Chapter Nineteen

77 7 7
                                    

Trisha Schart


FIVE days past since that fearless incident happen. Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa Isla, hindi pa gising si Czarizzy na kasalukuyang binabantayan ni Klein sa hospital.

Umupo ako sa buhanginan para tingnan ang makinang na dagat at ang palubog na araw.

Nakalabas kami sa kulungan ni Xyllo dahil sa mga kasamahan kong assasin, they tracked me kaya ganon na lang kabilis ang pangyayari. Buti na lang atnapaaga sila ng dating dahil walang balak ang mga demonyong iyon na dalhin kami sa hospital.

Hindi ko lang alam ngayon kung mayroon pa akong kasama dahil binabantayan nila ngayon ang hospital kung saan ay naroon ang dalawa.

They lose their baby, alam kong masakit iyon para kay Czarizzy, siguro na-traumatize ito nang malaman niyang wala na ang anak niya.

May naramdaman akong palapit sa akin, nasa likuran ko siya, creepy feeling nowhere.

Huli na para tumakbo ako ng takpan niya ako ng kanyang palad sa labi ko.

"Sshh... Please come to me, huwag kang sumigaw, parang awa mo na." nangungusap na bulong niya sa tainga ko.

Hindi ko siya kilala at hindi ko kabisado ang tono ng kanyang boses dahil mahina at paungol lang iyon.

May kutob akong hindi niya ako sasaktan kaya tumango ako at bumuntong hininga.

Inalis niya na ang palad niya sa labi ko. "Huwag tayong mag-usap dito, alam kong may mga kasama ka at papatayin nila ako if they're caught us."

Ngayon ay kilala ko na ang boses na ito. 'Is this Xyllo?'

Tinayo niya ako ngunit hawak niya pa din ang dalawang kamay ko.

"Bitiwan mo ako Xyllo, don't you dare trick me." malamig na utos ko.

"I wont do that, tatakas ka. Gusto ko lang humingi ng tulong mo." 'Nagpapatawa ba siya? Hinihingi ng isang Xyllo ang tulong ko? Naghihirap na ba siya?'

"Sorry, I can't do that for you, matapos ang kademonyohang ginawa mo sa amin dito sa Isla, sa tingin mo matutulungan pa kita? Tss, poor you." sarkastikong asik ko.

"Please Trisha... Please... Kausapin mo lang ako, kahit makinig ka lang, kung ayaw mo akong tulungan, okay . But please makinig ka lang." nagmamakaawang pangusap niya. 'Tss, baka ngdadrama lang ito at ikulong lang ako.'

"Ayoko, alam ko ang gagawin mo Xyllo, baka ngayong araw katapusan na pala ng buhay ko." sagot ko.

"Hindi ko iyon gagawin Trisha, ikaw lang naman ang taong malalapitan ko."

Nagyelo ako sa kinatatayuan ko nang harapin ko siya, may mga galos ang kanyang mukha, mugto ang kanyang mga mata at putok ang gilid ng kanyang labi.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, parang naawa ako sa lagay niya ngayon.

"Anong nangyari sayo? Karma?" pilit kong sineseryoso ang boses ko dahil ayokong kausapin siya ng naaawa ako sa kanya. 'Bakit? Naawa din ba siya sa amin? Hell hindi!'

"Alam kong mamaya lang, nandito na ang mga assasin mo Trisha, please lang, ayoko pang mamatay." nagmamakaawa na siya ngayon.

"Sige, papayag na akong kausapin ka, huwag ka lang magkakamaling pagtangkaan ako Xyllo. Sa impiyerno agad ang bagsak mo." malamig na pagbabanta ko sa kanya.

He sighed. "I promise, I wont do anything to you. Just please, talk to me. Iyon lang Trisha."

Binasa ko ang kanyang mga mapilantik na mga mata. Kapagkuwan ay nagpakawala ako ng hininga ko. "Sige, sasama ako." kalmadong sagot ko.

Radioactive 2: Klein Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon