Chapter Seven

111 14 15
                                    

 Klein Mashiro



BUMUNTONG hininga ako bago ko pasukin ang laboratory ng hospital.

"Doc. Klein, long time no see." ani Alfolo na siyang head organizer ng laboratoryo.

Tumango naman ako sa kanyang bilang pagsang-ayon. Lumapit siya sa akin kaya ibinigay ko ang folder na hawak ko.

"I need some cure." makamayaw na sagot ko.

Muli naman niya akong tinalikuran at bumalik sa desk niya. "Please have a seat first Doc." alok niya.

Naglakad naman na ako saka umupo sa couch.

"Mukhang malaking problema 'to Doc. Klein." napapailing-iling na sabi niya. "Sana lang kayanin pa ng mga researchers kapag naghanap pa tayo ng gamot, gayung delikado pala ang eye transplant para sa pasyente mo." kusot ang mukhang salaysay niya.

I sighed. "Ayaw ko ng may mawala pa ulit na pasyente ko Alfolo. Kung hindi niyo kaya, ako ang gagawa." seryosong sabi ko.

"Doc Klein..." sabay buntong hininga niya. "Kakayanin namin 'to, for the whole hospital. Para saan pa at naging professionals kami when it comes to this? It's useless kung hindi namin gagamitin." giit pa niya.

Ngumiti ako ng mapakla. "Maasahan ka talaga Alfolo." wika ko.

"Kaya 'wag ka ng sumimangot dyan Doc. Sabi mo dati always smile and be positive kahit na mahirap." saad pa niya.

"Tss, dumadaldal ka na rin Alfolo ah." biro ko.

"Kasalanan 'to ni Ridge saka... ayun oh." sabay turo niya gamit ang kanyang labi.

Kunot noo naman akong napatingin sa itinuro ng bibig niya. "Si Spiede?" tanong ko sabay muling baling sa kanya.

Tumango naman siya saka napasimangot.

"Parang may naamoy ako between you and her ah? Baka naman pwede mo akong kuwentuhan dyan?" mapangasar kong tukso sa kanya.

"Ikaw din Doc. Klein, kala mo huh! Kayo na pala ni Ma'am Czarizzy hindi ka nagsasalita." ganting tukso niya rin.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "H-How did you know? Who say's?" takang tanong ko.

Napangisi siya "Guess who?" kuwestiyon niya naman.

Sandali akong napa-isip at doon ay nagalugad ng isip ko ang isang pangalan. "Ridge told you. Am I right?" sagot ko.

Pinagkumpas niya ang kanyang daliri. "Exactly!" natawang sagot niya.

Biglang tumunog ang break time ng laboratory. "Oh Doc. Bukas ka na lang ulit dito bumalik para mapagplanuhan at maumpisahan na natin iyong hinihingi mong gamot." anito. "Don't worry Doc. It will not failed, so, don't think hard of it. Papasakitin niya lang lalo ang utak mo." dagdag pa niya. Napangiti naman ako saka tumayo na.

"Saka na kita pasasalamatan kapag naging success ang gawa." nakangiting sabi ko naman saka nakipag kamayan na sa kanya.

Tumayo naman na siya saka inabot naman ang kamay ko saka nakipag shake hands. Tinapik ko siya sa braso saka tumalikod na sa kanya. 'Hmm... May naisip akong kalokohan ah.'

"Speide!" tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya sa diresyon ko saka ngumiti. "Sabay na daw kayong mag break time ni Alfolo, wala daw siyang kasabay.".. "Doc. Klein! Wala akong sinabi!" asik niya.

"May sinabi siya sa akin kanina, gusto ka niyang kasabay na kuma--oompp!".. "Ano ba Doc. Klein? Tahimik nga! Wala akong sinabi, sabi eh!" naiinis niyang sabi.

Radioactive 2: Klein Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon