Page 1

5 0 0
                                    

Jan 13 2010

Hello diary,

Ito ang unang beses kona magsulat dito. 13 years old na pala ako diary. Alam moba diary hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa pamilyang umampon saakin.

Lagi nila akong inuutusan, sinisigawan, sasabihin ka ng masasakit na salita, lalo na at...sasaktan ka.

Pero ako, ito, fighting! Haha. Wala naman akong magagawa dahil sila ang nagpakain at nagbihis sakin. Pinapatira pa nila ako sa bahay nila.

Kaya ang pagsisilbi lang ang kaya kong isukli sa kanila... Kahit nakakasakit na.

Alam mo ba diary sinampal nanaman ako ni Ma'am Eli ngayong araw at sinabunutan naman ako ni Elisha. Ayaw nya kasing tinatawag ko silang Mom or Dad kaya Ma'am Eli and Sir Trev ang tawag ko sa kanila pati sa anak nilang si Elisha.

Yung ang tawag ko sa kanila kapag kami-kami lang or nasa bahay pero kapag may ibang, mga kaibigan nila ang tawag ko sa kanila ay mom at dad. 

Ayaw daw kasi nilang madumihan ang pangalan nila nang dahil saakin.

Oklang naman saakin. Wala naman akong magagawa kung hindi sundin sila.

Sa susunod muli diary!

-Sadie

Diary ni Sadie✔️Where stories live. Discover now