April 8 2012
Hello diary,
Isang taon nanaman ang lumipas at hindi ako nakapag sulat sayo. Mukang taon taon lang ako nakakapag sulat sayo dahil minsan hindi kaya ng katawan kong magsulat.
May iku-kwento ulit ako sayo. Kahapon nagalit saakin si Elisha dahil malandi daw ako at inagaw ko daw sakanya ang crush nyang si Matthew.
Naging kaibigan ko kasi si Matthew at nagalit doon si Elisha. Sinabi ko ditong hindi ko inagaw si Matthew pero hindi ito naniwala saakin.
Nagsumbong pa ito kay Ma'am Eli kaya napagbuhatan ako ng kamay nito. Hindi pa nakuntento si Elisha at sinabunutan pa ako at pinag-gugupit ang buhok ko.
Wala lang akong ginawa kundi umiyak. Kinakaladkad ako nito pababa sa hagdan ngunit nagpumiglas ako dito hanggang sa matulak ako nito kaya nalaglag ako sa hagdan.
Nauntog ang ulo ko kaya nagdugo ito. Sobrang sakit ng nararamdan ko nun at hinang-hina ako pero wala silang ginawa.
Tinawanan lang ako ni Elisha at sinabing bagay iyon saakin. Habang ang magulang nito ay mas inuna pang tanungin kung may sugat ba na natamo si Elisha nang makita nila ang isang gasgas na natamo nya sa pagpupumiglas ko ay sinipa ako ni sir Trev sa tyan.
Nagsorry ako dito at nagmakaawa na hindi na mauulit kaso hindi nila ako pinakinggan at pinagsisipa pa ako ng mag-asawa.
Tutulungan sana ako ni nanay Maria kaso pinagalitan sya ni Ma'am Eli at binalaan na huwag akong tutulungan kung hindi matatanggal sya sa trabaho.
Kaya walang nagawa si nanay Maria kundi nakayuko lamang nagintay sa kanilang matapos sa pananakit saakin.
Kumirot ang puso ko ng makita ang luhang tumulo sa pisngi ni nanay Maria.
Hindi nya dapat nakikita iyong nangyayari dahil matanda na sya at baka makasama pa sa kalagayan nya.
Hindi pa nakuntento si Ma'am Eli at binato pa saakin ang vase. Tumama ito sa mukha ko at deretso sa kanang mata ko. Kaya nanlabo ang mata ko.
Umiyak lang ako dahil wala akong magawa. Pagmamakaawa lang kaya ko.
Nang matapos na sila ay pumunta sila sa dining area at inutusan akong ipaghanda sila.
Kahit puno na ng dugo at hinang-hina ay ginawa kong ang pinaguutos nila.
Inutusan pa akong linisin ang dugo ko sa sahig.
Nang matapos na sila kumain at nakapag hugas na ako ay inumpisahan ko ng linisin ang sahig.
Matatapos na sana ako kung hindi ako binuhusan ni Elisha ng basura at kaning baboy.
Kaya wala na akong ginawa kundi linisin iyon hanggang sa inabutan na ako ng umaga.
Si nanay Maria din ang naggamot sa sugat ko.
Nang tinanong ako nito kung gusto ko bang umalis doon. Umiling lang ako nginitian ito.
Dahil kahit ano mang gawin nila Ma'am Eli....para saakin sila parin ang pamilya ko.
Hanggang sa muli diary.
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."