Page 6

5 0 0
                                    

June 5 2012

Magandang umaga mahal kong diary,

Ilang buwan nanaman ang lumipas. May iku-kwento ulit ako diary.

Kahapon pa ito nangyari kaso hindi ko na kwento sayo dahil sobra ang panghihina at sakit ng katawan ko.

Hanggang ngayon dama ko parin ang sakit ng katawan ko ngunit pinilit kong pagsilbihan sila Ma'am Eli. Dahil baka sa kulungan nanaman ako ng aso patulugin.

Hindi naman ako nagrereklamo. Ang akin lang, kawawa yung aso kasi sa labas sya natutulog kaya nga minsan nagpapalit kami at ako ang nasa labas.

Minsan nga hindi na ako natutulog at nagku-kwento nalang kay mochi ang aso ni Elisha.

Onga pala ang kwento ko ngayon ay tungkol sa teacher namin.

Nung uwian na kasi pinatawag ako ni Mr. Lafonso sa office nya. Akala ko nga may nagawa akong mali. Eh, tahimik lang naman ako sa klase.

Wala kasing may gustong makipag- kaibigan saakin. Salot daw kasi ako. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang sinasabi nilang salot ako pero hindi ko nalang ito pinansin.

Nang makapunta ako sa office ni Sir ay pinaupo ako nito sa upuan sa tapat ng lamesa nito. Tinanong ko ito kung may nagawa ba akong mali.

Ngunit sinabi lang nito na meron daw at may consiquence daw iyon. Tinanong ko ulit kung ano ang nagawa ko.

Ang sabi nito napakalaki daw ng nagawa ko kaya kinabahan na ako. Inalala ko kung anong nagawa ko.

Kung meron ba akong nakaaway? Wala naman. Kung meron ba akong fails sa exam? Wala naman. Kung napagtripan nanaman ba ako ng mga estudyante? Lagi naman.

Tinanong ko ito kung pwedeng linisin kona lang bukas ang cr ng building namin kung ano man ang nagawa ko. Ngunit sabi nito meron daw mas madaling paraan.

Kaya tinanong ko ito kung ano iyon. Ayoko na patagalin dahil male-late nanaman ako sa pag-uwi at baka dun nga ako sa kulungan ni mochi matulog. Kawawa naman sya.

Tumayo si Sir at lumapit saakin. Naglakad ito sa likod ko at hinaplos ako sa balikat at inamoy ang batok ko.

Nagsimula na akong kabahan dahil bumalik sa alaala ko ang nangyari noon kung saan nakuha ang pagkabirhen ko.

Binulong ni Sir saakin na isang oras lang daw ay bayad na ako sa kasalanan ko. Nagsimula nang tumulo ang luha ko nun.

Nagmakaawa ako dito na kung pwede maglinis nalang ako sa building namin kahit isang linggo pa o buwan ngunit hindi ito pumayag kung meron naman daw na madaling paraan.

Hinaplos nito ang dibdib ko kaya tinulak ko ito at tumakbo papuntang pinto. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ay may humila sa buhok ko.

Sinikmuraan ako ni Sir at pinilit hiniga sa sahig. Sinubukan ko itong sipain at sampalin ngunit mas malakas ito saakin.

Nagmakaawa ako dito na wag ituloy ang binabalak nito ngunit parang bingi itong walang narinig. Sinikmuraan ako nito muli at sinabing huwag maingay.

Sa sobrang panghihina ay wala na akong nagawa ng takpan nito ang bibig ko at paghahalikan ako sa katawan ko.

Sinubukan ko parin itong itulak ngunit sinampal ako nito na kinadugo ng gilid ng labi ko.

Hanggang sa nagtagumpay itong hubadin ang suot ko.

Wala na akong nagawa hanggang sa makuha na nito ang gusto nito.

Sobrang hinang-hina ako nun. Bago ako makauwi ay binantaan pa ako nitong huwag magsusumbong kung hindi ipapatanggal nito ang scholarship ko sa school.

Wala na akong nagawa kung hindi tumango dito at tahimik na umiyak. Kahit hinang-hina naglakad ako pauwi dahil wala naman akong pamasahe.

Nandidiri na ko sa sarili ko diary. Wala akong magawa. Kung hindi lumuha lang.

Pagkauwi ko ay isang sampal at sabunot ang bumungad saakin pagpasok ko palang.

Sinigawan ako ni Ma'am Eli na lumandi nanaman daw ako kaya anong oras na ako nakauwi.

Wala lang akong imik habang sinasampal ako nito at hinahataw ng sinturon ng asawa nito.

Nang matapos ito ay inutusan ako nitong maghugas na ng pinggan at doon ako sa kulungan ni mochi pinatulog.

Kahit hinang-hina ay nagawa ko ang lahat ng pinaguutos nila.

Ang nagawa ko nalang ay pagmasdan ang bituin sa madilim na kalangitan.

Hanggang sa muli.

-Sadie

Diary ni Sadie✔️Where stories live. Discover now