Chapter 17

7 1 0
                                    

It has been hours nang magsimula kaming uminom. Kaya naman siguro ay tulog na ang mga kasma namin.


Tahimik lang akong nakaupo sa dulo ng bar kung saan ay damang dama mo ang hangin at ang paa mo naman ay nasa tubg.


"Hey." napalingon naman ako nang marinig ko ang himig ng boses ni Sol.


His deep voice makes me at ease.


"Hmm." tumabi sya sa akin at nilagyan ng alak ang dalawang baso at inabot ang isa sa akin. Nilagok ko naman ito at dinama ang bawat hagod nito sa aking lalamunan.


"Luna. What if mawala ako bigla?" napatingin naman ako sakanya.


"Ano bang sinasabi mo? Syempre hahanapin kita. Ayokong mawala ka. Pag nawala ka hindi ako magiging masaya." tumingin naman sya sa akin at ngumiti.


"Kahit pa ipagtulakan kita palayo?" tumango naman ako.


"Kahit pa iwan kita uli?" tumango naman ako. Bakit ba ganito ang mga tanungan nya?


"Edi hahanapin kita, gagawin ko lahat ng paraan. Yun ang bagay na hindi ko ginawa nung wala ka Sol." niyakap nya ako at hinalikan ang noo ko.


"Paano kung hindi talaga tayo para sa isa't isa?" tanong uli nya matapos bumitaw sa akin.


"Ipagdadasal ko araw araw na sana tayo talaga. Kung wala parin, ayoko nang magmahal kung ganun Sol." umiling naman sya at bumuntong hininga.


"Ang tapang mo Luna. Sana kasing tapang mo rin ako." tumingin naman sya sa langit at mayroong luhang pumatak sa kanyang mata, batid ko ay dahil iyon sa parehong kasiyahan at kalungkutan.


"Edi wag kang lumaban, panigurado ko ay kaya ko namang lumaban magisa. Matapang ako diba?" muli syang napangiti at ginulo gulo ang buhok ko.


"Ang kulit mo lam mo yun. Masaya ako dahil matapang ka pero kasabay nun ay natatakot ako para sayo Luna. Hindi mo sigurado ang tatahakihakin mo."


"Kesa naman masayang ang pagkakataon na yun, kung ano man ang kahahantungan. Ayos ako dun atleast sinubukan ko diba?" tumango tango naman sya.


Muli syang ngumiti at tumingin sa langit.


Ang mga ngiti nya. Para sa akin ay mas nakakasilaw iyon sa kahit anong metal dyamante o bituin. Ang boses nya, para sa akin ay mas nakakalma ito sa pinagsama samang tunog ng dagat.


"Hihintayin mo ba uli ako pagumalis ako Luna?"


"Oo naman, mag iisang dekada kitang hinintay Sol. Bakit saan ka ba pupunta?" hindi nya ako sinagot at patuloy na tinitigan ang ang bituin sa langit.


Ilang minuto pa ay natulala siya habang nakatingin sa kawalan.


"Sana hangin nalang ako. Malayang malaya. Madami pa akong gustong gawin na hindi ko magawa." namamangha ako sakanya ngayon.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon