June 13 2014
Hello diary,
Ilang buwan muli ang lumipas at syempre may iku-kwento ulit ako diary.
Ilang araw na ang lumipas ng malaman kong ipapakasal ako sa anak ng kabusiness partner nila Ma'am Eli.
Hindi daw kasi sila makabayad ng utang nila dito. Hindi naman daw pwede ang anak nila dahil gusto nila ang mahal nito ang papakasalan nito.
Nagmakaawa ako sa kanila na huwag ituloy kaso sinampal lang ako ni Ma'am Eli.
Sinabihan pa ako nitong walang utang na loob. Matapos daw na patirahin ako sa bahay nila ay hindi ko pa daw magawa ang bagay na gusto nila.
Kaya sa huli pumayag na ako. Ilang araw na din matapos ng ikasal ako sa anak ni Mr. And Mrs. Lothaire. Mama at papa nalang daw ang itawag ko sa kanila dahil kabilang narin daw ako sa pamilya nila.
Ang swerte ko dahil napakabait nila. Sa bahay na din nila ako nakatira. Ang saya ko nung araw na malaman iyon. Kahit nami-miss ko si nanay maria at mochi.
Laking pasasalamat ko dahil nakatakas na din ako sa pagmamalupit ng pamilya nila Ma'am Eli.
Ngunit masaya nga ako paano naman ang asawa ko? Galit sya saakin dahil pumayag ako sa arrange marriage.
Si Calvin o Cal ang pangalan nya diary. Gwapo sya at alam kong mabait din sya. Kaso galit lang talaga sya saakin kasi pumayag ako na ituloy ang kasal dahil may girlfriend daw ito.
Sinabi pa nito na gagawin nyang impyerno ang buhay ko. Hindi nya alam matagal ng impyerno ang buhay ko.
Nagpapasalamat parin naman ako sa pamilya nila Ma'am Eli dahil kahit sinasaktan nila ako ay pinapakain at pinapatira parin nila ako.
Ngayon diary nagluto ako ng paboritong pagkain ni Cal. Sigurado akong magugustuhan nito.
Gusto ko rin naman na maging mabuting asawa sa kanya. Onga pala diary, yung mga sugat at pasa ko? Wala na. Pinagamot kasi nila Ma'am Eli bago kami ikasal ni Cal. Ayaw nya daw kasing madumihan pangalan nya.
Binalaan pa ako na huwag kong ipagsasabi ang ginawa nila sakin. Wala naman akong nagawa kung hindi tumango dahil may utang na loob parin ako sa kanila.
Ilang oras na akong nagiintay kay Cal. Alas diyes na ng gabi at wala pa ito. Siguro nandun iyon sa girlfriend nito. Kaya wala na akong nagawa at nilagay nalang sa ref ang mga niluto ko.
Pinaghirapan ko iyon dahil naglibot pa ako sa palengke para maghanap ng rekados nun. Nagsearch pa ako para sa pagtimpla nun.
Kaya sigurado akong magugustuhan iyon ni Cal.
Nagkandasugat-sugat pa ako sa kamay dahil nahiwa ako sa kutsilyo. Pero ayos lang worth it naman siguro niluto ko?
Hanggang sa muli.
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."