Chapter 7

9 2 0
                                    

Months have passed since that day, anak ng teteng akala ko hindi na ako makakalagpas. Salamat naman at kahit hirap na hirap ako ipasa ang mga subjects ko ay naipasa ko parin ang bawat subjects.

Ilang weeks na rin ang lumipas matapos ang recognition at ngayon ay nandito si Solis. Nagstastart na kasi kami magreview para sa mga upcoming entrance exams.

"Hoy, gutom ka na ba? Nagkru kru na nyang si Ti e." anong pinagsasabi nito?

"Sinong Ti? Nauulol ka nanaman at kung sino sino ang nakikita mo!" binato ko sakanya ang notebook na nasa harap ko.

"Gaga, si Tiyan kasi!" nakakabingi na talaga ang kacornyhan nya!

Oo nga pala next week ay lilipad na si Sol papuntang states, maiiwan nanaman ako anak namputa. Pero okay lang, batak naman sya magpasalubong pag uwi nya e.

"Ang taray lilipad ka nanaman next week ah, yung pasalubong k-"

"Oo na, madaming sneakers, sangkatutak na m&m, kitkats at ako na ang bahala sa iba. Ano may kulang pa ba?" he sounded so annoyed.

"Hala sya bat parang galit mars?" tanong ko. Nakakunot na kasi ang noo nya habang kinakalkal ang pancakes sa plato nya.

"Panong hindi ako maiinis e parang mas may pakialam ka pa sa pasalubong kesa sakin." tumayo naman sya habang hindi parin tumitingin sakin.

"Hala, ano ka ba. Joke ko lang yun! Ikaw kaya iniisip ko! Hoy! Bumalik ka nga dito! Naguusap tayo e!" iniwan pa ako anak naman ng teteng oh!

Tumayo ako at hinabol sya kahit hindi ko pa ubos ang pagkain ko, ano ba yan parang jowa naman to e!

"Sol naman e! Gabi gabi kaya kitang pinagprapray tapos sasabihin ml nalang na mas may pakialam pa ako sa pasalubo-"

"Talaga?" parang bata syang lumingon sa akin at lumapit. Lumapit naman ako sakanya at pinitik ang kanyang noo.

"Oo, syempre. Pag nawala ka paano na ako?" bigla namang nagseryoso ang paligid namin. Tinignan nya ako, or should I say tinitigan? Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.

.

Argh buong araw kaming magkasama ni Sol, nagmall kami, nanood ng sine at iba pa.

Inaamin ko na malulungkot ako, isang buwan ko nanamang hindi makikita ang pagmumukha nya. Sinampal ko naman ang sarili ko. Ano ka ba Luna? Every year naman nangyayari to bakit hindi ka pa nasanay?

Sobrang sakit na ng katawan ko at batid kong kailangan ko na rin magpahinga. Kaya naman ipinikit ko na ang aking mga mata at natulog ng mahimbing.

.


Nagising ako sa ingay na dama ko ay malapit lamang sa akin. Anak ng tipaklong, antok na antok pa ako e. Hinagis ko ang unan sa harap ko at nagdabog.

"Bumangon ka nga riyan, mukha kang patapon. Ayusin mo ang sarili mo, your friends are down stairs." bigla ko namang naaninag ang pangit pagmumukha ni Kuya, oh this geek. Tangina akala ko mayroon nang magnanakaw dito sa kwarto ko.


"Friends who?" umupo naman ako at nagstretching stretching, nagkamot pa ako ng tiyan dahilan para magbago ang ekspresyon ni kuya sa mukha na parang nandidiri.


"Sol, and I think abaout 4 others? They're on a beach outfit. Fix your self. Sa inyo ni mom ikaw yung mukhang nadivorce." then he left me without having my revenge. Pangit talaga ng ugali.


Without fixing my self bumababa na agad ako, anak ng teteng naman kasi e, ang aga aga e.

Nang makababa ako ay ang nakita ko agad ang pagmumukha nina Sol, Alliana, Mike, Beng at Bambam.


"Luna! Girl! Bakit hindi ka pa bihis!? Don't tell me wala ka pang nareready!?" nagtaka naman ako sa sinasabi nya. Anong kahangalan nanaman ito?

"Anong pinagsasabi mo riyan? Anak ng teteng wala akong alam dyan!" ano ba naman kasi antok pa ako e.

"What do you mean? I texted you last night!" ah hehe.

"Ganun ba? Halos buong araw kasi patay ang phone ko e. Hehe" sorry na nga e.

"Wag na kayo magaway, Luna mag ayos ka na ng gamit. Tutulungan ka namin ni Ali." singit naman ni Beng.


Umakyat naman kami at tamad kong binuksan ang cabinet ko.

Nang matapos kaming magayos ay bumababa na kami.

Sumakay na rin kami sa Van na si Bambam ang nagdridrive.

"San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko kay Sol na nakadungaw sa bintana.


"Basta, alam kong antok ka na. Sleep. Gigisingin kita mamaya." kinuha naman nya ang ulo ko at isinandal sa balikat nya.


.


"Hoy gising, andito na tayo. Tignan mo naman itsura mo pag tulog oh! Mukha kang nakipagsabunutan sa unggoy na gutom na gutom sa saging" naramdaman ko namang may nagayos sa buhok ko kaya napamulat na rin ako.

"Asan na tayo?" tanong kay Sol.


"Andito na tayo sa Dinadiawan. Kaya umayos ka na at baba na tayo" bumababa na kami at hindi ko naman maiwasang mamangha sa view na nakikita ng mga mata namin.

Mga hindi kalayuan sa beach ay mayroong pool doon, wala ding masyadong tao dito ngayon dahil sarado dapat ang resort pero dahil kamaganak nila Mike ang may ari ay nakalusot kami.

At dahil mag didilim na ay nagset up ng na ng apoy ang mga lalaki sa amin at nagayos naman kaming mga babae ng pagkain.

We were sitting on the sand, feeling the gentle sound of the waves together with the crackling sound of fire na para bang mayroong constant popping.

Nanguha ako ng beer na nakalagay sa cooler at isa isa silang inabutan.

"Huhuness guys, walang iyakan ha?" sabi ni Alianna habang binubuksan ang kanyang beer.

"Ikaw lang naman iyakin satin." si Mike.

Napangiti naman ako habang tinititogan sila. Si Bambam at Beng na magkatabi habang magkahawak ang kamay at si Ali at Mike naman na nagbabangayan.


"Bakit? May dumi ako sa mukha?" tanong ko kay sol na nakatingin sa akin.

"Wala nakakapanibago lang kasi parang tumatanggi ka sa beer." titig nya din sa beer na nasa kamay ko na wala pang kabawas bawas.


"Pass muna, ieenjoy ko muna kasama kayo." lumapit ako sa apoy ay nagsimulang mag gawa ng smores.


Lumayo muna ako sakanila dahil pakiramdam ko ay matutukso ako sa alak, sabi na ngang ayoko muna uminom.

Nakaupo lang sa buhangin habang humahampas ang alon sa dulo ng mga paa ko. Huminga ako ng malalim at tinitigan lang ang mga bituin at ang buwan na nasa aking harapan.


"Hey." bigla namang may humawak sa balikat ko kaya ako napalingon. Anak ng tipaklong tong si Solis oh, nagmomoment ako e.


"Oh bakit? Anong problema mo sa buhay at gugulu-" hinawakan naman nya ang bibig ko at tinitigan ako.


"Shh, let me relax for a moment." at talagang hindi na sya nahiya natulog pa ata ang gago sa balikat ko. Pero masaya ako na sumasandal na sya sa balikat ko. Ako nalang kasi ang laging sumasandal sakanya.

Inayos ko ang buhok nya na huharang na sa mukha nya, amoy na amoy na rin ang alak sa bibig nya.


"Chase it Sol, chase that dream." sabi ko habang hinahawakan ang pisngi nya.


Nagulat naman ako ng lumapit ang apat pa naming kaibigan. Great, limang lasing ang nakapaligid sakin ngayon.


"Luna, mahal na mahal ka namin."



"We are here for you two."


Yun ang mga narinig ko bago tuluyang nakatulog ang bawat isa sa sakanila.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon