Page 13

1 0 0
                                    

A/N: naluluha ako habang tina-type ito haha skl.

~~~~~

March 15 2015

Hello diary,

Isang buwan muli ang lumipas ng huli kong sulat sayo. Diary, ano ba ang kasalanan ko?

Bakit koba nararanasan ang lahat ng ito? Diary, pagod na pagod na ako. Yung nagiisang lakas ko. Kinuha pa nila.

Wala naman akong ginagawang kasalanan. Oo, alam kong salot na ako. Malas o kung ano pa ang itawag nila saakin.

Utusan o saktan na nila ako ayos lang. Pero bakit ang inosente kong anak na damay sa kasamaan nila?

Nagiisang lakas kona lang diary. Kinuha pa. Kaya ngayon. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang mabuhay.

Diary, si Soleil. Pinatay nya ang anak ko. Ano bang kasalanan ko? Nakakainis naluluha nanaman ako diary.

Hindi man lang nasilayan ng anak ko ang mundo. Ang mundong puno man ng masamang tao. Maganda parin naman ang kapaligiran nito.

Kahapon diary, nagulat ako nung nambulabog si soleil sa kwarto. Bigla nyang hinila ang buhok ko at kinaladkad ako palabas ng kwarto ko.

Wala akong ibang nagawa kundi magmakaawa dahil baka madamay ang anak ko. Pero wala itong alam at pinagpatuloy lang ang pananakit saakin.

Sinampal ako nito at sinabunutan. Sinabing ninakaw ko daw ang alahas nito. Sinabi ko ditong wala akong ninakaw pero hindi ito naniwala dahil kaming dalawa lang daw ang nasa bahay ng araw na'yon.

Sinabi ko ditong kahit halughugin nya pa ang kwarto ko pero hindi ito nakinig at pinagsasampal ako nito.

Sa sobrang iyak ko ay hindi ko na masyadong makita ang kapaligiran ko hanggang sa nagulat nalang ako ng tinulak ako ni Soleil sa hagdan.

Sobrang sakit ng katawan ko nun. Kinabahan na ako ng maramdaman ko ang hapdi sa tyan ko. Nang makababa si soleil ay hindi pa ako nito tinigilan at pinagsisipa pa ako.

Pilit kong prinotektahan ang tyan ko kahit masakit ito. Hagulgol, pagmamakaawa ko at sigaw lamang ni Soleil ang maririnig sa bahay ng oras na'yon.

Hanggang sa tumigil na ito. Kumabog ang dibdib ko ng makakita ako ng dugo. Bago umalis si soleil ay binantaan pa ako nito na kapag hindi pa ako umalis ay ipapakulong nya daw ako.

Nang makaalis na ito ay mas naluha ako ng makita ang madaming dugo sa hita ko. Sumigaw ako ng tulong ngunit walang dumating.

Sa sobrang hina ko ay gumapang ako papuntang pinto hanggang gate para makahanap ng tulong.

Wala na akong ibang iniisip ng oras na'yon kundi ang anak ko. Hanggang sa may aleng nakakita sa akin. Agad ako nitong dinala sa hospital papunta pa lamang ay nagmakaawa na ako sa ale na iligtas ang anak ko. Hanggang sa nahimatay ako.

Pagkagising ko nun ay doon na gumuho ang mundo ko. Sinabi ng doktor na hindi daw nakaligtas ang baby ko.

Wala akong magawa diary. Ang hina-hina ko. Sa buong buhay ko wala akong nagawa kundi magmakaawa at umiyak.

Yung isang lakas ko nawala pa. Parang pati ang buhay ko kinuha na din nila.

-Sadie

Diary ni Sadie✔️Where stories live. Discover now