Chapter 5

9 1 0
                                    

Days have passed at thankfully nasurvive namin ang examination. Tinignan ko ang results ng examination ko. Okay naman.,

Pasang awa ang score ko sa math. Sana all may awa! Sunday ngayon at nandito kami school para magayos ng booths ng bawat club at mga decorations. Sobrang busy ng mga tayo. Ang dumi din court, nagkalat ang mga neon paper, cartolina, mga marker, glue, tape at iba pa.




Lumapit naman ako kay Paolo, si Paolo ang vice president ko sa Archery club.

"Uy madam, nagpreprepare na pala ngayon! Kaso kulang tayo sa table cloth saka- ano na ngang tawag dun? Yung karayom na may takip sa taas! Yung espada ni jerry!" binatukan ko naman sya, pero kitang kita ko talaga ang effort ng bawat myembro namin.



Nagmeeting kami last last week na ang gawing booth nalang ay yung darts at yung bow and arrow na pambata.


"Haharangan pa ba madam? Lalagyan ng border?"


"Sige."



Hinati namin ang space namin para sa booth sa apat na parang cubicle dalawang darts at dalawa ding bow and arrow. bukas na namin ikakabit yung mga target ang importante ay may pagpapatungan na.


"Uy, tapos na kayo?" habang papalapit si sol ay nagpunas naman ako ng pawis na tumutulo mula sa noo ko pababa sa aking leeg.

"Oo ididikit nalang yung target, oo nga pala boi. Samahan mo ako bumili ng mga price." oo nga pala kailangan kong bumili ng mga papremyo. Dadamihan ko na dahil siguradong lahat ng booths ay magiging busy sa 1st to 2nd day. Pinapapasok kasi ang out siders sa 1st day, second day at last day. Sa third day kasi ay puro palaro lang para sa students by section, sa first and second day opening lang ng booths at eme eme. Sa fourth day ay mga performances ng banda, sections, and groups. At sa last day ay umaga lang pwedeng pumasok ang outsiders, may party kasi ng hapon at kasama na rin ang awarding. The party will go on until like 12-3am?

.

Agad naman kaming nakarating sa grocery store at namili ng mga papremyo.

"Ano na ngang booth nyo?" tanong ni Sol habang naglalakad at nagtitingin tingin ng mga pagkain sa aisle.

"Target booth sa inyo ba?" hindi kasi kami pareho ng booth ni Solis, sa Math club kasi sila.

"Escape room, amp. Malaking space ang binigay sa amin, kasama namin ang Positron club. Napagdesisyonan ng bawat club na escape roon nalang."  kumamot kamot pa sya sa ulo.

Pagkatapos naming mamili ay huminto kami sa isang shawarmahan,  malayo palang kasi amoy na amoy mo na sarap nito.



"Kuya Tatlo po na special with extra cheese." napatingin naman sa akin si Sol.


"Tatlo? May kasama pa ba tayo?" nagtatakang tanong nya at parang kinilabutan pa ng hinayupak


"Hindi, para kay Paolo yan tungal. Tinext ko kasi di daw pala sya nakakuha ng meryenda kanina kasi sya yung bumili ng ibang gamit." napa  ah naman sya at tumatango nalang.


Nang makabalik kami sa court ay nagpaalam na ako kay Sol at nilapitan si Paolo.


"Paolo, oh shawarma." inabot ko sakanya ang mainit init pang shawarma na nasa aking kamay.


"Uy, salamat boss. Hulog ka talaga ng langit." napangiti naman ako ng makita ang abot tenga nyang ngiti.


"Hindi yan hulog ng langit, hinulog talaga sya ng langit." aba'y gago amp, ang sama talaga ng ugali nitong si Sol , sasabat nalang ganun pa ang mga sagutan.



EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon