis.

"Ano ba hazel para kang binudburan ng asin dyan ha!" sabi ko sakanya.

Tinulak pa ko ng bahagya ni Feliz.

"Malanding 'to! wag kami girl."

Alam nya. Alam nilang kinilig ako don.

NAPANSIN kung nagsisilapitan na sila sa bleachers at isa isa silang uminom ng tubig at kuhanin ang mga twalya nila para punasan ang mukha nilang pawis na.

Napatingin ako kay Caius na nakatingin pala saakin habang umiinom. Nakita kung nangingiti siya habang tinutongga yung tubig niya.

Inirapan ko siya. Kinagat ko ang kabilang pisngi ko para mapigilan ngumiti.

Pag tingin ko ulit sa banda nila papalapit na sila saamin.

Nag pa unang lakad si Cj.
"Tapos na klase niyo?" bungad na tanong niya.

"Isn't it obvious?" naka taas ang kilaya't cross arm na sabi sakanya ni Zoey.

Nagkibit balikat lang si Cj.

Captured By HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon