Chapter 30

10 1 0
                                    

"Hi bud!" marahan kong ibinaba ang bulaklak na dala dala ko at tinaggal muna ang stethoscope sa aking leeg.


Medyo tinaggalan ko din ng alikabok ang kanyang lapida.


'Solis Uy Cortez'


It has been 5 years since that happening at mahal na mahal ko parin sya.


"Kagagaling ko lang sa duty, sorry ha. Baka nababahuan ka sakin," nakacoat pa kasi ako at nagmadali akong pumunta dito dahil ngayon ay 5th death anniversary ni Sol.


Napa tingin naman ako sa likod ko nang may biglang dumamba sakin, It was Mr. Sunshine at si kuya sa hindi kalayuan.


"Look at your son Sol, he's a grown up now o. Sayang nga kasi hindi mo nakita ang paglaki nya. Nabuntis nya yung aso ng kapit bahay, si kuya kasi!"


"Ano bang sinasabi mo? Wala akong kinalaman dyan no!" Ibinaba naman nya ang mg adala dala nyang pagkain, baked mac ata.


"Uy, Andito pala kayo!" Bigla namang sumulpot si Mike kasama ang magdadalawang taong gulang nyang anak.


"Uy, kasama mo pala Miko! Hi inaanak!" lumapit sa akin si Miko at nagmano, he's a great child. Kuhang kuha nya ang features ng kanyang ama ngunit kabaliktaran naman ang ugali nito.


Bigla namang sumulpot si Bam at Beng na magkahawak kamay pa, oo nga pala nagkabalikan sila 4 years ago.


"Ano ba itong dalawang ito pinagbuhat pa ako ng mga gamit oh!" napatawa nman ako sa giit ni Ali na nasa likod nina Bam, kakabreak lang nila nung boyfriend nya noong isang linggo kaya nuknukan ng sungit.


"Excuse me ikaw ang nagvolunteer na magbuhat nyan no,"


Nagvibrate naman ang cellphone ko, Hinugot ko ito sa bulsa at tinignan kung sinong nagtext. It was Heim he sent a pic of him with his 1 year old old baby. He got married last year sad to say hindi ako nakapunta dahil sa hectic sched.


Heim:


He misses tita-ninang daw nya, by the way baka malate kami ng bisita kay Solis ha. Wag nyo na kami hintayin.


Heim and I kept in touch after that day, ginawa pa nga akong ninang ng panganay nya.


Sa loob ng limang tao ay ang dami nang nagbago. Si Beng ay isang ganap na abogado na, at kami naman ni Ali ay ganap na doctor na.


Mayroon na rin akong sariling condo na nabili ko noong isang isang taon. Si Kuya kasi ay may fiancee na at supposedly ikasasal sila next next next month. Kaya mayroon na silang sariling bahay ni Ate Star.


Nakabili na din ako ng sarili kong sasakyan, malapit na ako magpagawa ng sarili kong clinic. At naisipan kong si Mike nalang ang gumawa ng clinic.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon