Chapter 9

14 1 0
                                    

Sa mga lumipas na buwan ay naging busy ako, ngayon ay pangilang buwan na namin sa school.

Sobrang busy pala maging graduating hays. Matindi din kasi ang nagawa naming pagrereview para aa entrance exams. Buti nalang at nakausad kami, kinakabahan nga ako dahil malapit na ilabas ang results ng pagsasanay namin noong mga nakaraang linggo

Si Kuya na din ang official guardian ko. Nagpapadala lang sila ng pera sa amin buwan buwan. Almost every week namang umuuwi si Kuya galing Manila para lang macheck ako. Si Dad naman ay thrice a year umuuwi, at si Mom ay random.

Sabado ngayon at kagabi naman ay umuwi si Kuya.

"Kuya, sabi ko naman sayo okay lang hindi ka umuwi linggo linggo. Hindi naman ako baby. Saka malapit na nga ako mag18 oh!" tinignan naman nya ako at napatigil sa pag aayos ng mga pinamili nyang gamit sa bahay.

"Wala akong pakialam. Uuwi at uuwi pa rin ako dito para icheck ka hangga't wala ka pa sa Manila. You're the only one I have here Luna." sabi nya at itinuloy ang pagaayos ng gamit.

Sumakay na ako sa kotse ni kuya dahil sabi nya ihahatid nya raw ako.

"Luna, the results? Kailan ilalabas?" kuya questioned me without even looking at me.

"I don't know, maybe tomorrow? The next day? Next week?"

Nang makarating na kami sa school ay agad na akong bumaba. May gagawin kasi kami dito. Maglilinis siguro kami, patapos na din kasi ang first sem malapit na ang sem break.

"Luna! Andyan ka na pala!" bungad sa akin ng mga tao. Agad namang hinanamap ng mata ko Sol at natagpuan ko naman syang nagwawalis habamg hihikab hikab pa.

"Gago, mukha bang kama yang winawalis mo at hikab ka ng hikab diyan?" tanong ko at inagaw ang walis sa kanya.

Nagstretching naman ito at humarap sa akin.

"Gago, kanina pa kita iniintay! Ano ka ba malapit na nga ang birthday ko tapos lagi mo pa akong inaasar!" sabi nya sa akin at umupo sa pinakamalapit na bench.

"Bakit birthday mo ba ngayon?" sinenyasan ko naman sya na itaas ang kanyang paa.

"Luna, sa inyo pala ako maglulunch mamaya!" pasigaw na sabi nya na akala mo ay bingi ako na hindi siya naririnig.

"Anong akala mo sakin? Bingi!? Oo na sasabay na nga ako sayo pauwi!"

.

Nang makarating kami sa bahay ay ang nakahandusay na katawan ka agad ni kuya ang bumungad sa amin.


Ambaho! Ano ba yan! Ilang oras lang ako nawala e uminom na sya! Sana hinintay nya na rin ako! Ang tagal ko nang hindi umiinom, mga 1 week!

"Iayos mo na yung pagkain dyan Sol, may kukuhain lang ako sa taas!"


Tumaas ako at nanguha ng kumot sa  baba ng cabinet sa kwarto ni Kuya.

Bumaba na ako at kinumutan si Kuya, kinuha ko na rin ang bote ng pale pilsen na hanggang ngayon ay hawak hawak parin niya. Makikita mo rin ang stains na nasa puti nyang damit at kahit ilang metro ang layo ng ilong mo sakanya ay amoy na amoy ang beer mula sa katawan ang bunganga nya.

Kuya was always like this, lahat ng responsibiladad na kayang nyang itake ay talagang kukuhain nya. I was happy na ganoon sya, but at the same time sobrang nalulungkot ko at naawa sakanya.

Sa totoo lang kaya ko namang mabuhay ng hindi nya chinicheck linggo linggo, it will only affect his studies. Pero napakakulit niya, he's so selfless.


EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon