Chapter 8

9 1 0
                                    

"So eto na yun, isang buwan nanaman kitang hindi makikita." lumapit naman ako sakanya at inayos ang buhok nya.

"Ano ka ba, isang buwan lang naman yun. Bawing bawi sa pasalubong, besides baka mapaaga pa nga ang uwi ko." lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Ako nalang lang ang naghatid kay Sol sa airport dahil sabay sabay talaga kaming luwas nina Bam, Beng, Ali at Mike pero kasi dumeretso na sila sa kanya kanyang destinasyon. Wala naman kaming pupuntahan ni kuya kaya ako nalang ang naghatid sakanya.

"Hmm, tama na yakap." tinaptap ko naman ang ulo nya. "Hoy tanga, maiiwan ka na oh. Bilisan mo sigurado akong excited si tita makita ka uli." kumalas naman sya sa yakap at nagsimula na maglakad papalayo.

"Yung pasalubong ko ha? Damihan mo!" sabi ko pa habang kumakaway kaway pa.

Tinawagan ko naman si Kuya para sunduin ako. Sa condo nya muna kami magstastay habang andito pa kami sa Maynila.

"Hey gusto mo daan muna tayong jollibee?" tanong ni kuya sakin habang nakatingin sa mirror.

"Sige, one piece chicken lang sakin." nakatitig lang ako sa bintana.

.

Pagkalipas mismo ng ilang oras ay agad kong minessage si Sol.

Luna Velasquez:

Yo, andyan ka na?

Sol Cortez:

Oo, jetlag

Luna Velasquez:

Ah gege pahinga ka na.

Sol Cortez:

Kausap pa kita e.

Luna Velasquez:

Kaya ko naman maghintay tangakb?

Sol Cortez:

Ge. Msg kita pagkagising ko.

Ipinikit ko na rin ang mata ko at natulog.

.

"Psh, sleepy head wake up. May tawag sa Laptop mo. Naglalaro ako ng dota e." anak ng teteng ano nanaman ba yun? Pinahiram ko na nga sya ng laptop kasi naiwan nya sa bahay yung kanya e.

"What? Asshole. Ano ba kasi yon!?" iritang iritang tanong ko kay kuya.

"May natawag nga!" nagdabog pa sya na parang bata pababa.

Bumababa na rin ako at tinignan ko kung sinong tumatawag sa laptop. Ah skype pala.

Nakita ko naman na Sol lang pala. So nakapagpahinga na sya?

Sinagot ko ang tawag at naabutang nagaayos ng kama si Solis.

"Oy, nagaayos ka ng kama? Naks naman! Umaasenso sa buhay!" biro ko sakanya

"Syempre ako pa!" lumapit sya sa screen at inayos ang kanyang laptop.

"Oh kumusta? Sinong sumundo sayo?"

"Si mama syempre. Anong oras na dyan?" tumingin naman ako sa screen ng laptop ko.

"Magaala una na ng tanghali, e dyan sa California? Nagsnosnow pa ba dyan?" bata palang talaga ako gusto ko na makakita ng snow, once palang rin ako nakakalabas ng bansa at sa Hongkong iyon noong 11th birthday ko.

"Hmm, meron pa daw. Kaso wala namang snow dito sa L.A sa taas lang. At it's quarter to 10pm na pala dito." lumayo uli sya sa camera nakita kong naglabas ng kaonting gamit sa bag.


"Oo nga pala, kumusta si tita?" I wonder lang naman, ilang buwan na rin ang lumipas ng huli ko siyang makita. Mabait naman kasi si Tita sa akin.

"Ah ayos lang, sabi nga pala ni mama ikumusta raw kita!" nakita ko namang may dumaan sa pinto ng kwarto nya at napatingin sa Laptop.


"Oh! Is that Luna? How are you dear!? It's been a long time no?!" Tita walked closer and stared at my face smiling.


"Oh Tita! Is that you!? Wow naman! Sumexy lalo ah! Ayos lang po tita, e kayo ho!?" umikot ikot pa si Tita na para bang fairy.

"Oh! Don't worry about me! I'm fine as ever! Oh look pala! Pag uwi ni Solsol, ipapauwi ko sakanya yung mga pinamili ko para sayo-" nacut ang sinasabi ni tita ng pigilan na sya ni Solis, naiinis ba sya?

"Mom stop na, later na kayo magusap. Let me talk to her first please." wow tunog mayaman.

"Okay, sige na nga baby boy! Bye Luna!" umalis na si tita pagkatapos mag paalam sakin.

"Anong tinitingin tingin mo riyan? Ano nanaman Luna?" tinitignan ko kasi sya habang nagpipigil ng tawa.


"Baby boy." I chuckled saying those words. Binebaby kasi talaga sya ni Tita kaya naman kung ano ano ang tawag nito sakanya.

"Shut up Velazquez, kung gusto mong may maipasalubong pa ako sa iyo." asar talo talaga nito pag tungkol sa pagbababy sakanya ng Mommy nya hahaha.


"Solis, you should sleep. Matulog ka na muna. Tatawagan na lamang kita ulit bukas." nakikita ko kasing gusto na nyang pumikit.

"Okay, salamat."


Nakita ko namang nagtext si Mike.


Mikeyboboo:

Yow, and2 na ako sa manila. Asan k? Bored na ako. Send address patambay sa inyo.

Nagreply naman ako sakanya, sinend ko ang address namin at hinintay ko nalang syang dumating.

Sa aming magkakaibigan si Mike ang pianakamaagang dumating pag may usapan. Anak ng teteng kapatid nya kasi ata si The Flash e.


"Lunaaaa!" nang marinig ko iyon ay hindi na ako nagisip pa kung sino iyon, dahil sa boses niyang parang kambing na kinakatay mukhang alam ko na kung sino sya.

"Ano Mike? Ang sakit mo sa tenga!" lumapit naman sya at yumakap.


"Hindi nanaman natin makikita si Sol! Hindi ko na ata kaya Luna!"


"Ano ba!? Umayos ka nga! Kung makangawa ka riyan para kang ina na nawalan ng anak!" pinitik ko pa sya sa noo at pinaupo.


"I raised that kid! Ako ang nagturo sakanya kung papaano magsolve ng fractions noong grade 6 kami! I can't believe mawawala sya sa atin ng isang buwan!" kumuha ako ng tumig at ibinigay iyon sakanya.

"At ano ang pinagmamalaki mo riyan?" sinapok ko pa siya. Pag narinig sya ni kuya ay siguradong magagalit iyon.

"He is my greatest creation! A human calculator!" napatawa naman ako sa mga sinasabi nya. Ang lakas talaga ng apog nito.

"Shh, last mo na iyan! Pag narinig ka ni Kuya ay siguradong magagalit iyon sa kakangawa mo!" napatingin naman sya sakin at napalunok. Nakakatakot kasi talaga ang itim na itim na mata ni kuya.


"Hehe sabi ko nga, okay lang na wala si Sol dito! Sinong ngumawa!? Di ako yon! Baka naman may multo rito sa condo nyo Luna!?" he acted brave and scared pa amputik.


Buong araw nagstay si Mike sa condo at umalis na rin kinabukasan at umuwi na rin naman.


Anong oras na pala, kinuha ko ang kumot sa may paanan ko at ibinalot ito sa akin. Nang naging kumportable na ako at ipinikit ko na ang mga mata kk at natulog na.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon