Chapter 26

7 1 0
                                    

It's the last night.

Marahan ako inabutan ni Heim ng kape, At nagpasalaman naman ako sakanya.

"Ako na muna ang bantay, take a nap." tumango naman ako sakanya at tumayo na na patungo sa likod.

Nasalubong ko ibang pang mga nakikilamay.

Andito ang ibang mga tito at tita ni Sobat iba pang mga kamaganak nila.

"Luna ija, thank you for what you have done anak," niyakap ako ng tita nina Sol.

"Tita, let her rest." malamig na sabi ni Heim.

Pumunta na ako sa likod at ipinikit na aking mga mata.

Andito nanaman ako sa lugar sa panaginip ko noong nakaraan.

Ngunit hindi na ito katulad ng dati.

Wala na si Sol sa bench at ang tanging naroon na lamang ay isang telepono.

Pinagmasdan ko ang paligid at napansing may mga batang naglalaro sa di kalayuan.

May lumapit sa akin na bata at halos madapa sya papunta sa akin.

"A-Ate? Sa inyo po ba iyang telepono?" tanong nya sa akin at kumunot naman ang aking noo.

"Oo," hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang aking bibig.

"May message po kasi riyan, baka para sa inyo!" nginitian ako ng bata at nagtatakbo na papalayo.

Inilagay ko sa tenga ko ang telepono at may pinindot rito.

"Hello? Naka record na ba ito?" It's Sol.

"Oo naka record na iyan sabihin mo na ang sasabihin mo! Limitado ang oras ng pagtawag dito sa langit!"

"Ah, Hello Luna. Gusto ko lang malaman mong hindi kita iniwan, andito ako binabantayan ka! Para akong araw dito oh! Para lamang akong nasa malayong lugar! Milya milya ang layo natin pero masaya akong nagagabayan parin kita!"

"Bilisan mo! Tatlumpong segundo na lamang!"

"Ano ba iyan Anghelito! Pinepressure mo naman ako! Sige na Luna! Paalam! Hanggang sa muli!"

Kasabay ng pagkatapos ng tawag ay ang pagmulat ng aking mga mata.

"Luna, kain na." inabutan ako ni Mike ng sopas na nakalagay sa mangkok.

Wow that dream, it felt so real yet so fantastic and make believe.

Ngayon ang araw na ililibing si Sol.

All of our highschool friends are here.

Also some of our batch mates. Mayroon ding mga naging kaibigan nya noong nag aaral sya sa America.

Kapamilya nya, mga kaibigan at kakilala.

"Tayo ay natitipon ngayon dahil sa ating pumanaw na kapatid na si Solis Uy Cortez." everything I hear is kinda blurry.

"Ngayon po ay pakinggan natin ang speech ng isa sa pinakamatalik na kaibigan at ang nagiisang minamahal na babae ng ating kapatid na si Solis Uy Cortez." I stand up immediately nang madinig ko ang aking pangalan.

Right, magsasalita nga pala ako.

Pumunta ako sa harap at tinignan ang napakadaming taong nasa harap ko at nakatingin sa akin ngayon.

Hinugot ko ang yellow pad na pinagsulatan ko ng speech ko.

Tinignan ko ang nakasulat dito at nilukot lukot na ito. Naisip ko nalang bigla na maging natural sa aking sasabihin.

Tinap ko ang mic at hinarap ang sang katutak na tao.

"Solis Uy Cortez. Sino nga ba sya sa mga buhay natin? He maybe that charming boy next door or that smart ass mathematician in school but for me, he's everything. He's my everything." nginitian ko ang lahat at lumunok.

"He was my number one fan. Noong nagsimula ako magtraining sa archery ay walang naniniwala na magiging player ako nito. Pero sya, he cheered me enough para mapunan lahat ng pangdodown sa akin. At noong naging presidente ako ng archery club, siya iyong nagpalakas ng loob ko." napatawa naman ako nang maalala ko ang araw na iyon.

"He was my best friend, my rant buddy, my comfort zone. Pagmalungkot ako noon automatically libre nya ang pagkain. Lagi nyang tinatry na pasayahin ako." nakita ko naman ang pagngiti ng ilan sa mga highschool classmates namin.

"Sobrang bait nyang tao. He was like an angel. He has suffered a lot, at ngayon ay magpapahinga na sya. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakikiramay at sa lahat po ng nagmamahal kay Sol." hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Tumungo ako at bumalik na sa aking upuan.

Heim tapped my shoulder and smiled at me.

"That was brave Luna."

The next thing I knew is idinadala na si Solis sa kanyang paglilibingan at naglalagay na ng rosas ang lahat sa hukay.

Nang mahulog ko na ang rosas ay hindi na matigil ang luha ko knowing ito na ang huli.

Hindi ko na muli sya makikita.

Nakatingin lamang ako sa kawalan habang ang mga nakaputing tao ay patuloy na naghuhulog ng bulaklak.

"Luna, sandwich at juice." nagabot sa akin ng juice at egg sandwich sina Heim at tinanggap ko naman ito.

Unti unting natabunan na ang hukay kasabay ang pagkadurog ng aking puso.

Akala ko ay tanggap ko na, ngunit hindi pa pala.

Hanggang ngayon ay labis parin akong nasasaktan. Ngunit kailangan kong kayanin.

Ipinangako ko kay Sol na aalagaan ko ang sarili ko. Hindi dapat ako makulong sa nakaraan.

Sinubukan kong ngumiti, yung totoong ngiti. Hindi yung ngiting pinipilit ko lamang para masabing okay ako.

Ngayon ay nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang aking mukha.

Nitong mga nakaraang araw ay nakakatulog naman ako ng kaonti dahil may mga nakikipag palitan sa akin sa pagbabantay.

Ngayon ay tuluyan nang natabuyan ang hukay at syang ngayon ay nilalagyan na ng bermuda grass.

"Hey, umaambon na. Sumilong ka na Luna." hinila ako ni Mike papunta sa payong nya at idinala sa may silong na parte ng sementeryo.

Unti unting umalis ang mga tao hanggang iilan na lamang kaming natira.

"Sa tingin mo nasaan siya ngayon? Maayos ba siya ngayon?" napalingon naman ako sa tanong ni Beng.

"Oo naman, nasa kung saan man sya nararapat ngayon yun si Solis." sagot naman ni Ali, she's right.

"Heaven gained another angel." marahan kong sabi.

"Ang bilis naman, kakabalik nya lang sa atin." nanghihinayang na sabi nya.

"Walang may alam kung paano ang patakaran ng buhay, or why life unfold each of us the way it does." totoo naman.

Walang may alam sa patakaran o batas ng buhay,

Basta ang alam ko ay lahat ng buhay ay hiram lamang natin sya Diyos, kaya babawiin rin niya sa takdang panahon.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon