Feb 26 2015
Hi diary,
May iku-kwento ulit ako sayo. Hanggang ngayon hindi ko pa sinasabi kay Cal na buntis ako. Gusto ko kasi sya sana isurprise kaso paano kung magalit sila saakin pati sa anak namin?
Ayoko masira ang relasyon nila. Kaya pinagi-isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya. Nagkaka-babybump na din ako. Ang saya kahit maliit palang sya.
Lagi ko nga hinahaplos at kinakausap si baby. Ngayon palang pinagpa-planuhan kona kung ano ang name nya. Kung ano ang unang ituturo ko sa kanya.
Ang saya diary. Ngayon kolang naramdaman ang ganitong saya.
Lagi na din akong kumakain ng healthy foods. Sabi kasi nung doctor nung pumunta ako sa hospital mag-isa. Kailangan daw healthy ako para healthy din ang baby.
Minsan nga kinakantahan ko si baby. Kahit mag-mukha akong baliw. Onga pala, sila Cal at si Soleil ang girlfriend nya. Nandito parin sila nakatira.
Minsan nga nagtataka ako kung bakit ako ang inuutusan ni Soleil. Nagagalit sya kapag hindi ko sinusunod kaya wala akong magawa kundi sundi sya.
Isang beses kasi napagbuhatan nya ako ng kamay. Kasi hindi ko sya napagtimpla ng kape. Hindi nga nya ako pinapasabay kumain sa kanila eh.
Kaya minsan late na ako kumain. Minsan pa hindi na nila ako tinitirhan ng makakain. Kaya minsan canned goods nalang ang kinakain ko pero hindi ko nakakalimutan ang uminom ng milk.
Kagabi nga bigla nalang akong hinataw ni Soleil kasi ilang beses nya na daw akong tinawag. Kaso lang hindi ko narinig kasi nasa laundry room ako naglalaba.
Nilabhan kona din kasi ang mga damit nila. Nagtataka na nga ako kung nasaan si ate mimi. Ilang araw na syang wala.
Sinubukan ko din tanungin si Cal kaso sinigawan lang ako nito at sinabing pinalayas na nya daw. Nalungkot ako dun kasi wala na akong ka-kwentuhan.
Buti nalang at nandito si baby. Alam mo yung feeling na kahit saan ka magpunta parang lagi kang may kasama dahil kay baby.
Kaya hindi ko nararamdaman mag-isa ako.
Hanggang sa muli.
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."