Chapter 1

18 1 0
                                    

8 years ago


"Luna"


"Luna"


"Luna"



"Tanginang yan, ano ba Solis?" minulat ko ang mga mata ko, para tignan ng masama si Solis. Natutulog yung tao e


Pero nang iangat ko ang mukha ko ay hindi si Solis ang bumungad sakin-


"Miss Velasquez, anong akala mo sa klase ko? Bed time? Anong akala mo sakin? Bumubuga ng kemikal na na nakakapagpatulog ng tao? Anong akala mo sa mga dinidiscuss ko? Bed time story? Pumunta ka na sa guidance, right now!" hala si ma'am ang daming sinabi, pero wala din naman akong nagawa kasi ako din naman ang mali.


Padabog akong pumunta sa guidance office para kausapin si ma'am Eloi. Malapit ko na nga tong maging bff si ma'am e, madalas kaming magkasama.


"Oh ano nanamang ginawa mo Luna anak?" tanong nito sakin


"Luh si ma'am, yun agad bungad sakin. Di ba pwedeng dumadalawa lang?" tinignan nya ako na parang sinasabing 'weh' kaya naman- "Okay sabi ko nga, nakatulog ako sa klase ni ma'am Tanda. Tanda ang tawag ko dun, kasi nga labas na ang nga puting buhok nya, at Tandang din naman ang apilido nya.


"Ah, so nagpuyat ka ba?" tanong nya saakin habang nakatingin sa aking mga mata.


"Ayoko muna pagusapan ma'am e."


"Okay naiintindihan ko, basta andito ako anak." ngumiti ito ng matamis na para bang sinasabing magiging okay ka rin.


Kaya naman ako talaga napuyat kagabi dahil, hating gabi na umuwi si Dad at nagwala sa bahay. Nagaway nanaman sila ni Mommy. And they're getting divorce sooner or later.


Lumipas ang ilang oras ay lumabas na din ako ng office.


"Yan gaga ka kasi, tulog pa ha." bungad sa akin ni sol na may dalang dalawang burger at dalawang coke float.


"Oo nga pala, pagraduate na tayo next year. Anong ganap natin dyan boi?"


Oo nga pala Grade 11 na kami, at nasa 2nd sem na kami. Si Sol nga pala, best friend ko since 1st year highschool. Sobrang magkaiba kami, pero nagclick parin kami as friends like sya mahilig magbasket ball, ako ayoko sa mga ball games na sobrang nakakapagod mahina kasi ang baga ko. Magaling sya magluto, samantalang ako itlog na nga lang nasusunog pa.


Tinitigan ko ang matangos nyang ilong, amputa mukhang beak ng ibon amp.


"Tatakbo ka parin bang president ng archery clubsh nexsht year?" tanong nya habang punong puno ang ambibig.


"Bastos ampota, lunukin mo nga muna yan, saka ayoko na muna maging officer. Itutulog ko nalang muna, sasabak pa tayo sa thesis boi." pinitik ko pa ang noo nya dahil gusto ko lang.


"Arte mo ah, kala mo naman di kita nilipstickan nung prom last year ah." NAPALINGON AGAD AKO SA LIKOD KO KUNG SAKALING MAY NAKARINIG SA SINABI NYA

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon