Chapter 29

8 1 0
                                    

Huminga ako ng malalim habang nagchecheck ng video sa aking dlsr.


Sol have a lot of memories here.


Napahinto ako nang makakita ako ng video ng solong mukha ni Sol. Casual lamang siyang nakahiga sa kama at parang nagvlovlog.


Nanguha muna ako ng kape bago ko ipinlay ang video.


"Ughm so where do I start?" he touched his chin na para bang nagiisip sya.


"Luna," hindi ko mapigilan ang luha ko nang marinig ko ang pangalan ko. I would love to hear that again.


"She's a girl I've been crushing on since sixth grade. Una ko syang nakita sa parke she's pretty, " he smiled like an idiot. Park? Sya ba iyong laging nakatingin sa malayo? Wow, hindi ko alam.


"Hahahaha, naalala ko yung araw na una ko syang nakita. Halos maglaway ako, I was star strucked okay? At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sakanya." huminga sya ng malalim at humigop sa tsaa.


"Years ago wala akong paki alam kung mamatay na ba ako o ano. Pero nung nakita ko uli sya. Tangina. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong bawiin lahat, na ayoko pa. Gusto ko pang makasama sya, gusto kong makita na maging ganap na doktor pa sya." tears started to stream down his face. Hindi ko na rin naman napigilan ang luha ko.


"Tangina mahal ko e. Mahal na mahal ko yun, kung pwede nga lang nya ako nakilala para hindu na nya maranasan ang sakit na idudulot ko sakanya. I would just admire her from  afar."


Nilayo nya ng kaonti ang camera at kumaway dito.


"Gago nagiging madrama na ako masyado!" he tried to laugh.


"Luna alam kong pinapanood mo ito. I want you to know na you were one of the best thing that ever happened to me. Kung may paraan pa para andyan ako sa tabi mo sa umaga, sa tanghali at sa gabi ay gagawin ko ang lahat,"


Napahikbi naman ako, I would love to try that to Solis.


"Gawin mo ang bagay na makakapagpasaya sayo. Oo nga pala may regalo pa ako sa iyo," he smiled.


"Pumunta ka doon sa Hello's pet shop, kunin mo doon si Mr. Sunshine! Alagaan mo sya ha! Pangarap ko talaga ang ganoon pero naging busy ako, imagine mo nalang anak natin si Mr. Sunshine!" iniling iling naman nya yung ulo nya.


"Sandali! Ang corny nung pangalan! Ikaw na nga lang magpangalan!" napatawa naman ako.


"Hoy Solis! Ano iyan! Nagbibidyo ka ng porno!? Anong sasabihin ni Luna nyan!?" it was Mike opening the door sa hindi kalayuan. Nagulat naman ni Sol at muntik mahulog ang camera.


"Hala gago andito ka na pala, ipagpalit mo yung sd card ni Luna dito ha." what? So hindi ko ito sd card?

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon