Chapter 18

13 1 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula noong nakauwi na kami sa Manila. Pero hindi ko parin nakikita si Sol.


Nasaan ka ba Sol?


"Mike, hindi pa ba tumatawag sayo si Solis?" napatingin naman si Mike sa rear mirror at tinignan ako. There was a hint of pity and sadness in his eyes.


"H-Hind pa. Sayo ba?" umiling naman ako at ibinaling nalang ang tingin ko sa bintana ng sasakyan.


Nakarating na kami sa tapat ng Hospital at hininto na ni Mike ang sasakyan senyales na na rito na kami. Bumaba si Mike at binuksan ang pinto mula sa labas.


"Salamat Mike. Basta pag tumawag sa'yo si Sol inform me ha?" ngumiti naman sya at tumango.


Pinagmasdan ko ang kotse ni Mike habang unti unti siyang lumalayo. Pumasok na ako sa loob at inayos ang gamit ko sa locker.


Pag ka punta ko ng office ay si Doc agad ang bumungad sa akin. Sa sobrang busy ko kasi at pre occupied nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na masyadong napapansin ang mga tao sa paligid ko.


"Goodnorning Doc." banggit ko habang sya naman ay busyng busy na nakatingin sa kanyang laptop.


"Miss Velasquez, do you know how rare it is for a person to have a heart tumor?" napaawang naman ang labi ko.


Heart tumor? Heart cancer? Sobrang rare nito dahil hindi naman naeexpose ang puso masyado sa carcinogens.  In fact it is so rare na sa buong pag stay ko dito sa Hospital ay wala pa akong nakikitang mayroong heart cancer. Karamihan kasi ay inililipad sa ibang bansa. Hindi din kasi kinakaya matanggal ito surgically kaya cinichemo ang patient o di kaya'y radiation.


"Yes doc, what about it?" isinarado naman niya ang laptop nya at tumingin sa akin.


"We have a stage 3 heart tumor patient." tumayo naman sya at iniwan na ako sa office.


Meron kaming pasyenteng may heart tumor?


Bakit? Hindi ba sya lilipad? Sa pagkakaalam ko ay halos lahat ng mga nadiagnose dito ay lumilipad ng america o di kaya'y korea para doon magpagamot. Bakit sya magstastay dito?


Pinuntahan ko naman sila Ali na siguro ay nasa emrgency. Naabutan ko namang busy ang aming emergency room. May mga batang nagsisiiyakan, mga teen ager na batid ko ay naaksidente sa dami ng natamong sugat. Lumapit naman ako at tumulong sa pagkakabit ng swero.


Natanaw ko naman ang siang batang babae, naka puting dress ito na parabang inilubog sa putik ang kulay nakatitig lang sa kawalan at napansing wala pa syang IV fluid na nakaattach sa kanyang kamay. NIlapitan ko ito at niready ang dextrose.


"Hello? Kakabitan na kita ng dextrose. Asan ang mama mo?" tumingin naman ito sa akin at agad ding sa iba ibinaling ang mga mata.


"Patay na daw ang mama ko sabi nung nakaputing coat  na lalaki." nadurog ang aking puso nang marinig ko ang sagot nya.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon