Prologue

41 0 0
                                    

"Uy,  tara na pala maglunch! Oh my goodness! Malilimutan nanaman nating mga bakla! Baka naman tayo magkasakit nyan!" kunwaring nagaalala na sabi ni Mon.


"Sus, di nalang sinabi na gutom na sya oh!" sigaw ni Joe kay Monica.


Ano ba yan, ang ingay ingay nila. Mag oone pm na pero hindi pa kami nakain. This day is one of the busiest day of the week dito sa hospital. Tuesday kasi ngayon.


Inayos ko na ang mga papel na nakalagay sa desk ko. This year is our last year ng med school. Gagraduate na din kami! Sawa na akong maging clerk!


"Wag na nga kayo magbangayan gusto nyo bang ilublob ko kayo sa IV fluids ha?" sigaw ko sakanila at napatawa naman sina Alliana, Lawrence, at Chand, pano naman kasi bangayan nalang ng bangyan.


"Tara na nga ginigigil nyo si madam Luna e!" ampangit talaga ng ugali nitong si Chandler akala mo di Nice ang apilido ah.


Naglakad na kaming anim papunta sa cafeteria ng ospital, walang masyadong tao dahil lagpas na din sa tunay na lunch time. Karamihan ng makikita mo sa loob ng caf ay mga nakatambay lang pasyente mula sa pysch ward.


"Hi Luna! Pa make up naman mamaya, may date kasi kami ni June eh!" sigaw sa akin ni Harlan habang papalapit sa akin na may dala na lipstick


"Wow naman,  blooming ka ngayon Hetty ah!" banggit ko ng makalapit sya at umikot ikot sa harap ko na parang diwata.


24 years old na si Harlan, pasyente sya sa psych ward may sakit kasi itong multiple personality disorder o DID, kaya parang ibang tao ang pinapakita nya ngayon. Naging close ko na din si Harlan dahil lagi ko itong nadadaan sa tuwing papasok ako sa duty o di kaya'y kakain dito sa cafeteria.


"Uy Hetty, gusto mo bang sumabay sa amin kumain?" Aliana asked. Ngunit umiling naman si Harlan, at sinabing may gagawin pa raw siya.


Naglakad kami papunta sa kuhaan ng pagkain, ngumiti agad ako ng makita ko si Ate Beth at Kuya Carding, sila ay magasawa na nagtratrabaho dito sa ospital, si ate beth ay taga luto at si kuya carding naman ay talaga bili ng mga rekados at nagseserve na rin.


"Uy Luna, bakit ngayon lang kayo? Pinagtira ko talaga kayo ng menudo! Andun oh! Teka sandali!" lumingon muna si ate beth sa likod at mga gilid nya "Carding! Carding! Asan na yung menudo na itinabi ko kanina?"


"Nako mahal, tinira mo ba yon para sakanila? E akala ko ulam ko e" napakamot pa sa ulo si kuya carding.


"Anong ulam mo e, para sa anim na tao na yon ha-"


"Ay okay lang po Ate Beth, may afritada naman ho! Same same naman sila na may tomato sauce, gulay at karne!" totoo naman kasi ah.


"Uy Luna, oo nga pala maaga akong uuwi mamaya e, pwede bang kunin mo yung mga kukuhanan ko dapat ng dugo ng mga 4-6pm?" nagpuppy eyes pa ang hayop na to oh.


"Ang abuso mo ah, bakit ako e andyan naman si mon-"


"Hala sya, bakit ako mamang!? Busy ako! Duty ako ngayon! Baka si Joe-"


"Uy gagi duty din ako! Si chandl-"

"Duty mates tayo gunggong ba kayo??"


Lahat naman sila ay tumingin sa akin at ngumisi. "Okay sige na ako na. Tangina mo Alliana, tayo na nga lang ang duty mates dito sa ating anim iiwanan mo pa ako?" nakakainis amputa, isungalngal ko kaya to?


"Sorry na nga e! Bawi ako sayo next time bhie! Bye guys enjoy your duty and Luna enjoy pre-duty! Mwa!" at tuluyan na nga syang lumayas.



"Luna, una na kami baka hanapin na kami ni doc! May rounds kami mamaya e!" paalam nila Monica at umalis na rin


Aba mga mangiiwan talaga. Bumalik na din ako dahil madami pa akong kukuhanan ng dugo.


Naalala ko nung bata ako, madalas kasi ako noon sa mga hospital dahil madalas mamaga ang mga tonsils ko, at ilang beses na din akong naadmit dahil sa iba ibang dahilan.


Napangiti ako habang pinapanood ang isang batang kinukuhaan ng dugo na nakatingin lamang sa sahig, ganon na ganon ako nung bata pa ako.


"Uy Luna, halika dito bilis!" ano kayang nakain nito si Helen at di ko mawari kung naiihi ba sya ngunit abot  tenga ang ngiti.


"Oh anong problema natin dyan at mukha kang mapapaihing impokrita dyan?"


"Gaga, may pogi sis! Kukuhaan daw natin ng dugo beh! Magpapa cbc kasi! Saka magpapa ecg at echo daw! Ang swerte mo talaga kasi mukhang sayo alaga ibibigay yan kasi gusto mo mag cardio! Ang unfair talaga kasi fav ka ni doc-"


"What are you talking about Ms. Helen? Am I hearing my name?" dahil sa boses na yon ay agad kaming napatayo ni Helen. Napahampas pa sakin ang gaga.


"Hala, no po doc! Hala may gagawin pa pala ako! Bye doc! Bye Luna!" she almost run as fast as she could to get outside, sumilip pa ito sa bintana and mouthed 'goodluck' aba talaga tong impokritang to, iniwan pa sakin ang gulo nya


"By the way Miss Velasquez, we have a patient na magpapa ekg at echo. Can you assist him? Also kuhanan mo na sya ng dugo for cbc. Thank you." seryosong sabi ni doc at ngumiti ng bahagya sa huli


"No problem sir!" at lumabas na ako sa silid na yon pagkatapos kong magmask at kumuha ng mga gamit pang kuha ng dugo.


nagmakalabas ako kay na aninag ko na nakaupo na ang pasyente na sinasabi ni doc, hindi ko na tinignan ang mukha nito at kinuha ang ballpen


"Name po sir?" I said without looking in his eyes.



"Uh, Solis Cortez. Tagalog lang yung spelling miss." nang marinig ko ang pangalan na iyon ay nahulog ko ang ballpen ko.


Solis? Solis Cortez? Ang ex ko? Ex-bestfriend?

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon