Chapter Thirteen

69 7 3
                                    

Klein Mashiro



NANG iwan namin ang mga girls sa pinagtayuan namin ng mga tent ay lumakad kami papunta sa Isla. Nalaman na lang namin na gabi-gabi pala ang party dito.

Marami-rami din pala ang tao dito kapag gabi ayon sa kuwento ni Astro.

"Saka, alam niyo bang pagmamaya-ari ko ang Slumber Hell's Bar dito?" giit pa ni Astro.

"Tsk! Maniwala." may pagkasarkasmong pangbabara ni Bright.

Tumayo si Astro na siyamg dahilan para muling agawin ang atensyon namin. "Why'd you come with me?" anito.

Bright smirk. "Sure, come on Flash." sabay hila nito kay Flash na walang kamuwang muwang na nilalaro ang buhangin.

Pinigilan niya ang kamay ni Bright. "T-Teka, saan tayo pupunta?" nagugulahan na tanong niya.

"May bar daw siya dito." sabay turo niya kay Astro na nauuna ng maglakad. Tila nahipnotismo si Flash sa ibinunyag ni Bright at siya pa ang humila sa kanya.

"Tara guys, sama tayo." pag-aaya naman ni Ohm habang naka-akbay sa babaeng inorder daw niya.

Tiningnan ko ang kapatid ko. 'Shall we go?' nagtatanong na pukol kong tingin sa kanya ngunit kibit balikat lang ang sinagot niya.

Dalawa na lang kaming natira. "Baka kapag sumama tayo, pagalitan ako ng asawa ko." sabi niya kapagdaka.

Napabuntong hininga naman ako. Matagal-tagal naman na rin pala ako hindi nakakapunta ng bar dahil sa kabusyhan sa hospital.

Tumayo ako. "Where are you going?" tanong niya sa pagtayo ko.

Sumenyas ako sa kanya kung saan ay natatanaw ko pa ang mga kasama namin.

Wala siyang balak na tumayo kaya lumakad na ako para puntahan sila.

Napatingin ako sa pgabigat ng balikat ko. "Sasama na pala ako." anito.

Napakibit balikat na lang ako at hinayaan na lang siya.

"Kuya, pwedeng magtanong?" basag niya habang naglalakad kami.

"Ano?" simpleng tanong ko naman habang sinusundan ng tingin ang mga kasama namin.

"Kailan ang kasal niyo?" he asked directly.

Napahinto naman ako saka tumingin sa kanya, inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin, saka pilyong ngumiti. 'Ang totoo ay hindi pa sinasabi nila Mama kung kailan.'

Muli akong tumingin sa daan. "Tatanungin ko pa kay Mama, hindi pa kasi nila sinabi." sagot ko saka patuloy na naglakad. Nakita ko ang paglihis ng daan ng mga kasama namin.

"May best man ka na?" tanong niya pa ulit.

"Kuya daw ni Czarizzy ang best man." simpleng sagot ko.

"Tsk! Ang daya mo, samantalang ikaw dati ang best man ko." may pagtatampo na sabi niya.

Namiss ko ang ganitong pag-uusap namin ni Calvin, noong wala pa kaming pinoproblema, noong mga araw na nag-aaral pa lang kami.

Kimi naman akong natawa. "Inunahan ka na eh. Ikaw sana ang kukunin ko kaso naunahan." dahilan ko.

Muli kong naramdaman ang pag-akbay niya. "Sayang, di bale. Basta imbitado ako sa kasal mo." bulalas niya.

Natawa naman kaming dalawa sa sinabi niya.

Kalaunan ay narating na rin namin ang sinasabing bar na pag-aari ni Astro.

'Slumber Hell's bar? Anong klaseng pangalan naman ito? Creepy. Tsk!'

Radioactive 2: Klein Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon