Chapter 4

13 1 0
                                    

"Oh Luna late ka nanaman? Sige na pasok na." anak ng tipaklong naman oh! Bakit ba kasi ako nagbabad sa tekken kagabi!? Edi sana maaga akong pumasok!





"Luna! Hala sya monday na monday late ah! Ang lakas din naman ng apog mo at pumasok ka pa ng patapos na ang first subject!" bulyaw sa akin ni Aji.





"Sorry na nga e! Nagtekken nga ako ako kagabi!-" bigla ko namang nasulyapan na masama ang tingin sa akin ni Solis. "a-at nagreview! Tama! Nagreview din ako kagabi!" nagvervous chuckle pa ako.





.





"Sasabihin ko na talaga kay Sky na kolektahin yan Luna. Magreview ka!" sigaw sakin ni Solis, eto nanaman kasi kami. Gusto kasi namin pareho kami ng papasukang college, e eto namang si bud harvard, oxford at yale ang mga pinapangarap!





"Oo na nga! Eto na nga! Oh ano ba kasi yan?" sinilip ko ang notes ni Sol at napanganga nalang ako putangin-





"Aba'y gago! Akala ko ba friends tayo calculus?! Omg traydor!" anak ng puta naman oh, kaya ayoko sa math e.





"Itodo mo ang review dito Luna Lei, kahit wag ka na magreview sa mga bio, physics at chem. Give more attention on Gen Math, but don't leave others behind." binanggit nya ang buong pangalan ko, ibig sabihin pwede na syang kumain ng tao sa sobrang pagkaseryoso nya.


.




Anak ng tipaklong, ilang minuto na kaming nagrereview dito pero konti o wala paring pumapasok aa utak ko. Sabog nanaman ako, jusko.




"Tignan mo to, this is the formula of-"





Napatingin ako sa paligid ko at napatitig sa damo. Haha ang cute nung damo-





"Luna? Luna! Ano ba!? Focus on me! Only me!" hala sya oh tunog iba yan ah!





"Damot ah boyfriend ka? Boyfriend?" aba to ah, sinamaan pa ako ng tingin amp.





.





"Sol, gutom na 'ko" he looked at me, no- more glared at me. "please lang, di pa ako naguumagahan!" tumayo naman sya at nilahad ang kamay.






"Okay fine, come on. Punta na tayo sa canteen. Bakit ba kasi nagpuyat ka sa tekken, sino bang kalaro mo?" tanong nya habang naglalakad papuntang canteen.





"Si Renzo at Kuya Ray, pumunta kasi sila sa bahay kagabi." napatingin naman sa akin si Solis.





"Ah okay." he said in a serious tone.





"Luh bat tunog galit naman yan bossing?"





"Wala, what do you want? Ikaw magbabayad ng pagkain mo ngayon, unless lilitaw nanaman yung kinababaliwan mong amerikanong hilaw." lakas ng topak nito may pabulong bulong pang nalalaman ampts. Kaya ko namang magbayad ng pagkain ko pero mas masarap kasi pag libre. #abuso






.



Wala na kaming masyadong klase dahil malapit na nga ang exam. Handa ka na bang bumagsak sa calculus?





Napatingin ako kay Sol na nagrereview parin kahit pa nakatambay kami sa computer lab. Ang talino nya, di ko mareach! Mahina kasi ako sa math, sya naman sobrang galing sa math kaya siguro kami naging magkaibigan?



Naalala ko nanaman kung pano kami nagkakilala hahaha, bagong lipat lang kami dito nun e, galing kasi akong hometown ng mommy ko at lumipat kami dito nung kagagraduate ko ng elementary. First year highschool naging magkaklase kami ni Sol. At dahil nga mahina ako sa math sinabihan ng teacher namin na turuan ako ni Sol pag may free time sya, at dahil dun naging crush ko sya nun.



Tinitigan ko sya, halos wala namang pinagbago ang mukha nya simula nung first year. Nangitim lang sya at nadevelop ang jawlines. Sobrang ganda ng features nya, sakto lang rin ang katawan nya. Mahaba ang pilikmata, matangos ng ilong, mapungay ang mga mata at mapulapula ang labi. Yan si Solis.



"Hoy ano nanamang iniisip mk at tinititigan mo ako? Crush mo siguro ako noh?" tanong nya sakin na para bamg nangaasar




"Wow, san tayo humuhugot ng kapal ng mukha ser ha?" kapal din ng apog e.





"Dyan lang sa puso mo." ngumisi pa ang hinayupak.





"Tse, san tayo maglulunch?" tumutunog nanaman ang dragon sa tiyan ko. Sabi nya krukru tomguts na ako.





"Malay ko, saan mo ba gusto?" tanong nya.





"Dyan nalang siguro sa karinderya ni Ate Stella. Masarap ang sabaw dun e." sobrang sarap ng sabaw ni Ate Stella! Talagang binabalik balikan!



.




Naglalakad na kami papunta sa karinderya at narinig ko nanaman ang-




"Ikaw na bata ka! Hindi ka pa nagtatanda! Magkokolehiyo ka na ganiyan parin ang ugali mo! Aba'y manang mana ka sa tatay mong babaero!"





"At bakit naman ako'y nadamay riyan! Ay wala naman naman akong ginagawang masama! Aba'y kapag maling gawain ay mana sa akin, kapag nama'y mabuti ay mana sa iyo!"





"Inay naman kasi, ay talagang ayoko talaga roon mag aral! Bakit 'nyo pa kasi ako ipinasok roon! Ang mahal pa ng tuition sa eskwelahan na- "





"Ate Stella! Anong menu nyo ngayon?" tanong ko kay Ate Stella na busing busy pagalitan si Makoy, si Makoy ang pangalawang anak ni Ate Stella. Sobrang pasaway nito at mahilig magcut class. Sa katanuyan ay nakakasalubong ko ito minsan pag nagcucutting ako.





Natigilan ang pamilya nila sa pagbabangayan ng umeksena ako. Pasensya na, gutom talaga ako!




"Ah eh, mayroon kami dine na sinigang na baboy , menudo at saka ay putsero. Mayroon din palang lumpia ay dine. Mura na masarap pa!" napangiti naman ako ng naramdaman ko ang pagkataranta ni Ate Stella.





"Sinigang ho ako, with extra sabaw , dalawang kanin at 2 lumpia." uy kumakaway nanaman ang bilbil ko.





"Ako ho sinigang din, dalawang kanian saka kalahating order ng putsero. " agad namang hinanda ni Ate Stella ang mga order namin.



.






"Shol, tabi tayo sha exham ha!?" tanong ko sakanya habang ngumunguya pa.





"Pwe, magreview ka muna!" ang kapal din naman ng mukha nito! Akala mo wala akong ambag e mahina naman sya sa Science at Tech. Hmpts.

.


"Sol punta ka bahay later." sabi ko sakanya habang nakatitig sa math notes ko.



"Bakit?" nagtaka pa ampota.




"Tekken tayo- " sinamaan pa nya ako ng tingin "Ay ayaw mo? Ge dota nalang!" aray! Kinaltukan pa ako oh! Muntik pang tumama dun sa bukol ko!


"Anong tekken tekken dota dota? Walang ganon ganon ngayon! Review lang! Review!" aray naman! Nasanay na akong naglalaro gabi gabi e, pwera kung nakainom ako! Pero minsan lang naman akong uminom, liver lover kaya ako!



"Awts gege, para na kitang tatay ah."

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon